Renz's Point of View
For the second day of nurses week, nagpasya kaming tumambay lang sa office ni Tita Calixta habang naghihintay ng kasunod na event.
Mamayang hapon na rin ang talent show na parte din ng programme na ginawa namin.
"Renz!" Ate Anj called me at tumabi iyon sa sofa na inuupuan ko.
"Sshh," saway ko nang maalog ang sofa dahil natutulog si Kristel sa tabi ko. "Bakit, Ate?"
"May damit ka na bang susuotin for Acquaintance Party?" diretsang tanong nito at ipinakita sa akin ang phone.
"Mamaya pa lang ako maghahanap," I responded. Then she excitedly shows the outfit that she wants.
"Can you help me to decide?" Her eyes plead. Kaya naman pumayag ako at tiningnan iyon.
First is her floral green gown with sparkling and silk cloth. Kung susuotin ay babagay ito sa personality niya. According to her, it was a birthday gift from Tito Kael at nagmula pa daw ang gown na iyon sa Greece.
Second is her Louis Vuitton dress with its grayish color. Simple ang dress na iyon at may pagka-casual ang style, but it is meant for formal events. Meron pa itong kapares na Louis Vuitton purse. She stated na galing daw iyon kay Dra. Calixta noong grumaduate siya ng highschool.
And lastly is her crimson red outfit. Amongst the clothes that she has, that's her favorite dahil daw galing iyon sa Mamita Luna niya.
"I think, the first one will be fine, Ate. Sigurado naman ako na bagay sa'yo and pasok din sa theme natin," pagpili ko. Her face glowed as she smiles.
"Yey!" masayang aniya nito. "Ito rin yung gusto kong suotin eh. Kaya pinapili kita to assess kung bagay ba talaga."
"Wow, may mga susuotin na kayo?" pagpasok nina Mama Eloi at Jazmin sa office. Nakita nila ang outfit ni Ate Anj.
"Ang dayaaaa!" Ate Anj exclaimed nang makita ang mga pagkain na dala nina Mama Eloi. "Pahingi kami!"
"Nasa labas lang yung pagkain, Ate Gurl," Kumunot ang noo ni Mama Eloi sa reklamo namin. "Kuha na kayo doon ni Renz. Gisingin niyo na pati yan si Kristel."
"Why are there a lots of food outside?" Ate Anj curiously asked at sumilip pa sa bintana.
"It's Tito Sin's birthday today!" Si Chinee ang sumagot nang pumasok ito na may dalang platter ng spaghetti at carbonara. Inilapag niya iyon sa table na nasa harapan namin ni Ate Anj. "Dumating yung pamilya niya abroad and nagpadala ng foods for Tita Calixta."
"Naks, updated ka ah!" aniya ni Jazmin. "May new arrivals ba ang Gucci ngayon?"
"Oo nga, Chinee," I hissed. "Bakit ang close mo masyado kay Tita Calixta? Kulang na lang ay bumuhol ka na sa kanya."
Nag-angat ng tingin si Chinee sa akin. "Kumain ka na lang!"
"Ang ingay niyo naman," Kristel extended her arms nang magising ito. Humikab pa iyon sa harapan namin. "Daming pagkain, ah?"
"Meron pa ba para kina Angela?" tanong ni Mama Eloi kay Chinee.
"Yes!" She proudly answered. "Ipinagtabi ko sila ni Arianne sa ref. While sina Mary, Trex, Reychelle and Chezca ay pinakain ko na bago umalis."
"Asan ba sila?" tanong ni Ate Anj.
"Nasa gym sina Mary at Trex. Inaayos nila yung mga contestants para sa talent show mamaya while pinatawag naman ni Tita Eveia sina Reychelle at Chez." pagkukwento ni Chinee.
"Eh sina Mama Arianne?" I can't help but to ask.
Chinee sighed before answering, halatang nauumay na sa kakatanong namin. "Kasama ni Tita Calixta. Pumunta sila sa venue ng acquaintance party para i-reserve yung place."
BINABASA MO ANG
A Lover's Choice | Ongoing Story | cadendeninday
RomanceAfter a decade of successful love and relationship of the destined Dave and Sky, Charles and Sebastian, a fated Florentius Norman and Simon Francisco from another generation is inevitable to have a connection together with the opposition of their pe...