Page 2

161 10 0
                                    

So, where was I?

Right, highschool days namin. It's eventful, really. Marami kaming pinagdaanan; natutunan.
.
.
.

"Ginawa mo ba yung sinuggest ko sayo?" I was pulled from my train of thoughts when I heard my doctor spoke.

I just realised na nasa office niya ako, having a session. It's been going on for about 6 months na.

May improvement ba? I don't know.

"Yes. I started writing 2 days after nung previous session natin last week."

"So? How was it?" Tumitig muna ako ng panandalian sa kanya. I'm trying to think wether I'm going to tell the truth na pakiramdam ko walang nangyayari or magsisinungaling ako at sasabihin kong ok lang ang lahat.

"Stacey?" She called.

"Yes. Uhmm.. ayos naman. Hindi ko pa nararamdaman if it helps or not. I'll update you Doc once may progress."

"That's good to hear."

******

Umuwi na ako right after nung session ko. Dumeretso agad ako sa kuwarto and kinuha yung notebook ko.

I start writing again...

Our highschool days were tough. Doon ko natutunan na school is a close space society simulation. You'll learn how to socialize, how to interact, discover new things, discover your true identity, learn how to deal with love and heartbreak.

First year of highschool, I'm so happy kasi magkaklase tayo. Hindi ako nahirapan mag-adjust kasi kasama kita. May naging kaibigan man tayong bago, pero nanatili tayong matatag.

Everything started to slowly change when we were grade 8. Nagkahiwalay tayo ng section. Nagkaron ka ng bagong mga kaibigan, at ganun din ako.

Kung noon lagi tayong sabay pumasok at umuwi, sabay maglunch, nahinto iyon dahil sa mga bagong kaibigan. Nakaramdam ako noon ng lungkot kasi ako yung parating naghihintay sayo pero lagi na lang akong bigo.

Dumating yung birthday ko. Sabi ko kay mommy wag na maghanda ng marami kasi ilan lang naman ang dadating. Sa unang pagkakataon, naiisip ko na hindi ka dadating. Hindi na natin matutupad yung pangako natin na sa lahat ng occasion ng buhay natin, magkasama tayo.

When I was ready to accept our new set up, you surprised me that day. I heard someone from outside calling my name.

Nung lumabas ako ng bahay, nakita kita sa tapat ng bahay niyo, may dala kang gitara. May speaker sa tabi mo at may mic sa harapan mo.

Nagsimula kang kumanta. Kinanta mo yung isa sa mga paborito nating kanta. Bubbly by Colbie Caillat.

Upgraded version yung ginawa mo. Dati sa loob lang tayo ng kuwarto mo. Ikaw maggigitara then I'll sing along.

After mong kumanta, iniwan mo yung gitara sa tabi at tumawid ka papuntang bahay namin. Nakita ko yung mga kapit-bahay natin na nakangiti habang pinapanood tayo.

"Anong kalokohan to Jhoana?"

"Kala mo nakalimutan ko? Happy birthday my Stacku. I'm sorry kasi lately hindi na tayo nagkakasama. Namiss kita sobra. Hayaan mo babawi ako sayo."

"Thank you."

She spreads her arms telling me to hug her.

"C'mon Stacku, I know you want to hug me."

I ran towards her and hug her tight. I really miss her so much.

"Thank you Jho. You made me happy."

To My Dearest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon