hangover....
Yan ang nararamdaman ko ngayon habang nagliligpit ng mga ginamit kagabi. Panay ang kulit sakin ni jewel pero hindi ko masabayan dahil nananakit ang ulo ko.
Nang maiayos naman na namin ay sumakay na kami sa pick up at nang mapadaan kami sa isang mini mart ay nag breakfast muna kami roon. Bumili rin sa malapit na drug store si jaqien ng pang hangover na gamot.
Hindi naman makatingin sa kaniyang inabot ko iyon, nang makainom ay pumasok sila sa loob para bumili ng breakfast namin. Habang unti unti ko namang inaalala ang mga nangyari kagabi...
FLASHBACK _
unti-unti kong tinugon ang mga halik niya. Sinisipsip niya rin ang dila ko paminsan minsan dahilan para mapaungol ako.
Ilang minuto lang ay nasa loob na kami ng pick up, naka upo siya sa driver seat habang naka kandong naman ako sakaniya.
Humahaplos ang palad niya sa bewang ko papuntang likuran at dahil naka dress lang ako ay naitaas niya agad iyon.
Gumapang ang mga labi niya pababa sa leeg ko at sinipsip ang balat ko roon. Bumaba pa iyon hanggang sa bumagsak nalang ang ulo ko sa balikat niya...
END OF FLASHBACK _
Nagising naman ako kanina sa tabi ni jewel kaya i assume na walang nangyari saaming ganon..
Pero nahihiya parin akong humarap sakaniya dahil nga sa nakatulog ako habang nangyayari ang dapat hindi nangyari.
Dumating rin agad sila at may dalang mga pre-heated na pagkain. Meron ding pizza na umuusok pa. Yung sausage muna ang kinain ko at kumuha ng Isang bottled water na binili nila.
“Ate?” tawag sakin ni jewel kaya naman tumingin ako sakaniya at hinintay ang sasabihin niya “Ano yan..” turo niya sa leeg ko kaya napahawak naman ako roon.
lumingon ako sa likod ko kung saan may mga pira piraso ng basag na salamit ang naka dikit sa pader. Hinanap kong pilit ang sinasabi ni jewel at nanlalaki ang mata ng makita iyon.
hickey...
Nahihiyang nag baba naman ako nang tingin kay jewel at ngumiti na nauwi sa ngiwi.
“Kinagat nang l-lamok” napalunok ako ng bahagyang umubo si jaqien pero hindi ko binalingan ng tingin.
“Nag dakkel mut nga lamok adiyayen”(Ang laking lamok naman niyon) saad nito na hindi ko nagets pero tumawa si jaqien doon. Kusang tumingin ang mga mata ko sakaniya.
kung nakakamatay lang ang mga tingin baka 40 days niya na ngayon. Iniripan ko siya at nag patuloy sa pagkain. At dahil naguusap ang mag kapatid sa dialect nila ay hindi nila namamalayang naubos ko na ang pagkain. Nag peace sign naman ako at ngumiti sakanila. Nagkamot nalang ng batok si jewel at umiiling naman ang hudyo.
Naglakad na kami palapit sa pick-up at umuwi. Nagkulitan na ulit kami ni jewel dahil unti-unti naring nawawala ang pagkahilo ko. Nakarating kami sa bahay nila at sinalubong naman kami ni lola inday.
“Nandito na pala kayo” saad niya nang mag mano kami sakaniya “Mimiss ko atuy apo kun” (miss na miss ko na ‘tong apo ko) sabi pa ni lola at binuhat si jewel.
Tumulong naman akong mag baba ng gamit. Nang matapos ay inanyayahan akong magmeryenda sa kusina. Naligo rin si jaqien kaya tatlo lang kami nila lola ang nandoon.
“Oo nga pala Raiza” biglang sabi ni lola kaya napatingin ako sakaniya. “Pumunta kayo rito bukas, may konting salo-salo na magaganap” saad niya at ngumiti
