Page 6

167 11 0
                                    

Hindi ko muna binasa yung notebook na binigay sakin ni Stacey. I'm still baffled why she gave it to me pero hindi na ako nagtanong pa.

I can feel her pain. During her sessions with me, ramdam kong nasasaktan siya sa nangyayari sa buhay niya.

She told me na hindi patay yung asawa niya pero hindi niya sinabi sakin yung dahilan kung bakit hindi niya binalikan.

She's a lovable person. I know it's not appropriate to say pero siya yung pinakapaborito kong client. There's something about her that intrigued me so much. How can a person like her who seems to be a very fine woman, a very kind and sweet person have so much pain in hers?

Umuwi na ako sa bahay. Simula nung tumapak ako sa bahay na to, I can't help but to feel a bit different. It feels like this house is full of memories and happiness pero hindi ko alam kung ano yun. I felt something is missing here.

Pumunta ako sa study room ko and placed my bag sa mesa. Umupo ako sa swivel chair then decided na kunin yung notebook na binigay sakin ni Stacey.

I opened the first page. I smiled dahil sinulat niya na hindi niya daw alam bakit niya ginagawa ko to and sabi niya rin na ito yung gusto ng maraming tao.

I creased my forehead when she started to talk about the little girl who let her borrow a color pink crayon. It's not about the crayon, because she wrote my name.

Patuloy lang ako sa pagbabasa. The way she described her relationship with this Jhoana, she really is important to her.

I am important to her. Ako yung Jhoana na tinutukoy niya dito. Ako yung unang kaibigan niya at naging best friend niya.

Binabasa ko yung kuwento namin nung highschool kami. Nakasulat yung tradition namin na pagkanta tuwing may birthday kami. Nabasa ko kung paano ko siya sinusuyo tuwing may tampuhan kami.

Nabasa ko yung unang beses na sinigawan ko siya at kung paano siya natakot sakin.

Nabasa ko kung paano ako nagconfess sa kanya after ng ilang linggong hindi niya pagpansin sakin dahil umamin siya na gusto niya ako.

Nabasa ko kung anong klaseng tao ako sa paningin niya. Ako yung Jhoana na ayaw na ayaw siyang nakikitang umiiyak.

Ako yung Jhoana na nagpromise sa kanya na lagi ko siyang papasayahin.

Ako yung Jhoana na laging tumatambay sa bubong ng bahay nila kasama siya at kakuwentuhan about sa buhay.

Ako yung Jhoana na sobrang naguguilty kapag sinisigawan ko siya.

Ako yung Jhoana na grabe kung magpalambing.

Ako yung Jhoana na lagi siyang kinakantahan bago siya matulog.

Tinuloy ko yung pagbasa. Nabasa ko na tumira kami sa iisang bubong during our college days. Nabasa ko kung paano nag-grow yung love namin sa isa't-isa isa.

I realized na every graduation day namin, lagi ko siyang binabanggit sa harap ng maraming tao. She's the reason why I aimed for the best because I want everyone to know that she's my girl and she's my best.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko alam bakit ako umiiyak. Bakit nasasaktan yung puso ko.

As I keep reading, she wrote about my condition and how it affects her so much. She wrote that she cried nonstop because of it.

Pinilit niya ako magpa-opera kahit na alam niya na makakalimutan ko siya. Pinili niyang masaktan para sakin.

"Bakit hindi mo ko pinaglaban?" Bulong ko sa sarili ko habang binabasa yung kuwento niya.

To My Dearest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon