Chapter 4

136 6 9
                                    


"Jhoanna anak, halikana at kumain na tayo ng hapunan!" Tawag sakin ni mama. Kahit ayoko pang bumangon ay wala na akong nagawa kundi bumangon na at bumaba para kumain. Pagod na pagod ako kanina pa, lalo na sa sinabi ni North na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko.



"Dahil sa ginawa mo, sigurado akong ikaw ang magiging target niya this whole fucking year!"



Ano bang ginawa ko, bakit naman ako ang magiging target niya this whole year. Shit! Kasalanan to ni Harvey eh, lapit nang lapit sakin, kasalanan ko bang maganda ako? At ang childish naman nung Stacey kung e bubully niya ako tsk. 2nd year college student na siya gosh, hindi na kami highschool para sa mga ganyan tapos ganon parin siya mag isip? Isip bata kung ganon, senior ko pa naman siya. Mala anghel pa naman ang mukha niya pero demonyo ang ugali.



Kung ako man talaga ang magiging target niya, pwes lalabanan ko siya. Hindi naman pwedeng mag pa talo ako sakanya, kahit anak pa siya sa pinaka mayamang tao sa buong sanlibutan ay nako bahala talaga siya sa buhay niya. Kung may plano man siyang e bully at paalisin ako sa dream university ko, pwes hinding hindi niya ako mapapaalis, baka siya pa ang kusang sumuko saming dalawa.



"Lalim naman ng iniisip mo anak." Sabi ni mama habang naglalagay ng ulam sa pinggan ko.



"Sorry ma, pagod lang kasi ako, ang daming nangyari ngayong araw." Ngumiti naman ako sakanya at nag simula na akong kumain. "Hindi paba naka-uwi si papa, ma?" Dagdag ko habang ngumunguya.



"Mamaya pa uuwi ang papa mo, at ano bang nangyari sa araw mo? Kumusta pala yung first day of school mo? Hindi kita na kumusta kanina kasi dumeritso kana sa kwarto mo." Sabi naman ni mama.



"Okay lang naman yung first day ma, madami nadin akong bagong kaibigan."



"Mabuti naman, dalhin mo sina Mary loi at Sheena dito sa bahay paminsan anak, ipag-luluto ko kayo at miss ko nadin yung dalawang batang 'yon." Ngumiti sa akin si mama at dinagdagan niya nang ulam ang plato ko.



"Okay mama, sabihin ko po sakanila bukas." Ngumiti ako sa magandang nanay ko.



Pagkatapos namin kumain ni mama ay niligpit ko na ang natirang pagkain at nilinis ang lamesa, ako nadin ang nag hugas ng mga pinggan na pinagkainan namin ni mama. Pagkatapos ko ay dumiretso na ulit ako sa kwarto ko at humiga.



Kinakabahan ako para bukas, what if totoo talaga na ako ang target ni Stacey? Arghhh I hate this so much. She has everything, natatakot ako na baka kung anong gawin niya sakin, na baka hindi simpleng pang bully lang ang gawin niya what if saktan niya ako? What if ipa bugbug niya ako sa mga alagad niya? What if arghhh nag o-overthink na ako dito, so many what ifs naman. Kung may sisisihin man dito, si Harvey dapat, tangina talaga niya.



Napa buntong hininga nalang ako at ipinikit ang aking mata, I prayed na magiging maayos ang lahat at walang away na magaganap this year, dapat full of love ang year na 'to. No hate, just love.



______________



"Salamat sa pag hatid papa, mag iingat po kayo sa pag mamaneho at sa trabaho niyo." Sabi ko kay papa pagka baba ko sa pinakamamahal niyang motor at niyakap siya.



"Syempre naman anak, mag iingat ka din at mag aral ka ng mabuti, osya anak aalis na ako." Ngumiti ako kay papa and waved goodbye to him. Nang maka alis na siya ay pumasok nadin ako sa loob.



Kaunti palang ang mga studyante dito kasi 5:50 pa ng umaga, sinadya ko talaga na pumunta dito ng maaga para hindi ko makita o makasalubong si Harvey at ang ex niyang maldita. Habang naglalakad ako ngayon sa tahimik at walang taong hallway ay napa tigil ako dahil sa may narinig akong gumalaw na kung ano sa isang room na kung saan naroon naka lagay ang mga bagay na hindi na ginagamit. Wala naman sigurong multo dito nuh, pero baka may tao sa loob.



Dahil na curious ako ay lumapit ako sa kwartong 'yon, medyo madilim ang silid na ito, isang ilaw lang ang naka on at ang  tatlong ilaw ay sira na at may mga ilang gamit pa na nag kalat dito. Nagulat ako nang may biglang gumalaw nanaman at may bumagsak pa, kahit kinakabahan ako ay pumasok at lumapit padin ako doon parte sa may nalaglag. Yumoko ako at kukunin ko na sana ang bagay na iyon ngunit napa tigil ako dahil may lumabas na pusa galing sa ilalim ng mesa.



Hala ang cute, ang liit niya. Napalitan naman ng ngiti ang takot ko at binuhat ang pusa na ang cute cute, gusto ko siya iuwi sa bahay namin. May nagmamay-ari ba sa pusang 'to, kung wala nako iuuwi ko na 'to samin. Bakit pala may pusa dito, pwede ba yon? Baka naligaw to dito.



"Bakit ka nandito miming, saan ba amo mo?" Tanong ko sa pusa na akala mo ay sasagot eh. I smile as I gently caressed him.




"Good morning, Dizon."



"Ay multo!" Napapitlag ako sa gulat nang may biglang bumati sakin sa likuran ko, nilingon ko naman iyon at agad nanigas ang buong katawan ko.



Stacey...



Natawa siya sa nasabi ko and she was smirking, putangina anong ginagawa niya dito? Ang aga pa naman ah. Lord ano nanaman to huhu. Naka sandal siya sa gilid ng pinto and she was busy looking at her expensive nails. Hindi na mapakali ang puso ko dahil ang bilis na ng tibok nito, kinakabahan ako nang sobra.



"G-Good morning po m-miss S-Stacey." Utal na pag bati ko pabalik sakanya, Fuck! Bakit kaba nauutal Jho, dapat matapang tayo dito. Wag mong ipahalata na takot ka gago. Wait, bakit niya ako kilala?


"Do you know what I hate the most?" Biglang tanong niya, hindi niya parin ako tinitignan.



"Hindi ko po alam." Parang gago ko naman sagot sakanya and this time tumingin na siya sa akin, her aura turns dark again while staring at me. Lagot ka na niyan Jho.



"You are really brave, Dizon." Mahina siyang natawa pero sapat na iyon para marinig ko. Holy god, her laugh is like a music to my ears. Hoy utak tumahimik ka, panira ka naman. Hawak hawak ko pa din ang pusa na ngayon ay mahimbing na natutulog. Binaba ko na muna ng dahan dahan yung pusa sa lamesa.



"I hate people like you, malandi. Now that you've caught my attention, I guess you will be my new toy this whole fucking year, tignan natin kung saan aabot 'yang tapang mo. I can't wait to play you, Dizon." May kinuha siya sa bulsa niya and she immediately showed it to me. Fuck It's a key! Don't tell me... fuck!. I saw her smirking at hinawakan niya ang doorknob. Fuck no! Agad naman akong napatakbo ngunit nadulas ako causing me to fall onto the ground, Fuck! May kung anong liquid sa sahig, wala to kanina shit.



"Oopss, you should be careful Dizon." Tumawa siya at pa iling iling na tinignan akong nakadapa. "Good morning again Dizon, have a wonderful day." She winked at me and she finally closed the door. Tumayo ako at tumakbo papalapit sa pintoan, Fuck! Ayaw mabuksan. Pilit kung binubuksan ang pinto ngunit ayaw.



"Stacey, please open the door!" Malakas kong sigaw habang hinahampas ang pinto. "Buksan mo 'to putangina!" Maluhang sigaw ko, fuck please buksan niyo 'to, please. "Tulong! Please buksan niyo 'to, may tao sa loob, please!" Sigaw ko ulit habang patuloy na pinipihit ang doorknob at hinahampas ang pinto. I'm going to be late now fuck! Tinignan ko naman ang suot kong uniform, putangina ang dumi na ng uniform ko.



Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang phone ko. I texted Maloi and Sheena sa gc namin ngunit ayaw ma deliver ng message ko, putangina. I tried calling them pero out of coverage. For fuck sake wala bang signal dito? Putangina naman oh. 6:47 na, 7:20 magsisimula na ang klase namin. Hindi nag tagal ay tumulo na ang mga luha sa mga mata ko. This can't be happening, fuck!



Hindi ako sumoko at patuloy na sumisigaw ng tulong. "Tulong please, may tao dito sa loob! Buksan niyo to please!" Sigaw ko habang umiiyak. Ang weak ko naman haha umiiyak na ako dito na parang ewan. Fuck you Stacey Aubrey Gonzales! Pag ako maka labas dito sasabunutan kita putangina mo! "Please, kung may tao diyan pag buksan niyo ako!"



7:06 am



Fuck malapit na mag simula ang klase. Napapikit ako habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Wala ba talagang tao sa labas? Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito. Lord please, bakit naman ganito. Lumapit ako sa mesa at umupo sa may upuan katabi nito habang  patuloy parin na tumutulo ang mga luha ko.


"Gusto ko lang naman mag aral." I whispered between my sobs.






LJMK

Fall For You Where stories live. Discover now