Chapter 14

80 6 0
                                    

Umaalon ang kanyang itim na buhok dahil ginambala ng malamig na hangin sa loob ng kwebang iyon. Ang kanyang lilang mata ay kumikinang sa dilim na may sinsigaw na kalungkutan habang nakatitig sa isang bagay sa harap nya.

It was the ice tomb he made for her, the ice tomb where she lies for hundreds of years napapalibutan ito ng mga bulaklak na sariwa pa animo'y kakapitas pa lamang nito. Ang halimuyak ng mga bulaklak ay pumapailanlang sa loob ng kwebang iyon.

"Finally, we will be together once again. " ani sa kanyang sarili habang hinahaplos ang buhok ng dalaga. Mapait syang napangiti ng maalala nya kung bakit nakahimlay ngayon ang babaeng mahal nya.

Dahil sa pagmamahal sa pamilya ay muli syang nagpasakop sa mga ito. Mahal nya din ang nasasakupan ng kanyang ama kung kaya't naantig ang puso nya ng makita ang bayan nila na nagdaranas ng kapighatian. Dahil sa tagtuyot na nararanasan ng kanilang kaharian ay walang anumang halaman o pananim ang nabubuhay sa kanilang kaharian kung kaya't dinanas nila ang kakulangan sa pagkain.

Dahil sa pagmamakaawa ng kaniyang mga magulang ay muli syang nagpasakop sa mga ito kahit na ang kapalit niyon ay ang paghihinagpis nya sa tuwing nakikita nya ang kanyang minamahal na lalaki na masaya sa piling ng kanyang kapatid.

Dumungaw sya sa kanyang veranda at sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Umaalon alon ang kanyang puting buhok at kuminang ang kanyang abuhing mga mata sa pagtama ng maliwanag na buwan sa kanya.

"Bakit ka pa bumalik Alunaia? " saad ng isang tinig kapagkuwan ay may lumabas na maliit na lilang dragon sa kanyang buhok. Ang lilang dragon na iyon ay hindi sa kanya, wala syang kakayahan para maging master nito, ito ay pinasama lang sa kanya ng isang spesyal na tao sa buhay nya.

"Kailangan ko, kailangan ako ng pamilya ko. " sagot naman ni Alunaia sabay hinimas himas nya ang malambot na kaliskis ng lilang dragon. Hindi ang dragon ang mismong kausap nya kundi ang nagmamay-ari sa dragong iyon.

"Kahit na nasasaktan kana? Kahit na kapalit ng pagtulong mo ay pighati ng puso mo? " halata ang sakit sa boses ng lalaking kausap ni Alunaia. Napangiting mapait si Alunaia dahil sa tinuran ng kaibigan nya. Napatitig naman si Alunaia sa gintong mata ng dragon at hindi nya padin maiwasang humanga dito.

"Kaya kong labanan iyon, malalagpasanko din iyon, at baka nga dumating yung araw na mawala na yung nararamdaman ko sa taong nanakit sa akin. Dito ko mapapatunayan na kaya kong mabuhay ng wala sya. " sagot ni Alunaia pagkakuwan ay tumingin sa lumiliwanag na buwan. Hindi nya batid pero sa tuwing tumitingin sya sa bilog na buwan ay gumiginhawa ang pakiramdam nya, na para bang pinapawala nito ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Alunaia, kapag talaga nalaman kong pinapahirapan ka dyan ay lulusubin ko ang kaharian mo. Di bale ng maging kaaway ko sila. " napahalakhak naman si Alunaia dahil sa sinabi ng lalaki at napangiting napapailing. Dumagundong naman ang puso ng lalaki dahil sa nakakabighaning tawa ng babae, hindinya tuloy maiwasang mahulog pa lalo sa dalaga.

A Villainess in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon