Chapter 4 - Take Me Home

28 1 0
                                    

Renz's Point of View

After our microbiology and parasitology class, Dr. Caden, our professor called me to stay inside the classroom.

"Good evening, Doc!" I greeted him with hesitation. Natatakot ako na baka sa nangyari kanina ay pagalitan niya ako dahil sa ginawa kong paggupit ng buhok ni Ariella.

"You're Florentius, right?" Pagkumpirma nito sa pangalan ko. Agad naman akong tumango.

"I just want to thank you for saving my daughter," panimula niya. "Reychelle is now resting sa office ni Calixta, as well as Anj and Chezca."

"Wala po yun, doc," simpleng sagot ko. "Masaya po ako na maayos sila. Lalo na sina Kristel at Mama Eloi."

"You're a brave guy, Renz," saad pa nito. "Hanga ako sa tapang mo. You have a great fighting spirit to fight the oppressor."

"But remember to choose what you're fighting for," paalala niya. "Pumili ka ng laban na alam mong sa tama ka pa rin dadalhin."

"Opo," pagsang-ayon ko naman. Ano ba 'yan? Nade-drain na akong kaharap 'tong mga 'to! Gusto ko na nga lang umuwi, nakuha pa niyang mag-sermon sa harap ko.

"By the way, Calixta is inviting you for a dinner. Kasama nina Anj, Reychelle and Chezca, kasabay mo sina Kristel at Eloi." Hindi ko inaasahan ang kasunod na sasabihin niya.

"Hala, kahit huwag na po," pagtanggi ko. "Sa bahay na po ako kakain."

"We insist, Renz," pamimilit pa nito. "Even just for tonight."

Napakamot pa ako sa aking ulo dahil sa pagkahiya saka tuluyang pumayag. "Kasama naman po sina Mama Eloi, di'ba?"

Dr. Caden nodded. "Yes, they'll be there with you. Pero mauuna kayo sa office dahil kukunin muna namin yung mga pagkain na in-order."

Matapos noon ay nagpaalam siya sa akin.  Paglabas ko ng anatomy laboratory ay naabutan sina Kristel at Mama Eloi na naghihintay sa akin. Dahil sa pagod at gutom ay hindi kami nag-usap hanggang sa makarating ng office ni Dr. Calixta. 9pm na rin at wala pa kaming dinner.

"Luh, wala pa sila?" sambit ni Kristel pagdating doon. Siya ang unang pumasok at dumiretso sa living area ng office ni Dr. Calixta. Nahihiya pa man ay sumunod ako kay Mama Eloi at umupo sa crimson red na sofa katabi ng picture frames sa shelf.

Due to my curiosity, nag-aalangan akong lumapit para tingnan ang mga picture frame na 'yon.

Ang pinakamalaki ay ang picture ni Dr. Calixta habang naka-scrub suit. Sa palagay ko ay nurse pa lang siya ng mga panahong ito dahil halata ang pagkabata sa kanyang itsura. Katabi nito ang malaki pang picture frame kung saan naka-white coat na ito ng pang-doktor. Sa frame na 'yon ay kasama niya ang isang lalaki na nakapang-doktor din. Batid ko ay ito ang tatay niya at ang nanay niya na naka-uniform bilang isang professor.

Pagtingin ko sa ibang frame ay naroon ang picture niya sa isang hospital, katabi ni Dr. Caden at ng isa pang babaeng doktor na batid kong kapatid din nila. Halata ang kasiyahan nila sa mga litratong 'yon.

Ang kasunod na frame naman ay ang larawan ni Dr. Calixta kasama ang maraming bata. Doon ko napagtanto ang itsura nina Kristel at Mama Eloi na naghahabulan sa gilid, at sina Anj, Reychelle at Chezca na kanyang inaalagaan sa gitna. Doon ay buhat niya ang batang si Chezca habang si Anj at Reychelle naman ay naglalaro sa tabi niya.

Ang isa pang frame ay larawan ng isang lalaking naka-damit pang-pasyente. Kasama nito ang tatlong lalaking pasyente rin. Ang isa ay kamukha ni Tito Sebastian at ang isang babae na sa pagkakatanda ko ay si Nurse Eveia.

Ward 8 Patients 2012 - Sky Felix, Peter Sunny Cruz, Prince Kyle, Sin Verosso, and Eveia Raine

At sa huli ay ang picture ng lalaking 'yon kung saan nakayuko ito habang si Dr. Cali naman ay nakasakay sa kanyang likod. Nasa ospital pa rin ang kuha noon and obviously from their eyes, they look so young and in love.

A Lover's Choice | Ongoing Story | cadendenindayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon