CHAPTER VIII: Ambushed

3 0 0
                                    


DAHAN-DAHAN silang naglakad, ang bawat yapak ay maingat upang hindi makalikha ng ingay. Muli nilang narinig ang sigaw, ngunit sa pagkakataong ito, mas mahina na, mas desperado.

"Naroon," sabi ni Sergeant Reyes, tinuturo ang isang makapal na bahagi ng damuhan, kung saan bahagyang naghiwalay ang mga damo. Dahan-dahan silang lumapit, nakaamba ang mga baril, ang kanilang mga puso'y kumakabog sa kaba.

Nang makarating sila sa gilid ng mga matataas na halaman, mas lumakas ang kaluskos, may gumagalaw sa likod ng mga halaman, hindi nila tiyak kung ano ito.

"Dumikit ka lang sa akin," bulong ni Sergeant Reyes, mas pinatalas ang kaniyang pandinig at tingin. Pakiramdam niya ay tila ang gubat ay nabubuhay, ang bawat kaluskos ay tila mas nagiging malakas sa gitna ng katahimikan.

Biglang narinig nila ang isang mahina at mahinang ungol mula sa kabilang panig ng mga halaman. Itinuro ni Sergeant Reyes kay Corporal Raymond ang direksyon, at si Raymond ay dahan-dahang lumapit, pinapaghiwalay ang mga matataas na damo.

Pagkapihit ng damo, nakita nila si Corporal Felix na nakahandusay sa lupa, bahagyang natatakpan ng mga dahon. Siya'y maputla at punong-puno ng putik, ang uniporme niya'y punit-punit at puno ng dugo.

"Felix!" bulong ni Raymond nang may pangamba, lumuhod siya sa tabi nito.

Ngunit bago pa man sila makakilos, biglang nagsipagtayuan ang mga halaman sa kanilang paligid, at isang mababang ungol ang dumagundong mula sa kalaliman ng gubat. Naramdaman ni Corporal Raymond ang malamig na takot na gumapang sa kaniyang katawan—hindi sila nag-iisa.

"Ray, umatras ka! Ngayon na!" sigaw ni Sergeant Reyes, nakatutok ang baril sa mga dahon. Lalong lumakas ang ungol, at ang mga anino sa paligid nila'y tila nagsimula nang gumalaw.

Walang pasabi, isang malaking nilalang ang lumusob mula sa mga halaman—isang halimaw na may baluktot at matitinik na mga galamay, at nagliliwanag ang mga mata sa dilim. Napakabilis nitong kumilos, tila isang bangungot na nagkatawang-tao mula sa kalaliman ng gubat.

Hinila ni Corporal Raymond si Corporal Felix at mabilis siyang itinaas, ngunit ang halimaw ay malapit na sa kanila. Ang matatalim nitong mga kuko ay nagpalaslas ng hangin, halos tamaan sila habang nagtatakbuhan pabalik sa base.

"Takbo!" sigaw ni Sergeant Reyes habang walang humpay ang kaniyang pagpapaputok, ang bawat bala ay tila walang epekto sa halimaw, mas lalo lang nitong pinapalakas ang galit nito.

Tumatakbo silang tatlo sa gitna ng matataas na damo, umiiwas sa mga puno at tumatalon sa mga ugat, habang ang halimaw ay humahabol nang walang tigil. Ang gubat ay nagmistulang bangungot ng mabilis na mga galaw at nag-aalimpuyong mga anino, ang mga ungol ng halimaw ay tila nagmumula sa lahat ng direksyon.

Nang marating nila ang base, halos hindi na sila makahinga sa pagod at takot. Ang halimaw ay huminto sa gilid ng mga puno, ang nagliliwanag nitong mga mata ay nakatitig sa kanila mula sa dilim, bago dahan-dahang umurong pabalik sa mga anino.

Nakahinga sila ng malalim, ngunit alam nilang ang panganib ay hindi pa tapos. They may have saved Corporal Felix from near death, but that doesn't mean they're safe. Returning to the base was their greatest mistake. They've led the beast to their nest, the only place that is safe for them—for now.

"Ano'ng nangyari?" Agad silang sinalubong ng mga kasamahan nila. Alalang-alala sila sa nakikitang kalagayan ni Corporal Felix, puno ng dugo ang kaniyang katawan, at wasak na wasak ang suot na radiation suit.

Nagkatinginan silang lahat. Seeing the radiation suit torn and messy, it only meant one thing—he wouldn't survive. The radiation would eventually kill him.

Fallen EdenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon