Talasalitaan:
Kapisanan - Group
Dalubhasa - Expertise
Hulma - Shape
Ahedres - Chess
May iba't ibang sistema ang bawat bansa sa pamamahala ng mga taong may kapangyarihan. Ngunit para sa Pilipinas, ang mga Pinagpala ay may apat na kategorya; ang una ay Proteksyon o protection, ang kapangyarihan na ang layunin ay pumrotekta, karamihan sakanila ay kasapi sa iba't ibang sangay ng DNMP o kaya ay kasama sa iba pang mga Kapisanan ng mga Pinagpalang Labas. Ang pangalawa ay Distruksyon o destruction, ang kapangyarihan nila ay hindi halos naiiba sa mga taong nasa kategorya ng Proteksyon, ngunit ang kakayanan nila ay mapanira, may mga nagtratrabaho sakanila sa DNMP, ngunit karamihan sakanila ay nagiging kriminal o kabilang sa mafia.
Ang naunang dalawang kategorya ay kayang kumontrol ng elemento at maglabas ng armas na-aayon sa elemento nila. Maaring pana o baril sa mga may kontrol ng hangin, espada o sibat sa may elemento ng metal, kidlat, at apoy, o kaya latigo sa mga elemento ng lupa. Gayunpaman, hindi limitado ang hulma ng armas nila sa elementong kayang kontrolin.
Ang pangatlong kategorya ay walang elemento o armas, ngunit nahahati sila sa dalawang uri, una ay ang healer, na naisasama sa tuwing may Raid sa loob ng Bangin at nagsisilbing doktor sa mga sugatang Pinagpala. Ang pangalawa ay kailangan dahil kapag ang isang grupo ng mga Pinagpala ay sumasabak para lumaban sa Bangin, walang teknolohiya ang kayang sumuporta para makapag-usap sila sa loob ng Bangin, lalo na kapag hiwahiwalay sila. Hindi radyo, o phone. Sinubukan na ng mga imbentor na gumawa ng phone na ang gamit ay mineral mula sa Bangin dahil gusto nila mabawasan ang panganib at disgrasya dulot ng miscommunication, ngunit walang kahit anong gumana. Dito papasok ang mga ikalawang uri ng Babaylan, telepath. Ang mga Babaylan ay may kakayanang maging radyo ng mga Pinagpala sa loob ng Bangin, ang mga katulad nila ay siyang paraan para makapa-communicate ang mga tao sa loob ng Bangin. Sa madaling salita, kaya nilang i-link ang isip ng mga Pinagpala, sa isang delikadong lugar gaya ng Bangin, kung saan ang pinaka-importante ay pagtutulungan, ang mga Telepath ay parang mga anghel na siyang magliligtas sakanila
Maraming kakayanan ng Pinagpala ang hindi pasok sa naunang tatlo kaya nabuo ang ikaapat na kategorya, ang Atbp, kabilang dito ang abilidad na makita ang hinaharap - clairvoyance, mga eksperto sa paggawa ng gayuma - potion makers, mga appraisers, dream walkers, gurong-panday, Bangin-cartographers, at marami pang talento na hindi limitado sa pakikipaglaban gaya ng Proteksyon o Destruksyon, at pagpapagaling o kaya komunikasyon gaya ng mga Babaylan. Ang Atbp ay pinaghalo-halong Pinagpala na kalat sa iba't ibang industriya ng mundo.
Gaya ng nasabi, may iba't ibang paraan ng pagkakategorya ang bawat bansa, sa parehas na paraan ay may iba't ibang paraan din sila ng klasipikasyon kung gaano kalakas ang mga taong may kapangyarihan. Sa Pilipinas ang paraan ng klasipikasyon ng Pinagpala ay gaya sa laro ng ahedres o mas kilala sa tawag na chess. Queens o reyna ang pinakamataas, sunod doon ay Rooks o tore, pagkatapos ay Bishop o obispo, na sinundan ng Knights o kabalyero, at ang pinakamababa ay Kings o hari. Sa ganitong paraan din nila nilalagyan ng antas ang mga nagbubukas na Bangin.
BINABASA MO ANG
Kayel
RomanceSi Kayel ay isa sa mga Pinagpala o mga taong mayroong kapangyarihan, isang talento na hindi mapapantayan, bayani sa karamihan, at kakayahan na walang hanggan. Ngunit sa laban ng pag-ibig, paano ba ang isang katulad niyang makapangyarihan? A story s...