Simula

55 5 0
                                    

Talasalitaan:

Kaputsa – Hood

Tapis - Wrap around-skirt with horizontal stripes decorated by panels.

Wanno - G-string is the traditional attire for males

Rak, ang lungsod na pinaka-mayaman, pinka-makulay at sentro ng pakikipagkalakaran ng teritoryo ng bansa ng Rondar ay kasalukuyang animo'y dinaanan ng delubyo. Walang bahay ang nakatayo at nilalamon ng dagat dagatang apoy ang buong paligid, isang babae na nakasuot ng pantaas na walang manggas at kita ang tiyan na pinaresan ng tapis at kapa na may kaputsa ang nakayakap sa katawan ng isang lalaki na nakasuot ng wanno na pinatungan ng pandigmang bakal at kapa ang may palaso sa dibdib.

"Kamahalan..." basag na tawag ng babae sa lalaki habang patuloy sa pag patak ang luha. Umubo ang lalaki ng dugo.

"Binibini," tawag ng lalaki sa babae habang pinupunasan ang luha nito. "Huwag ka ng umiyak, wala kang kasalanan," sabi ng lalaki at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Patawarin mo ako, kamahalan," sabi ng babae at hinigpitan ang hawak sa kamay ng lalaki na parang hinding hindi niya ito bibitawan.

"Mahal kita, ginoo. Mahal kita, mahal na mahal kita," wika ng babae ng may pait sa bibig at luha sa mata.

Hindi umimik ang lalaki, bagkus ay dahan-dahang ipinikit ang mata, lalong bumuhos ang luha ng babae dahil naramdaman niyang ang pagluwag ng hawak nito sa kamay niya.

Patuloy ang pagluha ng babae habang yakap ang katawan ng sinisinta, habang umiiyak siya ay nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan na akala mo ay nakikiramay sakanyang paghihinagpis. Nagsimulang humalo ang dugo ng walang buhay na prinsipe at ng sugatang binibini sa tubig. Ang dagat dagatang apoy ay unti unting namamatay katulad ng nararamdaman ng babae, namamahid siya.

Hinalikan ng babae ang noo ng prinispe bago bumulong sa sarili.

DING!

Napakurap si Kayel sa tunog ng phone, may spam message doon. Pinatay niya ang phone ar ginala niya ang paningin, oo nga pala, nasa opisina pa siya, hindi niya napansin na nagliwaliw ang utak niya sa kung saan. Tinignan ang relo, it's three in the morning. Kinusot niya ang mata at nag-unat mula sa upuan, bakit niya ba inalala sa kawalan ang katapusan ng pinaka-kilalang pelikula ngayon? Ang Pangako ng Binibini, kwento iyon tungkol sa pagmamahalan ng isang prinsipe at isang babae na nagwakas ng pinatay ng panig nung babae yung prinispe. It's like the version of Romeo and Juliet with the ancient Philippines settings, flaunting pre-colonial architecture, clothes, and culture yet with action, and fantasy in the mix. It's very sensational nowadays. Kahit sa ibang bansa, ang dahilan siguro ay dahil bukod sa maganda ang cinematography, masakit sa puso yung kwento, ayun kasi yung klase ng pag-ibig na pinaglaban, pinanindigan, pero sa huli hindi padin nagkatuluyan. Sakit! Parang pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila, hindi padin para sakanila yung pagiging masaya sa piling ng isa't isa.

He rarely likes a movie but he actually likes it too, it's painfully realistic. Mula sa kinauupuan, tinanaw niya ang opisina, bilang na bilang ang nasa cubicle. Mukhang kumain sila sa labas. Ibinaba niya ang blinds at pinindot ang keyboard para magbukas ang screen ng desktop, namatay dahil sa tagal niyang hindi gumagalaw. Ang lakas ng loob magliwaliw ng utak niya ngayong hindi pa siya tapos sa sinusulat niyang report tungkol sa Bangin na nagbukas sa Morayta kahapon.

"Major!" napatingin si Kayel sa biglang pagbukas ng pinto at nakakarinding boses ni Mike, sekretarya ng Colonel nila. "Pinapatawag ka ni Colonel."

"Bakit daw?"

"Tungkol sa babaylan niyo," kumunot ang noo ni Kayel, babaylan?

Tinignan ni Kayel ang orasan, hindi padin iyon nagbago at nasa alas-tres padin. Pinaliitan niya ng mata si Mike. "Niloloko mo ba ako?"

KayelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon