Chapter 7 - Friends?

23 1 0
                                    

Renz's Point of View

I woke up with a heavy head. Pero hindi 'yon ang ikinaiinis ko.

"Bakit hindi mo ako ginising?!" galit na bungad ko kay Simon. He knows my schedule dahil nakasabit 'yon sa refrigerator namin. There were times na hindi ako nagigising sa sarili kong alarm lalo na kung sobrang pagod ako.

"Why would I?" simpleng sagot nito. "You don't have classes, do you?"

"Huh? Ayan oh, nakasulat pa," Itinuro ko ang schedule ko sa ref. "7:30am, community health nursing. 8am naaaa!"

He chuckled. "Check your phone."

Pagtingin ko roon ay bumungad sa akin ang isang announcement. Nakalagay rito na wala kaming pasok dahil hindi daw makakarating ang professor namin.

"Thank you, guys!
- Doc. Sky Felix Carreon, RN, MD"

Kaya naman pala alam niya.

"He filed a leave," dinig kong aniya. "May sakit si Raenvien so they brought her to hospital last night."

Pagtingin ko sa table ay saka ko pa lang napansin ang ginagawa nito. Katatapos lang pala niyang magluto.

"Tatayo ka na lang ba diyan?" tanong pa nito nang makita kong naglagay siya ng pinggan para sa aming dalawa.

Doon ko nakita ang mga pagkaing niluto nito. Merong isang pares ng itlog, hotdog, ham, at ang hindi ko inaasahan doon ay. . . ang daming tocino. Alam ba niya na paborito ko 'yon?

Nang makakuha ako ng fried rice ay sinumulan ko nang kumain. Unang subo ko pa lang ay nalasahan ko na ang tocino at fried rice na niluto niya. Ang sarap!

Tama yung tamis at alat na sumakto rin sa pagka-smoky ng karne na inilagay niya. At ang fried rice, he put a butter on it saka hinaluan niya pa 'yon ng maliliit na piraso ng egg at ham. Ang galing niya!

"Sorry dahil nasigawan kita kanina," nahihiyang sambit ko. "Akala ko late na ako kanina kaya nag-panic ako pagkagising, hehe."

Hindi ito sumagot.

"And thank you sa luto mo, ang sarap!" papuri ko naman. Doon siya natawa sa akin.

I pouted.

He winced. "Stop pouting. You're not cute."

Nagpatuloy kami sa pagkain. In-enjoy ko ang umaga na kasabay siya.

"Anong oras na pala tayo nakauwi kagabi?" tanong ko.

"It's almost midnight. Ang tagal natapos ng meeting nina Chinee. Even them, they cannot wake you up dahil sa sobrang pagod mo." pagkukwento nito.

"Chinee took a photo of you while sleeping," dagdag niya. Nakakahiya!

"Nakakahiya," Wala na akong masabi dahil sa kahihiyan. "Buti nakapag-drive ka pa kahit pagod, thank you ah?"

"I don't have my car with me," sambit nito. "We just walked."

"Haaaa? Paano?" gulat na tanong ko.

"Binuhat kita, hindi pa ba obvious?" Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko dahil doon.

Lupa, lamunin mo na ako, huhu. Ang dami kong kahihiyan!

"May lakad ka ngayon?" maya-maya'y nagtanong siya.

"I think, wala naman," simpleng sagot ko. "Wala rin naman akong pending activities so I think, free ako for today."

"Do you want to watch the Accallaire's gig tonight?" He suggested. "May practice kami with Gongiee and Csevann."

A Lover's Choice | Ongoing Story | cadendenindayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon