9

3 1 0
                                    

Leah's pov

"You have 1 hour to take the Community Health Nursing 2 exam. Timer starts now" sabi ng proctor namin at agad ko naman inexamin 'yung test. Buti na lang talaga ay nag review ako nang bongga simula last week kundi nganga ako ngayon sa sobrang hirap ng exam!

Hindi ko rin alam kung paano kami nagkapera, basta nagpadala sa akin si mama ng 60k pambayad ng balance ko at sobra pa 'yon kaya allowance ko na lang daw.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na ang isang oras para sa exam na 'to.

"Hands up, ballpen down. Congratulations tapos na ang midterms niyo" biro ng proctor namin at lahat naman kami ay nakahinga ng maluwag dahil finally! May 1 week vacation kami bago mag start ang second term.

"Alleah!" bati ni Clouie pagkalabas ko ng room, siya nga pala 'yung una kong naging kaibigan dito sa uste dahil nakasabay ko siya sa pila ng entrance exam at sabay rin kami nag-enroll dito sa uste.

"Long time no see, OMG!" sabi ko dahil hindi talaga nagmmatch ang schedule ng Nursing at Engineering kaya wala kaming time magbonding dalawa.

"Let's go club later!" aya niya pa sa akin

"Alam mo namang it's not my thing" paliwanag ko, dahil hindi naman ako palainom 'no

"I know pero you need to celebrate rin! Tsaka ang tagal na nating hindi nagsasama oh" sabi niya pa at nagmamakaawa pa sa akin

"You can bring your friends din! The more the merrier" dagdag niya pa at agad ko namang naisip si Ria. Hindi 'yon magpapatalo dahil kung ako ay hindi umiinom ng alak siya naman ay G na G lagi.

"Okay, Okay! Text mo na lang ako kung saan" sabi ko at tumili naman siya at niyakap ako nang mahigpit

"I love you Alleah Cruz very very much" sabi niya pa kaya binatukan ko siya. Nakakahiya talaga kasama 'to kahit kailan.

Hinatid niya na rin ako sa dorm namin dahil token of appreciation niya raw 'yon at pumayag akong mag club.

"See you later ah! Susunduin kita para wala kang takas Alleah Cruz" sabi niya at tinawanan ko na lang siya

"Oo na! Mag-iingat ka Clouie Abigail Zamora" sabi ko bago pumasok ng dorm, wala pa si Ria siguro ay nakipag bonding pa 'to sa iba niyang friends.

Agad ko namang naisip si Sage, ang tagal din naming hindi nag-usap dahil parehas kaming busy sa midterms. Hindi ko parin nababalik 'tong notes ni Kurt.

Sage Guevarra

: Hello! Leah, kamusta midterms?

Huy! Okay lang naman, basic!:

:Yabang, ganiyan ba
kapag todo review?

Sakto lang lods:

:HAHAHAHAHHAHA

Ikaw nahirapan ka ba?:

:Oo, halos lahat ng nireview ko
wala sa exam, badtrip!

HAHAHAHAH 'di 'yantiwala lang 🤞🏻:

: I will, sabi mo eh

"Ayos, nakangiti na siyang nakaharap sa cellphone niya" asar ni Ria pagkapasok niya ng kwarto

"Baliw! Hindi ah" tanggi ko at nagpatay malisya na lang

"Sus" sabi niya at inasar ako

"Si Leah ay may boyfriend na" sigaw niya pa kaya naman tinadyakan ko siya

"Wala!"

"Kaibigan ko lang 'yon" paliwanag ko sa kaniya

"BFF Premium?"
"BFF Pro Max?"

"Ria Patricia Santiago wala nga, si Sage lang 'yon" sabi ko sa kaniya

"YON! Umamin din" sabi niya pa ang nagsusuntok sa hangin

"Bagay kayo" asar niya pa

"Baliw!" sabi ko

Between Riches and RemediesWhere stories live. Discover now