7:15Wala na talaga, hindi na ako makaka pasok ngayon. 5 minutes nalang at mag sisimula na ang klase, bullshit. I was still sobbing hard here, hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko. Yung pusa naman nawala na. Bakit ba kasi ako umiiyak eh matapang nga dapat ako.
Sino bang hindi maiiyak eh absent tuloy ako ngayon, tapos malabo pang ma buksan tong pinto, fuck talaga. Pinaka ayaw ko sa lahat ay yung may absent ako, simula elementary perfect attendance ako palagi. Dahil sa Stacey na 'yon may absent na tuloy ako.
Pag ako talaga naka labas dito, sisiguraduhin kong hinding hindi niya magugustuhan ang gagawin ko.
"Fuck you, Stacey Aubr—" Hindi ko naituloy ang pag sigaw ko nang bumukas ang pinto. Agad naman akong napa lingon at nakita ang pag pasok ng babae. She has a long wavy hair and she was pretty tall. Dali dali ko namang pinunasan ang mga luha ko.
"Miss, are you alright? Bakit ka nandito at bakit naka lock ang pinto? Who did this to you?" Sunod sunod na tanong niya, lumapit siya sa akin at napansin niya na namumula ang mga mata ko. "Are you crying? Bakit? Sinadya ba talaga na e lock ka dito? And dumi ng uniform mo." Tanong niya ulit at tumango naman agad ako.
"Okay lang po ako, miss. Maraming salamat po at dumating ka, kanina pa ako sigaw ng sigaw dito ngunit parang wala namang nakakarinig." I weakly smiled at her.
"Maraming student ang nakarinig sa sigaw mo, pero hindi din nila mabuksan itong pinto. May nag report sakin na may naka lock sa silid na ito at kailangan ng susi. Pasensya kung natagalan ang pag bukas, hinanap ko pa kasi ang susi." Pag explain niya, she has a soft voice and I think she is a soft spoken person. "By the way, I am Maraiah Cuenca, 3rd year and I am the ssg vice president here." She introduced herself at agad naman akong nagulat na siya ang vice president dito.
"I am Jhoanna Elise Dizon po, 1st year, nice to meet you vice president and thank you so much at dumating ka." I smiled at her at nag shake hands kami.
"Let's go to my friends dorm, she's a tourism student, I'll let you borrow her uniform for now at ako na ang mag e-explain sa professor mo mamaya kung bakit ka absent sa subject niya." I was about to say something but agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at nag lakad na kami palabas.
Wala nang mga studyante dahil nasa kanya kanyang room na dahil nagsisimula na ang klase. Teka, sigurado bang ipapahiram niya ako ng uniform, baka magalit yung kaibigan niya.
"Miss Cuenca uuwi nalang po ako samin, doon nalang po ako mag palit ng uniform baka magalit po sakin yung kaibigan mo." I told her habang naglalakad kami, hawak niya padin ang palapulsuhan ko.
"No miss Dizon, hindi ka basta bastang makakalabas dito during class hours. Don't worry about my friends uniform, she has a lot of uniforms." Sagot niya sa mga sinabi ko. Tumango nalang ako dahil wala narin naman akong magagawa.
pag dating namin sa dorm area ay binuksan niya ang dorm 045. Pinapasok niya ako at pina upo sa sofa, ang linis at ang ganda naman ng dorm, sosyal. Pumasok sa siya kwarto ng kaibigan niya at pagkalabas niya ay dala dala na niya ang uniform. Lumapit siya sa akin at binigay iyon.
"Pumasok ka doon sa kwarto at doon ka mag bihis." She smiled at me. I nodded my head at pumasok na sa kwarto. Nag bihis naman ako ng mabilisan at lumabas na ng kwarto, kanina pa kasi ako nahihiya.
"Wow, that was fast miss Dizon." She giggled, aww ang cute naman.
"Jho nalang po or Elise ang itawag niyo sakin miss Cuenca." I shyly said at ngumiti sakanya.
"If that's the case then you should also call me Aiah, tanggalin mo na ang "miss" at "po". Lumapit siya sa akin and she pinched my cheeks. "From now on, friends na tayo, I like your attitude and you're kind." She smiled at me. Ngumiti naman ako pabalik sakanya at tumingin sa sahig, nahihiya ako ano ba.
"You're so cute when you're shy Jho." She pinched my cheeks. "Let's go na, para maka pasok ka sa sunod na klase mo and I'm really sorry Jho, hindi kita maihahatid ngayon sa room mo kasi may pasok nadin ako, I'll talk to your first subject prof later." She smiled.
"Maraming salamat talaga miss Aiah." I thanked her, napaka grateful ko kasi dumating siya kanina. She is really an angel.
________________
Dali-dali akong naglakad papunta sa classroom namin dahil baka ma late nanaman ako, second day of school tapos absent jusko! Kasalan talaga ni Stacey lahat ng 'to.
Hinding hindi niya magugustohan yung gagawin ko sakanya kapag mag kita kami. So what kung anak siya ng mayaman? Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman pwedeng hayaan ko lang siya na ganonin lang ako dahil sa isang lalaki, jusko!
Pag pasok ko naman sa classroom ay titig na titig ang dalawang kaibigan ko na sina Maloi at Sheena. Alam ko na agad kung anong sasabihin nila sakin kapag umupo ako. Mag katabi lang kasi kaming tatlo.
Tahimik lang sila habang titig na titig sakin, pag upo ko naman ay doon na agad sila nag salita.
"Hoy babae, bat ngayon ka lang?" Tanong ni Sheena. "Grabe, second day pa lang absent kana. Akala ko ba ayaw mo sa absent na 'yan."
"May nangyari ba? Bakit ngayon ka lang? Kinidnapp ka ba? Sinaktan ka ba? Pinagalitan ka ba? Bakit? Why?" Parang gagong sunod-sunod na tanong ni Maloi habang chinecheck ang mukha ko.
"Ang oa niyo talaga, noh?" Inirapan ko naman silang dalawa. "May nangyari kasi kaya absent ako sa first subject."
"Anong nangyari? Mag sabi ka ng totoo." Sumeryoso naman ang tono ni Maloi.
"Na lock ako sa isang silid." Sabi ko habang kinuha ang tubig sa dala kong bag. "Someone locked me inside that room." I added.
"Sino?"
"Who?"
Sabay na sabi ni Sheena at Maloi habang naka tingin sa akin ng seryoso. Medjo natatawa na ako sa reaction nila pero pinigilan ko nalang 'yon. Sobrang curious na tao kasi yung dalawang 'to.
"It was Stacey. She's the one who locked me inside that room." Sabi ko sabay inom sa tumbler. Nagulat naman ako nang biglang hampasin ni Maloi ang table. Lahat naman ng classmate namin ay naka tingin na sa amin.
"Hoy puta ka bat mo ginawa yon?" Tanong ko sabay hampas sa braso niya. Parang gago talaga 'tong si Maloi.
"Nakakagigil na 'yan si Stacey ha. Baka masampal ko siya ng wala sa oras." Gigil na sabi niya sabay irap.
"Same, silent lang ako pero medj ang sarap niyang sampalin." Sabi naman ni Sheena.
"Chill lang kayo, hindi ko naman siya hahayaan na apihin lang ako." I said and smiled at them.
"Bet ko 'yan teh, support kita dyan." Tumawa naman si Maloi at hinampas ako ng notebook niya.
"Ngayong lunch time, I'm pretty sure na doon sila kakain sa cafeteria. It's your chance para makaganti ka sa ginawa niya kanina." Sheena smirked. Well, totoo naman na doon talaga sila kakain.
"Oo nga noh? That's a great opportunity para ipahiya siya. Hinding hindi niya magugustohan ang gagawin ko sakanya." I smirked as i looked at the two of them.
Humanda ka sakin, Stacey. Wala akong pake kung mayaman ang pamilya mo.
LJMK^^
YOU ARE READING
Fall For You
FanfictionJhoanna Elise Dizon decided to study in crestwood university, which is her dream school since she was just an elementary student. She thought her student life there will be easy, not until she met Stacey Aubrey Gonzales.