"POSITIVE! May mga survivor nga sa labas."
Isang lalaki na nakaupo sa isang swivel chair, kasama ang tatlong surveillance monitoring officers, ay kausap ang nag-iisang pangulo ng bansa—President Benjamin Bautista Montemayor, o mas kilala sa palayaw na BBM.
"That changes everything... we have to form a rescue team to save those survivors outside the safe zone, but we have to study first about all of the past recordings," President Montemayor said, his voice filled with hope and relief.
"Right away, Mr. President. I will gather the team to discuss this news," responded the officer with determination.
"Commander Reyes... This is a classified information. Make sure walang ibang makakaalam tungkol dito."
Now that they had crucial information about the outside world, they could devise a plan from within. The outside was survivable, and this newfound knowledge could lead to a significant breakthrough in their efforts to save everyone. However, it was important to remember that while survivable, the outside world was still fraught with dangers.
NANG mangyari ang pag-atake ng mga Chinese, nakaligtas ang grupo ng pangulo at iba pang kasamahan nito sa Malacañang. May nakatagong underground safety room ang gusali, kaya't hindi sila naapektuhan nang malubha sa pagsabog. Hindi rin agad nakapasok ang radiation sa loob ng gusali, marahil dahil sa matinding pagkapaligiran nito ng mga malalaking durog na bahagi ng gusali.
Kinakailangan nilang lumabas nang may tubig na pumapasok sa kanilang pinagtataguan. Ang pag-angat ng tubig ay dahan-dahan at tuloy-tuloy, kaya't napilitan silang buksan ang pinto na gawa sa purong semento. Subalit, hindi magawang buksan ng personal security guard ng pangulo ang pinto. Ipinindot niya muli ang passcode sa wallpad—successfully opened—pero hindi pa rin bumukas.
Mabuti na lang at may kasama silang hindi bangag. Hinubad niya ang kaniyang sandal at ginamit ito upang basagin ang emergency tool case na may crowbar sa loob. Matapos niyang makuha ang crowbar, ginamit niya ito upang iangat ang pinto at makalabas sila mula sa pinagtataguan.
"You're not one of my subordinates. Ano'ng pangalan mo?" The president easily recognized her as not part of his group.
Agad na inilabas ng tatlong guwardiya ang kanilang mga baril at itinutok ng mabuti sa babae. Isang senyales mula sa pangulo at tiyak nilang babarilin siya. "Umalis ka sa pinto at ibaba mo ang crowbar," utos ng guwardiya nang may awtoridad.
Dahan-dahan siyang humakbang palayo sa pinto at maingat na ibinaba ang hawak na crowbar tulad ng utos ng guwardiya. Subalit, bago pa man niya ito tuluyang maibaba, mabilis niyang ikinawit ang paa ng lalaki, dahilan upang tumumba ito sa sahig. Hinablot niya ang baril mula sa pagkakatumba nito habang nasa ere, saka niya binaril ang isang guwardiya mula sa bandang likuran ng pangulo, nang walang pag-aatubili. Kasabay ng ingay ng baril ang pagtitili ng mga kasamahan nila sa loob.
"Ibaba mo 'yang baril o sasabog ang bungo nito!" kumpiyansang sabi ng natirang guwardiya habang mahigpit na hawak ang baril sa ulo ng pangulo gamit ang isang kamay. Tumindi ang sigawan ng mga tao sa loob dahil dito.
"Diyos ko!" napasambit ang isa sa kanila habang tinatawag ang Panginoon dahil sa nangyayari.
"Ano ang ginagawa mo?" tanong ng pangulo, tagilid at naguguluhan habang nakatingin sa guwardiya mula sa kaniyang likuran.
Mabilis na inihagis ng babae ang kaniyang baril patungo sa kinatatayuan ng pangulo at sa guwardiya nito.
"Gusto nilang siguruhin na patay ka," wika ng guwardiya, na may nakangising tono.
BINABASA MO ANG
Fallen Eden
Science FictionIn a world ravaged by nuclear devastation, the Philippines stands as a grim testament to the horrors of war. Once a paradise, now an uninhabitable wasteland, the archipelago's fate seemed sealed when China unleashed its nuclear arsenal, erasing an e...