Chapter 20

79 4 0
                                    

"ANONG sinabi mo? May kasamang babae ang halimaw na iyon? " saad ng isang hari sa kanyang trono habang iniisip ang sinabi ng prinsesang si Monami.

Mabilis na nakarating si prinsesa Monami sa kalapit bayan at hindi na nagawa pang habulin ng mga kawal ng kanyang ama. Labis kasi ang kanyang galit sa babaeng nagngangalang Zenaia kaya nagpatulong sya sa isang itim na bruha na kaibigan nya para mapabilis ang pagdating nya sa kahariang Luanes.

"King Azaroth, walang pagkakakilanlan ang babaeng kasama ng haring Ynox, ngunit ang ngalan nya ay Zenaia Avadee. " nakatungong saad ng prinsesa. Mataman naman syang tinignan ng mag-asawang kinakaharap nya ngayon.

Kilala ang Hari ng Luanes bilang walang puso at sakim. Ipinapakalat na rin nito ang dark magic na kailan lang ay hiningi nya sa mga demonyo na kanyang sinasamba. Miski nga ang kanyang asawa ay inihandog nya sa mga demonyo bilang kanilang mistress para lang sa kapangyarihan.

Nagsisi sya dahil napaniwala sya sa mga panloloko ng pamilya ng kanyang naging asawa. Akala nya ay ito ang babaeng nilalaman ng propesiya ngunit yoon pala ay ang babaeng kanilang pinahirapan at pinaslang, at kasama sya doon. Ang babaeng dati nyang minahal ay syang kanyang pinatay ng sariling mga kamay. Labis ang pagsisisi at paghihinagpis nya ng mapatunayang inosente at walang sala ang dating minamahal.

Kapalit ng lahat ng iyon ay naging sakim sya at wala syang sinasanto. Ang kanyang asawa ay pinahirapan bilang kabayaran ng panloloko ng pamilya nito.

Ng maupo sya sa trono ay kanyang tinaggalan ng katungkulan ang ina ng reyna at inialay sa mga demonyo ang sariling asawa.

Naging parang alipin at sunod sunuran sa kanya ang reyna, hindi ito mababakasan ng emosyon simula ng babuyin ito ng mga demonyo. Labis ang kagalakan sa puso ng hari ng makita nya ang paghihirap ng pamilyang Muzaar.

"Kailangan kong makita ang babaeng sinasabi mo. " seryosong saad ng hari. Malakas ang kutob nya sa babaeng iyon at kailangan nyang mapatunayan kong totoo nga ang kanyang kutob.

Matagal ng nawala ang babaeng nagngangalang Alunaia, simula nung gabing iniwan ang bangkay ng dalaga sa gitna ng plaza matapos nilang patayin ito ay nawala na lang ng parang bula ang katawan nito. Hula nila ay kinuha ito at kutob nyang may kinalaman ang haring iyon.

Kung paano nya nalaman?
Minsan syang napadaan sa hardin ng dating bahay ng dalaga at nakukuryoso sya kung sino ba ang kinakausap ng babae. Napakunot ang noo nya ng makitang may nakapulupot na lilang dragon sa katawan ng dalaga. Alam nyang hindi iyon nakapulupot sa dalaga para patayin, bagkus ay parang ginagamit ito ng dalaga sa pakikipag-usap sa kung sino mang may-ari ng dragon na iyon.

At alam na alam nya kung kaninong dragon iyon dahil minsan na nyang nakita ito ng makalaban nya ang hari ng North kingdom.

Legendary dragon iyon na minsan na nyang pinagtangkaang kunin, ngunit sa kamalasan ay muntik pa syang mamatay kung hindi lang dumating ang dating hari, ang kanyang ama.

Ngunit nagsumiklab ang pagkamuhi nya ng malamang napaamo at nakuha ng binatang taga north ang dragon ng walang kahirap-hirap kaya sinumpa nyang papatayin nya ito.

Ngunit sadyang mailap ang pagkapanalo sa kanya, dahilsa tuwing susugod sya ay natatalo sya dahil nakahanda ang kabilang panig na makipaglaban sa kanya. Noong una ay naisip nyang baka may espiya ngunit wala talaga syang mahanap na butas para talunin ito.

"Zenaia? Wala akong kilalang babae na nagngangalang Zenaia, miski sa nga gatherings na aking ginawa? " sabat ng panganay na anak ng hari. Si Prinsipe Azalor. Ito ang susunod sa yapak ng ama kung kaya't hinahayaan lamang ng hari ang gustong gawin ng anak. Isa kasi ito sa maipagmamalaki nya. Dahil hindi langbito matalino kundi tuso din ito.

"Lahat ng dalaga sa mga imperyo ay inisa isa kong pinaembestigahan ngunit wala akong kilalang Zenaia Avadee. " dugtong pa nito sa sinabi kaya napakunot ang noo ng hari. Kilalanya ang anak nya, walang lumalampas sa mga kamay nito para ipaembestiga kaya naman malaking katanungan sa kanila kung ano ang pagkatao ng babaeng iyon.

"Ama, hindi kaya iyon ang babaeng matagal mo ng hinahanap? Pero imposible gayong matagal na itong patay? " nasaksihan panng prinsipe ang pagpatay kay Alunaia, nasa edad tatling taon lamang ito at iyon ang kauna-unahang pagpatay na nasaksihan nya.

Hindi nya pa nga maalis sa isipan kung gaano kaganda ang babaeng iyon. Pagdating sa mala nyebe nyang kaanyuan at ang mga abong mga mata nito. Kahit na sa ganoong edad ay naisipan nyang mapapangasawa nya ito, ngunit hindi pwede dahil isa ito sa kalaban ng kanilang kaharian.

"Kailangan mong paimbestigahan ang bagay na yan Azalor. Gusto kong makilala at makita ang babaeng iyon. " seryosong saad ng hari sa anak na ikinatango naman ng huli. Sa kabilang banda ay palihim na nagngitngit ang ngipin ng reyna na asawa ni Azaroth.

"Napatay na nga ang bruha kong kapatid tapos may dadating na naman para agawin ang atensyon nila sa akin!? "  sa isip ng reyna ngunit makalipas ang ilang minuto ay palihim syang napangisi na para bang may masama syang binabalak.

"Yon lang ba ang kailangan mong sabihin sa akin prinsesa Monami? " bumalik ang atensyon ng hari sa prinsesa nakayukong nakaupo sa kanilang harap.

"Mahal na hari, hindi lamang isang simpleng babae ang isang yon dahil ipinakilala sya ng hari bilang isa nyang magiging kabiyak. " sumiklab ang galit sa pusi ng hari. Napakuyom ang kanyang mga kamao at nagngitngit ang ngipin.

Pagkatapos ng lahat lahat ay may kakayahan pa rin  ang lalaking makahanap ng magiging kabiyak nito. Isang simbolo na kinakalaban sya ng hari ng North kingdom.
Matapos na paslangin nya ang babaeng mahal nya dahil sa lalaking iyon ay heto at nakahanap na naman ang lalaki para tuluyan syang bantaan at kalabanin.

May isang lupa kasi sa kanilang Emperyo na naging pabuya na lamang simula ng mamatay ang Emperor at Empress. Walang naiwang tagapagmana sa lupaing iyon dahil batid nilang hindi sila nabiyayaan ng anak. Ang dating pangalan ng lugar na iyon ay Lunaia Kingdom na sinasakupan ng Emperor Qin.

Ang Lunaia Kingdom ay hango din sa pangalan ng kanilang Emperyo na Lunaia Empire. May apat na kaharian sa loob ng Lunaia Empire, una ang Lunaia Kingdom, Luanes kingdom na syang pinaghaharian ng Haring Azaroth. Ang Luweria na pinamumunuan naman ni King Harith and last was the north kingdom ang Lunaria.

Ibinigay ng Emperor Qin ang lupang North para kay Ynox dahil sa taglay nitong galing sa pakikipaglaban laban sa ibang nilalang. Dati lamang na kanang kamay ng Emperor Qin si Ynox pero simula ng mapaamo nya ang Lilang dragon ay sumiklab ang pangalan nya sa buong Emperyo na syang ikinamuhi ni haring Azaroth.

Lalo ng lumaki ang pagkamuhi nya sa lalaki simula ng malaman nyang may kaugnayan ang dating minamahal na si Alunaia sa lalaki.

Hindi nya lubos maisip na ang lupang Lunaia na matagal na nyang inaasam ay magkakaroon pa ng aberya at magkakaroon pa sya ng katunggali.

Binasbasan kasi ng Emperor ang lupa sa kadahilanang hindi na rin sya magtatagal sa mundo.
May gintong puno sa gitna ng Lupaing iyon at kung sino man ang muling makakapagpabuhay sa punong iyon ay sya lamang ang makakakuha nito. Ngunit may kondisyon iyon sa bawat hari na magtatangkang angkinin ang lupang iyon.

Hindi makakatapak ang isang hari kung wala syang kabiyak na dadalhin. Hindi alam ng mga hari kung para saan ba ang pagsama ng isang kabiyak ngunit kung yun ang kondisyon ay gagawin nila ang lahat para makuha ang lupaing iyon.

Ngunit ng malaman ng Emperor na magkakaroon ng asawa ang dati nitong kanang kamay at bilang pagrespeto sa magiging kasal ng kaibigan ay iaalay nya ang lupaing Lunaia. kung sakali man na mapagtagumpayan nila na buhayin ang puno sa gitna ay walang oagdadawang isip na ibibigay ng Emperor ang lupang iyon sa kanya.

At ng mabalitaan ito ng haring Azaroth ay pinaslang nya ang babaeng magiging kabiyak ni Ynox. Atyun ang naging dahilan ng pagkamatay ni Alunaia. Pinatay sya ng dati nyang minamahal dahil sa kasakiman.

-----
Ahhh sorry po kung maguli, magulo din po utak ko eh.

Thank you po sa votes at suporta, nagpapasalamatpo ako sa inyo ng marami!

A Villainess in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon