Chapter 3

68 4 0
                                    


Lumabas ako sa cubicle at wala na si Stacey. Naka hinga naman ako ng maluwag dahil kanina pa talaga ako kinakabahan hindi ko alam kung bakit. Nag hugas lang ako ng kamay ko at dali daling bumalik sa classroom namin.



Natapos na ang klase namin at nag decide kaming magkakaibigan na mag ice cream date kami dahil survive namin ang first day of school.



"Ilagay na muna natin ang mga ibang gamit natin sa locker." Sheena told us at pumunta muna kami sa mga lockers.



Habang naglalakad kami papuntang locker area ay may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko naman kung sino ang tumatawag at nakita ko si Harvey, kumaway siya sa akin at may daladala siyang iced coffee sa isa niyang kamay. Lumapit siya sa akin at nginitian ako.



"Pasensya na, hindi sapat ang pera ko para malibre kita ng mga mamahalin na pagkain o kung ano bayan." I seriously told him and he just smiled at me.



"It's okay, labhan mo nalang to." He smiled at me again and handed me his polo uniform na nataponan ng kape kanina. "And this is yours." Binigay niya sa akin ang dala niyang iced coffee. Hindi ko sana tatanggapin ngunit pinilit ako nila Shee at Maloi na kunin kaya kinuha ko at nag pasalamat sa kanya.



"Where are you girls heading? Hindi paba kayo uuwi?" Tanong niya sa amin.



"Ilalagay lang namin yung ibang gamit namin sa locker at pupunta kami sa ice cream shop pagkatapos." Sagot naman ni Shee na ikinangiti ni Harvey.



"Oh I love ice cream, can I go with the three of you?" Tumango naman kaagad ang dalawang gaga kong kaibigan na ikinangiti lalo ni Harvey, tumingin naman siya sa akin habang naka ngiti. "Libre mo ako ng ice cream miss." He winked at me, Gago ampota akala ko ba labhan ko nalang uniform niya, may pa wink pa siyang nalalaman.



"Sure, walang problema ice cream lang naman hindi naman masakit sa bulsa." Hindi na ako nag reklamo pa baka kung anong sabihin nitong lalaking to sa isipan niya, ice cream lang din naman yung ipapa libre. Libre ko siya ng ice cream na tig 20 pesos sa kalye, joke sa damit at sapatos pa lang halatang mamahalin na yung ice cream pa kaya? baka sumakit yung tiyan pag pinakain ko ng ganoong ice cream. Pero masarap naman yun eh, ang arte naman niya kung sumakit yung tiyan niya.



"Great! So let's go to your lockers? After that punta tayo sa parking area, my car is there and after natin mag ice cream, ihahatid ko na kayo sa mga bahay niyo to make sure na safe kayong lahat." He assured and smiled at us, tumango nalang kami at ngumiti pabalik sakanya. Hindi na kami nag salita pa at nag lakad na papunta sa locker area.



Habang nag lalakad kami papalapit sa lockers namin ay may mga studyante na tumatakbo at bumababa sa hagdan papuntang 2nd floor na tila ba may gusto silang puntahan doon , nag tataka nadin kaming tatlo kung bakit sila tumatakbo papunta sa baba pero si Harvey chill lang at ngumingiti pa sa ibang students. Ganito ba talaga 'tong lalaking to? May sira ata to sa utak eh, palagi nalang naka ngiti. Saan kaya to pinag lihi sa nanay niya, mabait naman siya and he's friendly din.



"Aray!" Napa sigaw ako ng unti dahil may bumonggo sa akin at literal na nilagpasan lang ako, hindi man lang nag sorry gago. Bakit ba kasi tumatakbo ang mga tao dito arghh nakaka-inis. Lumuhod ako at kukunin ko na sana ang mga gamit ko na nalaglag ngunit may mga kamay na kumuha sa mga gamit ko, nahawakan ko ang mga kamay niya at tumingin naman ako kung sino yon. It was Harvey... I was stunned for a second dahil ang lapit ng mukha naming dalawa and I can even smell his perfume. We were staring at each other's eyes, bumaba ang mga tingin ko sa ilong niya, he has a pointed nose and his lips... his lips is so kis—



"Aubrey!" Someone shouted, ang lakas nung sigaw niya at doon lang ako natauhan. Dali-dali ko naman inalis ang mga kamay ni Harvey sa mga gamit ko at pinulot 'yon. Nang makatayo ako ay nanigas ang buong katawan ko dahil sa babaeng nasa harap ko ngayon.



It was Stacey, she is crossing her arms while staring at me with those intimidating eyes and her aura is so dark, she looks mad, really really mad. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, shit! Harvey is her ex boyfriend pala na obsessed daw siya. Dapat pala hindi ako makipag close sa lalaking 'to kasi ayoko ng gulo! Pero kusang lumalapit naman tong gago na 'to sakin eh huhu Lord grabi namang pag subok to, first day na first day eh.



"This is a fucking hallway and this is not for you to stare and flirt with each other." Diin na pag kasabi niya at halata sa boses niya ang galit, tinaasan pa niya ako ng isang kilay niya. Napaka maldita nitong babaeng to eh ang liit naman, mga nasa 5'6 lang siguro yung height niya eh samantalang 5'7 ako. Oo, matangkad ako kasi matangkad din sina mama at papa at ang lahi namin. Dumating naman ang dalawang kaibigan niya na si Mikha at Gwen.



"Aubrey let's go, Colet is going to perform in a few minutes." Sabi nung Gwen sakanya ngunit nanatili parin siyang naka tingin sa akin. Ah, kaya pala tatlo lang sila ngayon, wala pala yung dancer.



"I was about to go there but these two are blocking my way, they were flirting with each other like what the hell?" Sabi niya sa kaibigan niya. Ang sama ng tingin nung Mikha sa akin pati narin sa mga kaibigan ko.


"I was just helping her." Harvey coldly said, he didn't even bother to look at her. "Let's go, ilagay niyo na ang mga gamit niyo para maka-alis na tayo." Tinapik niya ang mga balikat naming tatlo, ngumiti lang kami sakanya at maglalakad na sana kami nang mag salita ulit si Stacey.



"Helping her?" Pag ulit niya sa sinabi ni Harvey at tumigil naman kami sa paglalakad. "Are you really helping her? You are about to kiss her Harvey gosh! and you're gonna kiss her in this hallway? Gosh Harvey wala na talagang pinipiling lugar 'yang kalandian mo!" Pasigaw na sabi niya at nag simula nang mag bulongan ang mga studyante sa paligid namin. Nabigla naman ako sa mga sinabi niya gago, grabe naman siya makapag salita. Arghhhh I couldn't take this anymore, mali siya ng akala so i need to speak up, Lord ikaw na bahala sakin.



"Sorry pero mali ka nang akala miss, he was just helping me with my things kasi nalaglag 'yon, I was just shocked kaya hindi agad ako naka iwas ng tingin, wag ka sanang gumawa ng kwento-kwento at baka kung anong isipin ng iba." Seryoso kong sabi sakanya, gosh Jho not cool nag fe-feeling main character ka nanaman shet!. I heard everyone's gasp, agad naman nag bago ang expression niya, mas lalo na siyang galit ngayon, Lord tulungan mo naman ako huhu. Umirap sakin si Stacey and she was about to say something ngunit biglang nag salita si Gwen.



"Aubrey let's just go please, Colet's performance is starting." Hindi na nakapag salita si Stacey dahil hinatak na siya ni Gwen paalis. Nang makababa sila ay doon naman ako naka hinga ng maluwag.



"Grabe ka Jho, nagawa mo talagang sabihin yon sa isang STACEY GONZALES?" Sinapak naman ako ni Malii sa balikat ko.



"Lakas naman ng fighting spirit mo, nako pag ikaw talaga binully at pina alis nun bahala kana sa buhay mo Jho hinding hindi kita ipag tatanggol!" Umirap naman sakin si Sheena at kinurot ko ako sa gilid.



"Aray naman Shee! hindi mo naba ako mahal? ginawa ko lang naman yun kasi baka kung anong isipin niya at nila eh." Paliwanag ko naman.



"Nasaan pala si Harvey?" Tanong ni Maloi at agad ko naman nilingon ang paligid, bakit naman nawala yung gagong yun.



"Nasa likod siya natin kanina eh, bigla nalang nag laho." Sagot naman ni Shee.



"Hayaan niyo na, ilagay na natin to at tsaka umuwi na tayo. Gusto kona mag pahinga at may ga—" I didn't finished my sentence because someone cuts me off.



"Bakit mo ginawa yon? Dapat nanahimik ka nalang Jho!" Agad naman namin nilingon kung sino 'yon, it was North at halata sa boses niya ang inis.



"B-bakit?" Parang gago kong tanong sakanya e alam ko naman talaga kung anong ibig sabihin sa sinabi niya.



"Dahil sa ginawa mo, sigurado ako na ikaw ang magiging target niya this whole fucking year."



LJMK

Fall For You Where stories live. Discover now