Chapter 16

67 8 0
                                    

"Al this is Heza the white witch of my Kingdom. " pakilala ng hari kay Alunaia na matamang nakatingin sa puting bruha na sinasabi nito.
Maganda itong babae at hindi ito mapapaghalataang isang witch. Katulad nya ay puti din ang buhok nito ngunit may taklob ang mga mata nito kaya hindi nya makita ng buo ang mukha ng puting bruha.

"Lady Alunaia, ikinagagalak kong makilala ka. " sabay tungo nito sa harap ng dalaga bilang paggalang dito. Hindi umimik si Alunaia at tahimik lang ang tingin nito sa babae at saka nilipat ang tingin sa hari.

"You are not siblings Alunaia, the white witch is the sister of the moon. " para bang nabasa ng hari ang nasa isip ni Alunaia dahil sa sagot nito sa kanya. Napabuntong hininga naman si Alunaia.

"Maari ko bang malaman kung may posibilidad na makapunta pa ako sa mundo ng tao? " tanong nito sa bruha. Ilang gabi nya rin iyong pinag-iisipan. May mga dapat kasi syang gawin na hindi nya natapos dahil sa isang trahedyang nagsanhi ng pagkamatay nya bilang si Zenaia.

"Maari, ngunit hindi ka pa makakapunta doon sa ngayon. " mahinang sagot ni Heza sa kanya. Napaisip sya kung paano nya makukuha ang kaibigan sa kamay ni Venice, ang mortal nyang kaaway. Paanokung hindi sya makapunta agad-agad? Baka anong gawin nila kay Keneah!

Sa isiping iyon ay nabalisa sya at naramdaman iyon ni Archeus, kaya lumapit sya sa dalaga , lumuhod sya sa harap nito at hinawakan ang kamay nito. Mahinang napasinghap naman ang lahat ng nakakita sa ginawang pagluhod ng hari sa harap ng dalaga.

"Don't worry Al, ipapadala ko ang isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan para bantayan ang kaibigan mo. " sa sinabing iyon ng hari ay may tumulong luha sa kanyang mga mata. Hindi nya alam kung paano ito pasasalamatan.
Iniisip nya na napakaswerte ng dating sya sa kamay ng lalaking ito, lahat ata gagawin nito para sa ikabubuti nya.

Pero iniisip nya din ay lung paano sya namatay, kungganito kaalaga ang hari ay bakit sya hinayaan nitong mamatay?

Sa kabilang gilid naman ay nagdadasal na ang isang tao para ipanalangin na sana ay hindi sya ang ipadala sa mundo ng mga mortal. Hindi nya kakayaning mabuhay doon! At higit sa lahat wala syang kalayaang gamitin ang kanyang kapangyarihan!

"Salamat talaga Ayen. " natuod naman si Archeua sa tinawag sa kanya ng dalaga. Nagsimulang uminit ang kanyang mukha kaya napahawak sa bibig ang dalaga at pinipigilan matawa. Umiwas naman ng tingin ang ibang taong naroroon, baka kasi pag nakita nila ang hari sa ganoong sitwasyon tapos mapatawa sila ay parusahan naman sila nito.

"Archeus,  Al" mahinang sambit ni Archeus at napahigpit ang hawak sa kamay ni Alunaia. Napahagikhik na lang anh babae sa kinikilos ng kanilang hari.

"Mahal na hari may importanteng bagay akong sasabihin. " pagsasalita ni Heza kaya napatingin sa kanya ang hari. Tumingin sya sa mga tao sa loob kaya naman isa-isa na silang nagsilabasan.
Kaya ang naiwan na lang ay silang tatlo nila Alunaia.

"Paano ako Ayen? " malambing na wika ni Alunaia kaya napakamot sa batok si Archeus at lihim na napangiti.

"Ayos lang na manatili ka dito. Ituloy mo na anh sasabihin mo Heza. " pag-utos nya sa puting bruha na nakaupo sa may paanan ni Alunaia.

"Kumikilos na ang kaharian ng Luanes, kamahalan. " naikuyom naman ni Archeus  ang kanyang kamao sa narinig. Patuloy pa din sa paghihimagsik ang kaharian ng Luanes, simula noong namuno na ang prinsipeng iyon sa kaharian ng Luanes ay naging gahaman na ito sa lupa. Pati ang lupang tinitirikan nila ay gusto na nitong lusubin.

"What about Luweria? " tumayo na ang hari at umupo sa may tabi ni Alunaia na nakasandal sa headboard ng kama. Hinawakan ng hari ang buhok ni Alunaia at pinaglaruan ito.

"Hindi pa rin nagtatagumpay ang prinsipe sa pagsakop dito kamahalan. Tanging ang maliliit na bayan lamang ang kaya nitong sakupin. " pagpapahayag naman ni Heza kaya naman nakahinga sya ng maluwag.

A Villainess in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon