CHAPTER II: Exodus to Mt. Apo

19 0 0
                                    

PRAYING to the highest entity is one of the many ways to seek grace and save humanity from hell, but now, what is the use of prayer if they are already in hell? According to the Bible, hell is a place of punishment, suffering, and separation from God. Hell is known by many names. In the New Testament, Jesus frequently used the term "Gehenna" to describe hell (Matthew 5:22, 10:28). In the Book of Revelation, hell is described as a "lake of fire" where the wicked are thrown (Revelation 20:14-15). Despite the different names, they all point to one meaning: it's hell.

Tila pintuan ng impyerno, gawa sa purong bakal, ang bumukas. Bumulaga ang isang batang lalaki, nasa anim na taong gulang, na may maikling buhok. Ang kaniyang mukha ay naging blangko sa sandaling nasilayan niya ang bagong itsura ng mundong kinalakihan niya. Makapal na usok at apoy ang bumabalot sa kaniyang kapaligiran. Nasusunog na mga bahay ng kanilang kapitbahay, mga kalansay ng tao at hayop, at ang nakasusulasok na amoy.

Hindi na niya napigilan ang sarili. Isang luha ang tumulo sa natutuyong lupa, sinundan ito ng patuloy na pag-agos ng kaniyang mga luha. Naiiyak siya, hindi lamang dahil sa mga nangyayari sa kaniyang paligid, kundi dahil sigurado na siyang wala na ang kaniyang mga magulang. Sa itsura pa lang ng paligid, malabong may makaligtas pa mula rito.

Nakakabulag ang tanawin, nakabibingi ang simoy ng hangin, at nakakasakal ang bawat paghinga. Sa kalagitnaan ng pag-iyak ng bata, bigla siyang naubo. Sa una, tila karaniwang ubo lamang ito, subalit nang sinundan pa ay may kasama nang dugo na kasing lapot ng sipon na lumabas mula sa kaniyang ilong. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Ang nasa kaniyang isipan ay kapag nagkakaroon ng ganitong pangyayari, ay magiging zombie na siya, tulad ng palagi niyang napapanood sa mga palabas sa Netflix. Mas lalo pa siyang umiyak dahil sa isip niyang magiging zombie na siya.

Habang ang batang lalaki, na patuloy na umiiyak at natatakot, na nakahawak sa kanyang dibdib, may naririnig siyang isang mahina at malayo na ingay—mga tinig. Nagpupumilit na makinig sa gitna ng kaguluhan, maingat siyang gumagawa ng daan patungo sa pinagmumulan ng ingay, umaasang hindi siya nag-iisa. Ang daraanan sa gitna ng mga guho ay mapanganib, na napapalibutan ng mga debris at mga labi ng pagkawasak. Sa maliit niyang katawan ay sinusubukan niyang makaiwas sa mga pinagkalat na piraso, habang ang kanyang mga luha ay naghahalo sa alikabok at abo.

Eventually, he finds himself at the edge of a makeshift shelter, partially hidden behind a collapsed wall. Peeking through the gaps, he sees a group of survivors gathered together—a mix of men, women, and children, their faces etched with fear and exhaustion. They are working together to clean wounds and distribute limited supplies.

One of the survivors, a woman with a kind face and gentle eyes, notices the boy peering from the shadows. Maingat siyang lumapit, ang kaniyang ekspresyon ay nagpapakita ng habag habang siya ay lumuhod sa antas ng bata. Nakikipag-usap siya sa kaniya gamit ang isang malumanay na tono, sinusubukang aliwin siya sa kabila ng matinding sitwasyon. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa katawan mo?" Dahan-dahan na hinawakan ng babae ang kamay ng bata. She knew something's wrong with the kid, a visible blood on his hands and stain on his tattered and grimy shirt, bearing the heavy marks of the explosion's aftermath.

"Huwag po!" the boy reacted, avoiding the woman's hand, which was soiled gray.

Nauunawaan niya ang asal ng bata, kaya't pinanatili niya pa rin ang kaniyang boses na mahinahon. "It's okay, it's okay. Come here. Hindi safe diyan sa labas. Ayos ka lang ba? Wala namang masakit sa 'yo?" sinabi niya habang ang kaniyang mga kamay ay nakabukas sa ere.

Inalok niya ng tubig at isang pirasong tinapay ang bata. Habang nag-aalangan ang bata, hindi sigurado kung dapat bang magtiwala sa estranghero, napansin niya ang sinseridad ng babae. Sa isang malalim na hinga, siya ay naglakad papalapit, tinatanggap ang pagkain at inumin.

Fallen EdenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon