Chapter 21 - The Pioneers

7 0 0
                                    

Renz's Point of View

"Do I need to give you an answer right now?" I chuckled as soon as I read his handwriting.

He just shrugged while looking at me. "It's up to you."

I couldn't say any word after his response. I know that I wanted to say yes, but I'm not sure how to say it in a proper way. I was shy, to the point that I can't decide what to say.

"Company call, everyone!" Tito Sebastian called when I was about to answer.

"I'll talk to you later, Enz," He suddenly stated na ikinakunot ng noo ko. "Bumalik ka na muna kina Safiyan."

Huh? Kailan pa ako pumayag na tawagin niya akong Enz?

But then, I grinned as something entered my mind. "Okay. See you later, Mon!"

"Saan galing 'yan?" natatawang tanong niya. "Sige na, bumalik ka na do'n."

Nang tumalikod na siya sa akin at naglakad papalayo, I called him once again. "Mon!"

Natawa ako at napansing nagtataka nito nang lingunin ako. With that, I gave him a playful smile while showing my hands in a thumbs up.

"Yes!" pasigaw na sambit ko, sinigurong makakarating sa kanya ang ibig kong sabihin. Nang marinig niya iyon, hindi ko inaasahan ang pagbitaw niya ng flying kiss mula sa kamay nito.

Bumalik ako sa pwesto namin bitbit ang ngiti at kilig na hindi ko inaasahan. Hindi ko man nais ipahalata iyon ngunit tila ba natural nang lumalabas sa akin ang emosyon na hindi ko mapigilan.

"I-share mo naman sa akin ang dahilan ng mga ngiti mong 'yan!" Si Clytemnestra na unang umakbay sa akin. Kasama nito sina Belle, Safiyan at Fauna dala ang mga instrumento nila.

"Here's your acoustic, Renz," saad ni Belle. "Nakasaksak na sa extension 'yan kaya pwede mo na magamit dito."

"Angas, naka-Fender!" pagpuna naman ni Fauna sa gitara ko. "Alam mo bang hanggang ngayon wala pa rin akong sariling Fender?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, hindi naniniwala sa sinasabi nito. "Totoo nga! Hanggang ngayon, nanghihiram lang ako kay Mama Kline. Tapos kapag bumibisita ako kina Simon, hinihiram ko ay yung nasa kwarto niya."

"Swerte mo naman, nahiram mo 'yon?" angil ni Clytemnestra. "Eh noong bata ako, muntik na akong pagalitan ni Tito Charles dahil nag-strum ako ng isang beses sa gitara niya, huhu."

"It is because those guitars have sentimental value for them," katwiran naman ni Safiyan. "Ginamit nila ang mga gitarang iyon sa bawat gig at Battle of the Bands na sinalihan nila, lahat iyon ay may katapat na halaga sa kung saan nila ginamit. That's why they only allow to use it with their permission, at piling gitara lang ang pinapahiram nila."

"At kung papayagan ka nilang gamitin ang mga gitarang iyon, it only means that you're special to them. Ang cute, hihi!" dagdag naman ni Belle.

Nagbaba ako ng tingin, remembering a scene on what happened on my audition.

"Did you memorize the chords?" Simon asked habang itinotono ang gitara na ipapagamit niya sa akin.

Nasa hall kami ngayon upang ihanda ang mga instrumento na gagamitin ko para sa audition. He's helping me to prepare, at isa na rito ay ang pagtotono ng gitara na gagamitin ko.

"Yes, na-practice ko na rin yung strum at yung paglipat ng chords sa bawat lyrics," pagmamalaki ko pa. Kinakabahan man, I tried my best to show my confidence.

"Here," he handed me the guitar matapos niyang itono iyon. "Ito ang gagamitin mo."

"Huh? Akala ko sa'yo 'to?" nagtataka akong kinuha iyon dahil alam kong nabibigatan na siya.

A Lover's Choice | Ongoing Story | cadendenindayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon