Page 1

402 10 0
                                    

Hindi ko alam bakit ko ginagawa to.

Sa mesa sa loob ng kuwarto ko sinimulan sumulat sa isang manipis na notebook ng mga bagay na sa sabi ng iba may malaking maitutulong sakin.

Is this a diary? A journal? I don't know anymore. Is this some sort of comfort or escape? Am I doing this for fun or I'm doing this because I'm lonely?

Naisip ko, isusulat ko na lang yung kuwento ng tayo. Sa kung paano tayo nagsimula hanggang sa kung paano tayo nagtapos.

Hindi ko alam kung sino makakabasa nito, pero hinihiling ko na sana ikaw yun.

I want to start from the beginning. From the very first encounter, very first greeting, from the first time we called each other friends.

We're both 8 when we met each other. You as a stubborn little kid na ayaw magpahiram ng crayon. Naalala ko pang sabi mo na never kang magpapahiram kahit na kanino dahil you don't share what's yours.

Naalala ko din yung unang beses mong inalok sakin yung color pink mong crayon dahil napansin mong wala ako nun. Hindi ako nanghiram pero kusa mong inalok.

I remembered that because of you, pink became my favourite color.

"Ito color pink"

"Kala ko ba ayaw mo magpahiram?"

"Gusto kita pahiramin eh. Kung ayaw mo di wag."

"Akin na nga. Thank you."

"Ako si Jhoana"

"Stacey"

Unang handshake natin. Hindi ko rin makakalimutan. Your small hand touches mine and that became one of my favourite things to do. Holding your hands. Just the thought of our hands touching, it makes me smile.

We became friends and we are inseparable. Kung nasan ka, nandun ako– kung nasan ako, nandun ka. You protected me the same way I protected you.

I remember, our grade school days. Nasa elementary pa lang tayo nagpakita ka na ng talento at talino.

You're one of the top students. You like singing and dancing to the point na your mom, signed you up sa isang dance and singing workshop.

Hindi ako sumali sa kahit saan, but just like your parents, I supported you all throughout.

Every occasion of our lives, we are there for each other. I remember one time umiyak ka kasi late akong nakarating sa birthday mo.

"Tintin sorry na. Umalis kami ni mama kahapon kaya late ako nakarating. Kakauwi ko lang halos."

Eleven years old pa lang ako pero grabe naman to magtampo. Jhoana Robles ang dakilang matampuhin.

"Jhoana, pansinin mo na ako ohh.. pag ako umiyak dito."

"Bakit ka iiyak eh ikaw yung may kasalanan satin."

"Grabe ka naman kasi magtampo."

"Edi umuwi ka na. Ayaw mo na sakin."

I remember, nagkulong ka sa kuwarto mo niyan at hindi mo pinansin yung mga bisita mo. Nagalit na sayo sila tita pero parang wala lang sayo yun.

Nagsorry ako kila tita nun kasi alam kong kasalanan ko kung bakit ka badtrip. Hiniram ko kay tita yung spare key niya para sa kuwarto mo. When I opened the door, I saw you lying in bed wrapped yourself like a burrito.

Lumapit ako sayo at umupo ako sa kama mo. Nakita kitang umiiyak and I can't help but to feel bad.

"Jho sorry na. Bawi ako sayo promise. Bili tayo ice cream libre ko."

To My Dearest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon