Chapter 5- Pandak/Dagul

50 3 0
                                    




2 linggo nang naninilbihan si karylle sa pamilyang viceral.Natuwa naman si Nanay Milinda na malamang nakatagal ito ng 2 linggo dahil kadalasan ay 3 o isang linggo lang ang itinatagal ng mga sumusubok na maging kasambahay dito.


Sa loob ng dalawang linggo ay puno ng asaran at pikunan ang dalawa kabilang narin si matt,pero tiniis ito ni karylle alang-alang sa mga kapatid.



"Ano bang pangalan mo?" kasalukuyan silang kumakain ng agahan nang tanungin ni vice kung anong pangalan nito na kunwari ay hindi niya pa alam.



"Alam mo na diba?Tinawag mo pa nga ko eh."



"Hindi nakalimutan ko na."



"K."



"Niloloko mo ba ako?!"



"Hindi ah k talaga pangalan ko short for Karylle yun.Galit ka nanaman."



"Maya sama ka."



"Saan?"



"School ni matt.May ginawa nanamang kalokohan."



"Bakit kasama pa ako?"



"Basta.Napakamatanong eh!"



"Kalma puso mo."








Pagkadating nila ng school ay dumiretso agad ito sa Guidance's Office.

Pinakita sa kanila ng Teacher na si Nanet Napoles ang kuha sa cctv habang nagtuturo ito.


"Panoorin niyo po Mr.Viceral ang kalokohang ginawa ng kapatid niyo habang nagtuturo ako."




Flashback...


Habang nagtuturo si Teacher Napoles lahat ay nakatuon ang pansin dito maliban kay matt na nakasubsob ang ulo sa desk.


"Jacob stand up." pinatayo niya ang isang bata sa bandang kanan ni matt ngunit deadma lang naman si matt sa mga nangyayari.Hindi siya tulog o kahit ano pa man sadyang trip niya lang yumuko sa desk dahil tinatamad ito.

I Swear This Time I Mean It (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon