Chapter 18

85 6 0
                                    

DUMATING na nga ang araw kung kailan ay pupunta sila sa kingdom ng Luweria para umattend sa birthday ng ikalawang prinsesa nila.

Suot ang puting gown na humarap sa salamin si Alunaia, at napangiti sya ng kasyang kasya ito sa kanya. Binili pa ito ni Archeus sa kanya nung lumabas sila para pumunta ng baya.

Kinuha nya ang magic tool na hikaw at sinuot nya iti sa kanyang tenga sabay pindot ng pulang buton dito. Para hindi mahalata ay pinatungan nya ng silver na hikaw na may palawit na tear drops na bumagay din naman doon. Nagbagoang mahaba at kulot nyang buhok sa pagiging tuwid at kulay lilang buhok.

Bumagay ang maputlang kulay ng lila sa kanyang kutis na kasing puti ng nyebe. Binago nya din ang kanyang mata sa pagiging kulay black. Napangiti sya sa naging resulta ng kanyang pagdidisguise.

Maya maya pa nga ay may kumatok na sa pintuan ng kanyang kwarto. Simulanung gumaling na sya ay nagpalipat na sya ng ibang kwarti, kahit ayaw ni Archeus ay nagpumilit sya kaya wala naman nagawa ang binata sa dalaga, sabay pa na malaki ang respeto nya dito.

Pagkabukas nya ng pinti ay naoatitig sya sa lalaking kaharap nya, nakaputing suit din ito ngunit ang kaibahan lang ay may mga ginto itong palamuti na nakadikit sa damit at sa likod ay may pulang kapa. Nagsisimbolo sa pagiging isang hari nya.

Naoatitig naman sa kanya ang binata at wala sa sariling napalunok ng laway. Sobrasyang nagandahan kahit na hindi na nya makilala ang babae dahil sa nagbago nitong itsura.

Napahagikhik naman si Alunaia, sakanya ikinawit ang kanyang braso sa hari. Malaki ang pinagbago ng ugali ni Alunaia simula ng makilala nya ang binata. Muling nabuksan ang sarado nyang puso, kaya't sari-saring emosyon ang lumalabas sa kanyang mga kinikilos. At masaya ang binata sa kadahilanang sya ang nagiging dahilan para bumalik ang mga emosyon ng dalaga.

Pumunta sila sa isang malaking kwarto at pansin ni Alunaiana walang kalaman-lamanang kwartong iyon, ngunit ang pinagtataka nua ay kulay violetang bawat haligi at pader at may nakaguhit sa buong pader na animo'y lumilipad na dragon. Sobrang ganda ng pagkakaguhit dahil sa gold na lining nito.

"Anong gagawin natin dito Archeus? " tanong ni Alunaia at walang mapaglagyan ang kanyang mga mata dahil namamangha pa din sya.

"Hindi ba tayo maglalakabay? " nagtatakang tanong ni Alunaia, dahil oo nga naman, dapatay naglalakbay na sila ngayon.

"Hindi Alunaia dahil aabutin tayo ng isang araw bago makapunta doon, bakapagdating natin doon ay tapos na ang handaan. " natatawang sambit ni Archeus kaya naman ay napairao na lang sya sa kawalan.

"Eh anong ginagawa natin dito? " kunot noong tanong ni Alunaia sa kanya.

"Hawaka mo ang aking kamay, magteteleport na lang tayo papunta doon, perobago ang lahat, kailanganmong paltan ang iyong pangalan. " napangiti naman si Alunaia saka nilagay ang kanyang palad sa palad ni Archeus na nakalahad sa kanyang harapan.

"Huwag kang mag-alala Ayen, Zenaia ang aking gagamitin. " nakangiting wika ni Alunaia, napamulan naman ng mukha si Archeus at kuminang ang lila nyang mata dahil sa pangalang binanggit ni Alunaia, kaya napangiti ng malawak ang huli.

"Vulgaris! " biglang saad ni Archeus kaya mas lalong kumunot ang noo ni Alunaia. Pamilyarang pangalan na iyon sa kanya ngunit hindi nya matandaan kung saan nya narinig. Nagulatna lang sya ng palibutan sila ng violet na liwanag at tumambad sa kanila ang kulay violet na dragon at may gintong mata.

Tumingin ang dragon kay Alunaia, gustuhin man nyang matakot pero wala syang nararamdamang pangamba dito. Parangsobrang pamilyar ng dragon da kanya at magaan ang loob nya dito. Napatakipsya ng bibig ng magsalita ang dragon at kausapin sya.

"Ikinagagalak kong makita kayong muli binibining Alunaia. " sabay asta nito na nagbabow saka kuminang ang ginto nitong mata. Kahitnagtataka ay hinaplos nya ang katawan ng dragon.

"Vulgaris sa ngayon ay hindi ka pa naaalala ni Alunaia, ngunit wag kang malungkot dahil darating din ang araw na maaalala ka nya, kapag nabuo na nyang muli ang kanyang sarili, pero sa ngayon ay dalhin mo muna kami sa Luwera kingdom. " mahabang saad ni Archeus kay Vulgaris.

"Masusunod mahal na hari. " pagkasabi nya niyon ay pinalibutan sila ng violet na liwanag at dahil iyon sa kapangyarihang taglay ni Vulgaris. His power emits a violet light like his scale.

Nakarating sila sa palasyo ng Luweria, sa mismong bungad ng palasyo. Mabuti na lamang at kakaunti na lang ang nasa labas kaya walang masyadong nakapansin sa kanilang pagdating.

"Maraming salamat Vulgaris. " nakangiting pasasalamat ni Alunaia kay Vulgaris saka hinimas ito sa ulo.

"Walang anuman Binibini. Tawagin nyo lang akong muli kapag kailangan nyo ako. " nagpaalam muli si Vulgari sa kanyang master at kay Alunaia bago mawala ng parang bula.

"Saan nakatira si Vulgaris? " curious na tanong ni Alunaia kay Archeus.

Nilagay ni Archeus ang kanyang kamay sa beywang ni Zenaia na para bang ayaw nitong maiwala sa kanyang tabi.

"Sa dimensyon ng mga immortal. " malambing na sagot ni Archeus saka sila pumasok sa malaking tarangkahan. At malayo pa lang ay dama na nila ang sigla sa bawat bisitang naroroon.

"Magandang gabi sa inyo aming panauhin, nais ko sanang malaman ang inyong pangalan upang maipabatid ko sa lahat ang inyong pagdating. " magalang na saad ng isang butler at yumuko ang ulo nito bilang paggalang sa kanila.

Sumeryoso ang mukha nit Archeus at nilamigan ang emosyon ganun din si Alunaia na elegante ang poise at sumeryoso ang kanyang magandang mukha.

"I'm Archeus Ynox Zebris the king of Lunaria, and this is my fiancee, Lady Zenaia Avadee. " walang habas na sabi sabi ni Archeus kaya naman nanlalaki ang mga mata ni Aluanai. Walasa usapan nila na ipapakilala sya bilang fiancee ng hari.
Kaya kinurot nya sa tagiliran ang hari kaya palihim na napangiwi sa sakit si Archeus at alam na nya kung anong dahilan.

Nagulat naman ang butler sa sinabi ni Archeus at mas lalo pa syang tumungo dahil sa panginginig ng kanyang kalamnan. Kilala si Archeus bilang walang puso at palagi itong seryoso na akala mo ay gusto laging pumatay.

"Paumanhin mahal na hari, hindi ko ho kayo nakilala agad, saglit lamang at ipapaanunsyo ko sa aming tagabantay ang inyong pagdating. " magalang na paumanhin ng butler at nagmamadaling lumapit sa taga-anunsyo.

"NARITO NA ANG HARI NG LUNARIA! ANG MAHAL NA HARI, ARCHEUS YNOX ZEBRIS! KASAMA ANG KANYANG MAGIGING KABIYAK NA SI ZENAIA AVADEE! " malakas na anunyo ng kawal kaya napatigil ang lahat ng taong natoroon. Bumukasng malaki ang pintuan at tumambad sa kanila ang seryosong hari at nakakapit ito sa bewang ng babaeng hindi nila kilala at kailanman ay hindi pa nila nakikita. Nagsimulaang bulong-bulungan patungkol kay Alunaia kaya naman nagsimula na syang kabahan at ramdam iyon ni Archeus.

Sinalubong naman sila ng hari ng Luweria na si King Harith.

"Ikinagagalak kong makita kang muli! Mahalna hari. " paunang pagbati ng hari kay Archeus. Hindi naman sumagot ai Archeus kaya bumaling naman ang tingin ni Harith sa magandang dilag sa tabi ni Archeus.

"Magandang gabi sa iyo binibini! Ikinagagalak kong makita kita sa unang pagkakataon. King Ynox! Hindi ko batid na mayroon ka na palang napupusuan! " birong saad ni harith kaya naman napabuntong hininga si Archeus.

"Ako po si Zenaia Avadee, Ikinagagalak kong makita at makilala ka mahal na hari" elegante namang tumungo si Alunaia bilang paggalang sa hari. Natuwa naman ang haring si Harith dahil napakaelegante ng dalaga.

Sa malayo naman ay may isang dalagang nagngitngit sa galit dahil sa pagseselos. Matagalna nyang gusto si Haring Ynox at ni minsan ay hindi nya magawang lumapit sa hari dahil mailap ito sa babae.

At ngayon ngang nakikita nyang may kasama itong babae at ang mas malala pa ay ipinakilala nya itong fiance ay mas nagngitngit ang kanyang ngipin at kinuyom ang kamao.

"Hindi ka makakalabas dito ng buhay malanding babae. " sa isip ng dalaga at may naisip na plano upang maangkin ang haring napupusuan.

---
Here comes the fake villain.

A Villainess in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon