Jhoanna's Point Of View
"Jho anak gumising ka na! May pasok ka pa, first day of school mo ngayon!" Sigaw ni mama sa labas.
Agad naman akong bumangon ng ma-alala na may pasok pala ako ngayon sa dream university ko. Dalidali akong pumasok sa cr at naligo. Nag bihis na ako pag katapos at dali daling bumaba.
"Ang ganda ganda talaga ng anak natin Rey." Ngumiti si mama kay papa at tinuro ako na nagsusuklay sa salamin.
"Syempre mana sakin eh." Tumawa si papa at hinalikan si mama sa pisngi niya.
"Jho anak first year college kana, tatlong taon nalang anak ga-graduate kana." Sabi ni mama habang nag hahanda ng pagkain, umupo ako don at ngumiti sa kanila.
"Pinapangako ko po sa inyo na mag aaral ako ng mabuti at magiging successful flight attendant po ako balang araw ma, pa" I smiled at them. "Ibibigay ko po sa inyo ang mga gusto niyo at ililibot ko kayo sa iba't ibang lugar."
"Asus itong anak ko talaga, basta pag butihin mo 'Yang pag aaral mo, Kumain kana anak at ihahatid kita sa school mo, atsaka mag iingat ka dun ha makinig ka sa professor mo at mag pa kabait ka dun." Sabi ni papa sakin.
Tumango ako and I smiled at them at kumain na. Pag katapos kumain ay inihatid na ako ni papa papuntang Crestwood University. Nag thank you ako kay papa at nag paalam para pumasok na sa loob.
Pag ka pasok ko palang ay agad akong namangha sa nakita ko, sobrang laki ng university at ang ganda kahit nasa labas pa, paano na kaya pag nasa loob na ako. Ang university na'to ay para lang talaga sa mayayaman, kaya nung nag announce sila na may scholarship examination ay hindi ako nag dalawang isip na mag take. Napaka saya ko nung nalaman kong isa ako sa mga pumasa sa scholarship dito.
"Jho!!" Nakita ko ang dalawang kaibigan kong tumakbo papalapit sa akin. They were my best friends since elementary, hindi kami mapag hiwalay since then, kaya naman sabay din kami nag take ng scholarship dito.
"Ang daming pogi grabe, mas lalo tuloy akong na motivate mag aral." Sabi ni Sheena at lumilingon sa paligid, nag hahanap pa ng pogi.
"Mag shut up ka nga Sheena, by the way truthfulness yan ang daming pogi dito mhie, kaka pasok ko lang kanina pogi agad bumungad sakin." Sabi ni Maloi at nag apir ang dalawa at tumatawa pa.
"Basta nandito ako para mag aral, buti nalang at may mabait kayong kaibigan na katulad ko at maganda pa." I playfully winked at them.
"Ewan ko sayo Jho, tara na nga baka ma late pa tayo." Sabi ni Sheena at pumasok na kami sa loob.
Namangha kami lalo pag pasok namin sa loob, grabe ang ganda, may mga lockers, may room para sa instruments at ang laki ng hallway nila. Habang nag lalakad kami sa hallway tinignan ko ang pader, grabe pati pader na amazed ako. Napa tigil ako sa pag lalakad ng may mabunggo ako.
"Shit!" He hissed in pain at tinignan ang uniform niya. Maraming nagulat don at naka tingin sa amin.
"Oh my god! I'm really sorry hindi kita nakita." Pag explain ko habang pinupunasan ang damit niya gamit ang panyong dala ko. Natapunan ng coffee ang damit niya, lagot ako nito.
"Next time tumingin ka sa dinadaanan mo." He said, coldy. "My uniform is a mess now."
Tumingin ako sa kanya at napa tigil sa pag punas, ang gwapo niya. Matangkad siya, ang tangos pa ng ilong. I think may lahi siya. Sa itsura palang niya halatang hindi mapapa sakin eh, ang pangit ng taste niya kung ganon.
"What now?" I stopped in my thoughts ng ma realized kong kanina pa pala akong naka tingin sa kanya. "Hey, i know I'm handsome pero stop staring at me kasi baka matunaw ka sa kagwapohan ko." He smirked.
Ampota, assuming naman nito.
"I'm sorry talaga, hindi ko sinasadya. Gusto mo labhan ko uniform mo?" He just laughed at me, ang kapal ah! Ako na nga nag offer na labhan ang uniform niya, siya pa itong tumawa.
"Are you new here?" He asked.
"yes, we're new here." Sabay na sabi ni Maloi at Sheena na nakangiti sa lalaking to. Kahit kailan talaga tong dalawang gaga na 'to. Kinurot pa ako sa gilid. He just smiled at them at tinignan ulit ako.
"Just treat me a lunch, then after that I'll accept your apology, see you miss cutie." He pinched my cheeks and smiled at me bago siya umalis.
"Ano yon? Tangina treat daw wala nga akong pera eh! Kung labhan ko naman ayaw pa niya, ang arte feeling gwapo pa." Inis na sabi ko.
"Gwapo naman talaga kunwari ka pa sus, girl kami na bahala sa lunch niya pag sinama mo kami." Nag apir nanaman ang dalawa. Hays puro gwapo nalang ata alam ng dalawang to.
"Let's go na, we're late na ohh first day pa naman." Sabi ni Sheena at pumasok na kami sa classroom namin. Buti nalang at classmate ko 'tong dalawang to, Hindi na kami nahirapan na hanapin kung saan ang classroom namin.
Nag tourism kaming tatlo kasi ang goal namin ay maging successful na flight attendant soon at makapag asawa nang piloto, o kaya owner ng airlines.
_____________
Nag bell na at sign na para mag lunch kami, okay naman dito, as usual nag introduce lang kami sa mga sarili namin at kung ano ang mga requirements namin. Pumunta kami sa cafeteria dito para kumain ng ma-alala ko 'yong lalaki kanina, buti nalang at wala siya dito ngayon, hindi ko siya makita eh, baka nakalimutan na niya, edi nice yon. Pumila na kami at nag order ng lunch namin.
"Magkano po lahat?" Sheena asked the tindera. Ay wow ang taray, conyo ka gurl?
"Nako iha libre lang lahat ng pagkain dito, kasali na kasi sa tuition yong pang kain niyo." Ngumiti samin ang tindera.
"Libre naman pala eh, bat gusto ng treat ng lalaking yon ulol." Inis na sabi ko. Umupo na kami sa table na napili namin at mag sisimula na sana kaming kumain nang may tumabi sa akin at nginitian pa ako. Bwesit na lalaki to bigla nalang sumusulpot. Mag isa lang siya, wala ba siyang kaibigan? Kawawa naman.
"Eat well ladies." He softly said at kinain ang pagkain niya. Ang kapal talaga ng mukha neto. Kinikilig naman ang dalawa at sinisipa pa ako sa ilalim ng table.
"Free naman pala lahat ng pagkain dito eh bat ka ba nag papa-libre?" I seriously asked him.
"I didn't say na dito mo 'ko ililibre." He smiled again, nakakainis ang ngiti niya.
"Eh saan ba? Ang arte mo naman wala akong pera nuh, labhan ko nalang kasi ayaw mo pa, marunong naman ako." Inirapan ko siya at kumain. He just laughed at me and we continued eating.
Habang kumakain kami ay may nag bubulongan na mga studyante at may kinikilig ding iba habang naka tingin sa entrance ng cafeteria. Lumingon din kaming lahat dahil sa curious. May mga babaeng pumasok which caught the attention of many students here na kumakain. Ang gaganda nila at matatangkad din, para silang mga artista, kaya pala maraming studyante dito na kinikilig. Mukhang mayayaman silang apat at para talaga silang artisa o kaya model dahil ang gaganda talaga nila. May tatlong poganda at ang isa naman nilang kasama ay mukhang napaka girly.
LJMK ^^
YOU ARE READING
Fall For You
FanfictionJhoanna Elise Dizon decided to study in crestwood university, which is her dream school since she was just an elementary student. She thought her student life there will be easy, not until she met Stacey Aubrey Gonzales.