Chapter 4- Jeje

56 3 0
                                    




Isang linggo na ang nakakaraan ng magpunta si vice sa bahay nila karylle.Isang linggo narin siyang naghihintay na tanggapin nito ang alok niya.



"Hello archie?"



"Ano?Tatanong mo nanaman kung pumayag na si karylle?" natatawa nitong sabi dahil araw-araw na itong ginagawa ng kaibigan.Tatawagan siya nito araw-araw kung pumayag naba o hindi pa.



"Hay nako."



"Kung yun nga ang itatanong mo,Hindi ang sagot ko."



"Ang tigas naman ng babaeng yun.Pero teka nga,ginagawa mo ba yung sinabi ko?Baka mamaya makakuha na siyang trabaho."



"Oo brad ginagawa ko tanong mo pa kay bernard eh.Araw-araw naming sinusundan yon."






Isa 'to sa mga plano ni vice,kaya niya gustong i-hire na kasambahay si karylle ay para gantihan ito,gusto niyang pahirapan at pagtripan.Inutusan niya din si Archie at Bernard na sundan si Karylle kung saan ito pupunta lalong-lalo na ang aapplayan nitong trabaho.


Sa tuwing may magaapply si karylle ay lagi itong inuunahan nila Archie.Sinasabihan nila yung mga nasa kompanya o di kaya ay resto na wag tanggapin ang may nagngangalang Ana Karylle Tatlonghari at kung minsan ay kailangan pa nilang siraan ito para lang hindi matanggap sa trabaho.




"Sige bye na.Sabihan mo nalang ako kapag pumayag na." ibinaba na niya ang cellphone kasabay ng pagsigaw ng kasambahay na si Gina.



"Ser!"



"Oh?!Jusko Te Gina makasigaw naman,papatayin mo ba ako?"


"Hendi po ser hehe surri po kase may tao po sa labas henahanap po kayo."



"Sino?"



"Hendi ko nga po alam ser.Kung kelala ko po idi penapasok ko na po."



"Pilosopo neto."



Bagamat tinatamad ay napilitan parin siyang tumayo at puntahan ang taong naghahanap sa kanya.

I Swear This Time I Mean It (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon