Kabanata 4

1 0 0
                                    

Ayaw ni Kayel na kamuhian si Jiro at Roane, kung ikukumpara sa mga ipinakilala ni Maricar sa grupo nila, pinaka madaling pakisamahan ang dalawa ngunit! Habang nakatingin sa isa sa clause ng contract nila ay hindi niya maiwasan mainis.

4.5 In any situation given, in case of insubordination, party B will not be blamed and DNMP had no right to punish or sanction them in any way. If not followed, DNMP will face legalities.

Hindi na binasa ni Kayel ang kontrata dahil akala niya ay katulad lang ito ng mga nauna. The fuck? So they can bail out whenever?! Napaka-iresponsable! Hindi niya maiwasan mairita, ang lahat ng pagkakonsensya niyang naramdaman para sa dalawa ay nabura.

Kaya naman pala ang lakas lakas ng loob nung dalawa na kontrahin siya kahit maraming pwedeng mamatay. Talagang naglalaro lang sila! Do they think they can play with people's life and get away with it? Hindi dahil mayaman si Roane, hawak niya na ang batas! Bitch!

Kung nabasa lang talaga ni Kayel ang clause sa kontrata, hindi na sana niya tinaggap ang dalawa kahit Tore pa ang antas ng pagiging telepath ni Roane. Ngayon tuloy ay naiinis din siya kay Maricar. How could she let that clause be there?!

"Kayel, masunog yung papel," puna ni Richard sa kaibigan.

Nagpunta siya sa opisina ng Kayel para ayain ito mag-almusal, ngunit hindi ito sumagot nung kumatok siya kaya't dumiretso nalang siya at natagpuan ang kaibigan na may binabasa at kulang nalang ay mag-apoy ang mata. Tinignan siya ni Kayel.

"Anong binabasa mo?" curious na tanong ni Richard.

Hindi pinansin ni Kayel ang tanong ng kaibigan. "Kailangan mo?"

"Aayain sana kita mag-almusal? Sama ka?"

"Yeah."

Initsa ni Kayel ang papel sa lamesa at unang lumabas ng pinto. Sinilip ni Richard ang papel bago kumibit balikat at sinundan ang kaibigan.

**********

Ang madalas na Bangin na napupunta sa DNMP ay nasa antas ng kabalyero. Sa katulad ng grupo ni Kayel na karamihan ay antas ng Rook, madali lang para sakanila isara ang mga Bangin sa antas na iyon kahit walang babaylan ng telepath.

Ngunit nitong nakaraang linggo, may natanggap silang tatlong Bangin na ang antas ay Bishop gayunpaman hindi nanghihingi ng tulong si Kayel kay Roane at Jiro.

Ngayon ay ang pang-apat na Bangin na antas ng Bishop na kailangan nila isara. Naghahanda si Roane at Jiro para sumama, ngunit...

"You stay here, hindi namin kayo kailangan," muli, ganyan ang panuto ni Kayel sakanila.

Napatiligil si Roane at Jiro sa pagsusuot ng uniporme ng Kalasag. Pansin na ng iba na ginagawang outcast ni Kayel ang dalawa kaya't kahit gusto nila na isama ang mga ito dahil malaking tulong, wala silang magawa kung hindi ang manahimik at sumabay sa ginagawa ni Kayel.

"Okay, more free time then," pabalang na sabi ni Jiro at binitawan ang uniporme at kinalikot ang phone.

Kung naiirita si Kayel sa kanila, ganoon din si Jiro. Pansin ni Jiro na may galit padin ito sakanila ngunit pabor sakanya na hindi sila pinapasama sa Raid, ang responsibilidad niya ay protektahan si Roane. Wala siyang paki kung hindi sila makapasok ng Bangin.

Samantala, nanahimik sa upuan si Roane, hindi padin binibitawan ang uniporme. Isa-isang lumabas ang mga katrabaho nila hanggang si Roane at Jiro nalang ang natira sa linya ng cubicle nila. Maingay padin ang ibang sulok ng opisina ngunit pakiramdam ni Roane ay balot siya ng naiwang katahimikan.

Tumigil si Jiro sa pagkalikot sa phone at nilingon si Roane na nakatitig padin sa uniporme. "Don't feel too bad, ate Roa."

"Ako? Hindi, ah!" tanggi ni Roanne at nginitian si Jiro sabay bitaw sa uniporme.

KayelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon