Chapter 6- A day with the reklamador boys

66 1 0
                                    



"Are we here?"


"No matt malapit na."


"Tagal naman."


Karylle's POV

Kanina pa reklamo ng reklamo ang dalawa kesyo ang layo daw ng lugar namin,gutom na daw sila,ang init-init daw. Papunta na kasi kami sa bahay namin sunday ngayon dahil sa kakulitan ni matt na gusto daw niyang makita kung saan ako nakatira.Wala namang nakaschedule sa kanila ngayon.Ang ang taong ayaw na ayaw daw niyang sumama ay kasalukuyang nagda-drive ngayon,may pa ayaw-ayaw pa yun pala sasama siya.


''Anong street ulit?"


''Diyan sa Ana Batumbakal Katorse Street.Dyan na pumasok ka sa street na yan."


"Are we here? Are we here? Are we here?" pataas-taas na kamay na tanong ni matt bakas ang excitement sa mukha niya.Ewan ko na lang mamaya kung matuwa pa siya ng ganyan.


Pumasok na kami sa street namiss ko agad yung pathwalk namin.Sa bawat tapat ng mga bahay may mga naglalarong bata tapos ang ingay-ingay.May nagaaway na mag-asawa,nagbabangayan na mga bata,nagpipiko,chinese garter, at kung ano-ano pa.Nagsitabi naman silang lahat nung dumaan kami.


"Why are they looking at us?"


"Andami namang tao dito." pagrereklamo din ni vice.


"Oh ihinto mo na."


Bumaba na kaming tatlo at nakatingin parin ang mga tao samin.Buti nalang at nakashades ang dalawang 'to kaya't hindi sila masyadong makikilala.


"Uy ang swerte naman ni kekey may mga kasamang pogi."


"Oo nga eh tapos yung matangkad na yun boyfriend niya ba?"


"Mayaman na siya nyan kapag naging boyfriend niya."


"Parang artista nga yung 2 yan eh."


"Oo nga eh."


Laganap na talaga ang mga chismosa dito sa lugar namin.


"Bakit kekey tawag nung babaeng yun sayo."Curious na tanong ni vice.


"Nickname ko yun dito."


"Hahahaha parang kokey."


Binuksan ko na yung pinto at pinapasok na sila.Masyado na kasing madami yung mga taong nakikichismis sa labas,ayoko din na malaman nilang artista itong mag-kuya na 'to dahil alam kong hindi ako tatan-tanan sa kakatanong ng mga tao dito.


"Dooooogggy!!!"


Tumakbo sa loob si matt at hinabol si chuchuy na natakot dahil sa pagsigaw niya.Pinaupo ko naman na si vice.

I Swear This Time I Mean It (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon