Chapter 3: Curious

78 4 0
                                    




Isang aksidente ang nangyari sa dalawa.Nagbabangayan kasi sila habang nasa sasakyan sa sobrang inis ni vice ay hindi na niya nakita ang isang bata sa kalsada,inilihis nito pakanan ang manibela kaya nabangga sila sa isang malaking puno.Himala nalang at nakaligtas pa sila sa malakas na pagbangga.



"A-asan ako." nanghihinang sabi ni vice na ikinagulat naman ni billy at vhong na kasalukuyang lumalafang ng pinamiling pagkain ni billy.



"Vice?" gulat na lumapit si billy sa kaibigan. "Sa wakas gising ka na.Oh wag mo piliting bumangon kung hindi mo pa kaya."



"Hindi o-okay lang ako."



"Salamat naman at gising ka na,may rehearsal pa tayo mamaya." sabi naman ni vhong habang chill lang na nakaupo habang kumakain.



"Siraulo ka talaga.Naaksidente nako't lahat-lahat rehearsal parin iniisip mo."



"Hahahaha syempre joke lang brad."



"Teka nga!Asan na ba yung babaeng yun?"



"Sinong babae?" sabay na tanong ng dalawa.



"Yung babaeng kasama kong naaksidente."



"Ahh.Nandun sa kabilang kwarto."pagpapaliwanag ni billy.



"Buhay pa ba?Badtrip yun ah siya may kasalanan kung bakit ako nandito."



"Bakit nga ba?"



"Basta." Bumangon ito at nagpupumilit na tumayo.



"Vice magpahinga ka muna." tumayo si vhong at pinipilit na ibalik si vice sa kinahihigaan nito.



"Kaya ko na nga." nanamatigas na sabi ni vice kaya hinayaan nilang lumabas ito,padahan-dahan ang lakad medyo nanghihina parin kasi siya pero gusto niyang puntahan si karylle.Nakabundot naman ang dalawang kaibigan sa likod para bantayan ang makulit nilang pasyente.



"Asan ba kwarto nun?" tanong ni vice habang nililingon-lingon ang mga katabing kwarto.



"Yang katapat ng kwarto mo."


I Swear This Time I Mean It (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon