eight

0 0 0
                                    


Napatingin ako sa kamay kong hawak hawak ang kamay ni jaqien habang natutulog ito sa hita ko.

Kaninang dumating ako bigla nalang siyang umiyak hindi ko alam ang sasabihin kaya yumakap nalang ako pero nakatulog naman siya sa balikat ko. Inayos ko lang siya at pinahiga sa hita ko.

Madilim narin ang langit, nakauwi naman na siguro si kuya....

Napatingin ulit ako sa mukha ni jaqien. May pasa siya sa gilid ng labi at namumula naman ang mga pisngi niya untiunti rin itong nagiging pasa. Pati sa mga braso niya ay may pasa rin siya at kalmot.

Kunot na kunot ang noo niya habang tulog, naka isang linya rin ang labi na animoy may kaaway sa panaginip. Gumalaw siya nang bahagya bago mag bukas ang mga mata niya.

Nagtama ang tingin naming dalawa. Gusto kong magtanong kung anong nangyari pero hinayaan ko nalang at kusa nalang niya iyon sasabihin kung komportable siya.

Ngumiti ako sakaniya para pagaanin ang loob niya.

“Gusto mo bang kumain?” nakangiting tanong ko pero hindi siya sumagot. Umayos narin siya ng upo at bahagyang nag kamot sa batok.

s-sorry.. nangalay ka ba?” tanong niya at bumaling siya ng kaunti. Umiling naman ako habang na kangiti.

“Hindi.. Gusto mo tumira ka pa sa legs ko e” biro ko pa pero hindi naman siya tumawa. Tumango lang siya at hindi na nagsalita.

“Si j-jewel?” tanong niya kapagkuwan.

“Nasa bahay natutulog siya nung iwan ko. Nandon narin siguro si kuya ngayon” saad ko at tumingin sa dagat. Walang stars ngayon at buwan kaya bahagya akong nalungkot.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagngisi ni jaqien. Umiling iling pa ito animoy aliw na aliw sa ideyang magkasama ang kapatid ko at kapatid niya.

“Tara kain tayo!” saad ko nalang at hinatak na siya papasok sa kusina nila. Pinaupo ko siyang pilit sa bangko habang nagsimula naman akong maglikot sa mga cabinet para mag hanap na lulutuin.

Ham ang nahanap ko at isang pack ng sausage kaya niluto ko na agad iyon. Nagsaing rin ako nang bigas dahil wala silang tira.

“Si lola inday nasan” takang tanong ko sakaniya at tinuro niya naman ang pintuan. Naglagay ako ng ulam at kanin sa isang plato at nilagay iyon sa tray. Nilagyan ko rin ng tubig bago ilapag sa harap ni jaqien.

“Ibigay mo yan sakaniya” utos ko at umalis naman siya para ipasok yon sa kwarto ng matanda.

Inayos ko naman ang hapag. nag lagay ako ng madming kanin sa plato niya at nagtimpla pa ako ng juice na nakita ko sa ref nila.

Lumabas siya ilang saglit at kumain. Umupo narin ako sa harap niya at kumuha sa sausage at unti unti iyong kinakain. Masagana naman siyang kumakain dahil hindi na siya makatingin sakin dahil sunod sunod ang pag subo niya.

Naubos niya rin ang isang bowl ng kanin at isang platong ham at sausage. Manghang-mangha pa ako pero binalewala ko nalang at hinugasan ang mga iyon. Nagpaalam naman siyang maliligo kaya nag hintay ulit ako sa ilalim ng avocado pagkatapos maghugas.

Dumating naman siya ilang minuto nang makaupo ako sa ilalim ng avocado.

“Thank you sa pagkain” saad niya at nginitian ko naman siya.

“Anything for you!” sabi ko pa at kinindatan siya.

Tumahimik kami saglit.

“Sa tingin ko kailangan mo na ring umuwi” saad niya para lumingon ako rito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saturday Night Where stories live. Discover now