"Participate in this Kayel," tinanggap ni Kayel ang folder na inabot sakanya ni Maricar.
Binuksan niya iyon at tumambad sakanya ang impormasyon ng Bangin na nagbukas sa Pasig, may antas na low rook. Tinignan niya si Maricar na parang nagtatanong, mababa lang naman ang antas nito, bakit hindi nalang ibigay sa Kasapian ng Pinagpalang Labas.
"It's a water Bangin," maikling sabi nito.
May iba't ibang itsura ang Bangin, minsan disyerto, minsan ay parehas ng siyudad na abandunado, minsan naman ay gubat, minsan din ay mga lugar na animo'y nilabas sa pelikula o kaya ay ang binaggit ni Maricar, ang Bangin ng tubig. Lahat ng Bangin na nabaggit ay may inaapakang lupa ngunit kapag ang Bangin ay tubig, oras na pumasok sila sa Bangin ang kababagsakan nila ay tubig at ang kalaban ay mga halimaw na humihinga sa tubig.
The most common Pinagpala is thunder users, while the rarest are Babaylan telepaths. But after telepaths, the second rarest are water users. Like fire users who are immune to heat, ice users immune to cold, thunder users immune to electricity, or earth users immune to poisonous plants, water users are able to breathe in water.
Ngunit gaya nga ng nasabi, bihira ang water users. They are one in every ten thousand and there are only 500,000 registered Pinagpala right now. Ang 200,000 ay hindi sumsali sa raid dahil nasa ilalim sila ng kategorya ng Atbp. Bilang ang mga water users kaya't ikinalat sila, sigurado si Kayel na hindi lang sakanila nanghingi ng tulong ang DNMP ng Pasig para maisara ang Bangin.
"Okay, kailan po?"
"Sa susunod na bukas and Kayel..."
"You know you need Roane here, right?"
Kahit nakakahinga sa ilalim ng tubig ang mga water users na Pinagpala, hindi padin sila nakakapagsalita kaya alam ni Kayel kung gaano kaimportante ang magiging gampanin ni Roane.
Kaya kahit masama ang loob ay tumango si Kayel. "Yes, ma'am!"
************
Sa loob ng opisina ni Kayel ay magkaharap sila ni Roane. Halos dalawang buwan na nandirito si Jiro at Roane, isang buwan at kalahati doon ay ang pagbibigay ni Kayel ng sangkatutak na paperworks. Ngunit ngayon niya lang ulit makaka-usap si Roane ng masinsinan.
"Sasama kayo dito sa susunod na bukas."
Tinaggap ni Roane ang folder na inabot nito at nagsimulang basahin. Tinignan siya ni Roane. "Thank you."
Para namang may sumipa sa konsensya ni Kayel ng makita ang masayang ngiti ni Roane. Ngunit binalewala niya na lang. Unfortunately or not, he's getting used to enduring his own conscience.
"You may go. Sabihan mo si Jiro, wag kayong mala-late."
"Okay, thank you ulit, major."
*********
Sabay sa pagbugso ng ulan ay ang tumataas na galit ni Kayel. Kasalukyan siyang nasa Bangin na nagbukas sa Pasig, at limang minuto nalang at tatalon na sila para sa raid, ngunit wala maski anino ni Roane at Jiro.
Lalong nadadagdagan ang galit ni Kayel sa dalawa. Tapos ni wala man lang pasabi! Napaka-iresponsable talaga!
Kilala si Kayel ng maraming Pinagpala mula sa iba't ibang headquarters ng DNMP, isa siyang modelo at iniidulo ng madami lalo na kapag galing ka ng Pamantasan ng Pinagpala ng Pilipinas. Kaya't madalas siya bigyan ng atensyon. Tulad ngayon, nugnit walang naglakas loob na kumausap sakanya sa pagkakataong ito dahil sa masamang hangin na nilalabas.
"Let's go," panuto ni Kayel ng matapos ang limang minuto. Siya din kasi ang naatasan na mamuno sa raid.
"Ah, sir, anong gagawin namin dito?" tanong ng isa sa mga may hawak na bangka.
BINABASA MO ANG
Kayel
RomanceSi Kayel ay isa sa mga Pinagpala o mga taong mayroong kapangyarihan, isang talento na hindi mapapantayan, bayani sa karamihan, at kakayahan na walang hanggan. Ngunit sa laban ng pag-ibig, paano ba ang isang katulad niyang makapangyarihan? A story s...