Page 3

153 11 0
                                    

It's me, again.

Kuwento ko na yung college days namin.

Same school different courses. Akala ko kukunin mong course ay Mass Communication or any related course para maging isang journalist. Nagulat na lang ako nung sinabi mo na Psychology ang kukunin mong course.

Ako kinuha kong course is Fine Arts Major in Fashion Designing. Kilala mo naman ako, bata pa lang tayo mahilig na ako sa dress up, make up and magcreate ng own design ko sa damit.

Malayo yung university sa bahay natin so we decided na bumili ng condo malapit sa school. Correction pala, yung parents pala natin yung bumili nun para satin.

Your dad bought you a car as well para daw hindi na tayo mahirapan if ever we need transportation. Sabay tayong nagtake ng driving lesson and parehas tayong pumasa. Nauna mong nakuha yung driver's license mo kaya ikaw yung laging nagdadrive. Nung nakuha ko na yung akin, hindi mo parin ako pinagdrive.

You told me I am your princess so I should always be the passenger princess.

"Ahh so princess lang ako? Sino queen mo? May iba ka pa ba?" Mapang-asar kong tanong. Kunwari nagsusungit ako. Kakapark lang namin here sa parking lot ng Grocery Store. Need namin ng food para sa condo.

"Lakas talaga ng amats mo Stacku. Iwan kita dito sa Grocery store bahala ka."

"Ahhh sige, ganyan ka. Sabihin mo lang Jho kung hindi mo na ako mahal. Wag na tayong maglokohan."

"Iwan kita sa may condiments section. Ang lala ng toyo mo."

"Ikaw nga mukhang mangga at amoy santol pero nagreklamo ba ako?"

"Sabihin mo na ilang ice cream ba gusto mo at ng magtigil ka na sa kaartehan mo?"

Ngumiti ako sabay pulupot ng braso ko sa braso niya. "10 tubs. Tapos bili na rin tayo ng care bears, balita ko meron sila dito eh."

"10?! Bahala na. Pasalamat ka talaga at mahal kita at cute ka. Bwiset."

"I love you Jhoana my loves."

Wala masyadong ganap during our college days. Different subjects, different schedule pero we always make time for each other.

Lagi tayong may movie marathon tuwing walang pasok. Kung hindi stay at home date, pumupunta tayo sa sinehan or kumakain sa labas.

2nd year college tayo ang isa sa hindi ko makakalimutang memories natin. First time kitang makita na magselos and the day that we first make love.

"Anyare sayo Jho? Bakit ka nakatalukbong dyan?" Kakauwi ko lang galing school. Hindi niya ako nasundo kasi nasira yung sasakyan dahil din naman sa kapabayaan niya.

"Dun ka." Pagtaboy niya sakin.

"Girl anong yang inaarte mo?"

"Dun ka sa Jl mo."

"Jl? Si kuya Jolo? Senior ko yun. He's helping me sa mga subjects ko."

"Dun ka na. Mas gusto mo naman siyang kasama eh. Gusto mo siya tumulong sayo kahit nandito naman ako."

Napahawak ako sa sentido ko dahil sa sinabi nya. Alam ko lang na nagseselos lang to kaya ganyan siya. First time to.

"Dati bang may ubo yang utak mo? Malamang sa kanya ako magpapatulong kasi parehas kami halos ng subjects at parehas kami ng course tayo hindi."

To My Dearest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon