seven

0 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng motor ni kuya. Akala mo naman hinahabol ni kamatayan kung mag patakbo! Pagtingin ko sa orasan ay alas nueve na pala ng umaga.

Bumangon ako at pumasok sa cr, naligo ako bago kumain nang napakarami dahil feeling ko gutom na gutom ako. Hindi pa ako nasiyahan kaya kumuha pa ako ng junk foods habang pinapapak iyon sa harap ng tv. Nag nenetflix kasi ako.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman kinagat ko muna ang kutsara at inipit ang Nutella sa pagitan ng hita ko.

Binuksan ko ang message ni Klode, picture nila iyon. Parang breakfast nila iyon pero hindi naka ngiti si daddy at mommy tanging si klode at klaudine lang. Pinusuan ko iyon bago ilapag sa sofa ang cellphone.

malungkot ba sila kasi wala kami doon ni kuya?

Pinatay ko ang Tv at pumasok sa kwarto, piniksi ko ang mga isipin at hinanap ang ternong dress na binili namin ni jewel sa ukay noon.

Pakanta kanta pa ako habang nag aayos. Alas tres narin kasi at hindi ko na namamalayan ang oras, kukunin pa namin ang cake para mamayang gabi.

Nag lagay ako ng konting make up sa mukha. Clean make up lang para hindi halata. Bumagay naman iyon sa suot kong Green na dress. Sleeveless iyon at hapit sa katawan ko pero flowy naman sa ibaba. Nag compliment rin ang kulay ng damit sa kutis ko dahilan para mas gumanda lalo ang dress at ako.

Hindi naman green na green ang damit may mga four leaves na design ang damit at iyon ang green na green. Kinulot ko rin ang buhok ko para umikli ng kaunti tapos nag high pony tail ako. kusang namang nahulog ang ilang strand ng buhok sa gilid ng mukha ko kasama ang mga baby hair.

nang matapos, kumuha ako ng flats na sandal sa cabinet ko at saktong may green na design iyon. Kinuha ko rin ang muimui sling bag ko at tumulak na papunta sa bahay nila jaqien.

Hinantay ko saglit si jewel dahil nagbibihis paraw, pareho kaming ngumiti ng makapasok siya sa pick-up.

“Ang pretty natin!” saad niya at kinurot ko naman ang pisngi niya. Nawawala na ang mga galos niya at ang linis na tignan ng mukha niya kaya napangiti ako lalo.

Dinaanan namin ang cakes at cupcakes, todo pasasalamat ang babae mula kahapon at sinabing bumalik kami. Nag thank you rin ako bago umalis.

Bumili pa kami ng barbeque sa barbeque house na kinainan namin kahapon. Masarap kasi. Nag order ako ng dalawang tray non para iyon nalang ang dadalhin sa birthday ni jaqien.

Nagkagulo naman ang mga crew roon sa pag iihaw dahil sinabi kong ASAP sana iyon dahil kailangan sa birthday. Ilang minuto lang naman dahil nireheat nalang yung iba doon. Nag thank you ako at nagbayad.

Bumyahe ulit kami at dumiretso sa bahay nila jewel, inayos ko muna ang buhok niya bago bumaba. Nilagay ko rin sa high ponytail ang buhok siya at doon ko nga napansin ang pagkakahawig namin.

Nag picture rin muna kami bago lumabas. Marami nang tao roon, hindi magkanda uga sa mga ginagawa. May tinawag naman ako na binata para mag patulong sa cake. Akmang kukunin nila ang vento ng pigilan ko ang isa. Mamaya pa kasi iyon...

Nag kukulitan na kami ni jewel sa isang tabi ng may isang lalaki ang tumayo sa harapan at may hawak siyang libro at may salamin.

Nalaman ko lang na isang pastor iyon ng magsimula siyang mag basa ng mga bersikulo mula sa hawak niyang libro na Bible pala.

Nang matapos ang pastor, pinagdasal niya si jaqien at ang pamilya nito. Nakita ko namang naglilikot ang mata niya na parang may hinahanap.

yumuko nalang ulit ako at pumikit.

Saturday Night Where stories live. Discover now