Chapter 19: Continue Writing

1 1 0
                                    

Nag-inat-inat si Dylan matapos niyang magawa ang kaniyang assignments sa isang subject nila.

"Salamat natapos rin. Bibili na talaga ako ng bagong calculator. Parang hindi na napipindot ang ilang keys nito," aniya habang pinagmamasdan ang calculator niya.

Inayos na niya ang kaniyang gamit para bukas sa pagpasok niya. Nang ma-arrange na rin niya ang mga nasa may desk niya, kinuha niya ang notebook na palagi niyang sinusulatan tungkol kay Macy.

Napahinga siya ng malalim habang pinagmamasdan ang notebook. At saka niya ito binuklat ang mga pahina. Kumuha siya ng ballpen at saka inisip ang mga nangyari sa araw na ito na nakita niya si Macy.

Habang nag-iisip at nakatitig sa blankong pahina ay napangiti siya.

"Parang medyo gumaan na pakiramdam ko ngayon ah. Haay. Talagang kinareer ko na talaga itong kakasulat sa notebook na ito. In fairness din kasi, parang naging pahinga ko na rin ito tapos nailalabas ko pa mga unsaid thoughts. Luh. Pahingaaa?" natawa siya sa kaniyang sariling sinabi.

Ngunit mayamaya ay narinig niya bigla ang pagbukas ng pinto ng kaniyang silid. Agad niyang itiniklop ang notebook at pinatungan ng libro niya.

"Aish. Kumatok ka nga muna kung papasok ka, Dave," aniya nang lingonin na niya kung sino ang nagbukas ng pinto.

Nakatayo ang kaniyang kapatid sa pintuan at nakatitig sandali kay Dylan.

"Napano ka na, kuya? Tumatawa ka mag-isa riyan."

"Luh. So, ano ang iniisip mo ngayon? Nababaliw na ako?"

Tumango si Dave.

"Grabe ka naman. P-pwede bang nagpra-practice lang."

"Practice? Ng ano?"

"N-nang... ng play. Para sa play namin na gagawin bukas," palusot ni Dylan.

"Eh? May paganyan pa rin sa college?"

"Oo naman! Akala mo wala na sa college yung mga play, duladulaan, mga ganun? Ha! Diyan ka nagkakamali. Ay, ano nga pala pinunta mo rito?"

"Heto charger mo. Ibabalik ko lang sayo," sagot ni Dave sabay abot sa kaniya ng sinasabing charger.

"Ay jusmeyo. Nasa iyo pala ito? Kanina ko pa ito hinahanap dito sa kwarto ko hanggang sa sumuko na lang ako."

"Eh sorry. Hindi ka kasi nagtanong."

"Luh. Ikaw nga walang paalam."

Walang naisagot ang kapatid at napakamot na lang ito sa ulo.

"Yun lang sadya mo? Oh siya. Alis na. Pra-practice pa ako sa script ko. Ayokong magmukhang ewan sa klase bukas."

Tumango at naglakad na ito palabas ng silid.

"Wala man lang thank you?" tanong ni Dylan.

Huminto sa tapat ng pintuan si Dave. "Hihiram pa ako bukas eh. Saka na lang kapag makabili na ako ng bagong charger."

Saka nag-wave na ito para tuluyang umalis.

"Dave!" tawag ni Dylan nang makaalis na ang kapatid. "Isara mo pinto."

Mayamaya ay bumalik naman si Dave at isinara ng tuluyan ang pinto.

Naging tahimik na si Dylan nang simulan na niya ang kaniyang pagsusulat. Baka mamaya ay bigla na naman sumulpot kapatid niya.

***

Marahang pabalik-balik ng lakad si Dylan sa lobby ng kanilang building sa ground floor habang isinasaulo ang ilang mga lessons nila. Naghahanda siya para sa quiz sa susunod na subject nila. May nakakasalubong at nakikita naman siyang ilang estudyante sa lobby pero wala lang naman sa kaniya iyon dahil mas focus siya sa kaniyang paghahanda.

Habang abala siya, nakita niya si Macy na naglalakad sa kabilang dulo ng lobby. Marahan siyang napahinto sa paglalakad at sa kaniyang pagsasaulo. Wala sa sariling napangiti siya. Mas lumawak pa ang ngiti niya nang mapalingon ang dalaga sa kaniya.

Agad niyang ibinaba ang kaniyang hawak na notebook at kumaway sa dalaga.

Sa pagkakataong ito ay marahan itong ngumiti sa kaniya.

Tila kinilig naman si Dylan.

Ngunit agad na dumeritso ang dalaga sa malapit na hagdan papuntang second floor. Mukhang may klase ito ngayong oras.

Saktong nawala na sa kaniyang paningin ang dalaga nang sumulpot mula sa hagdan ang isang professor. Si Ma'am Vilma. Kagagaling lang sa second floor.

Halos isang kisapmata lang ay nawala ang ngiti ni Dylan. Agad din siyang umiwas ng tingin at tumalikod.

'Hays. Di ko talaga gusto itong professor na ito. Pinagalitan pa si Macy—I mean terror talaga siya. Moody pero mas maraming araw na galit siya. Hmp,' komento niya sa kaniyangg isipan.

Huminga siya ng malalim at saka ibinalik ang atensiyon sa kaniyang notebook para ipagpatuloy ang ginagawa kanina.

Napangiti siya saglit nang maalala niya si Macy na ngumiti sa kaniya ngayon-ngayon lang.

Natutuwa si Dylan na kahit papaano ay hindi na kagaya noon na halos hindi siya pinapansin ng dalaga. Mas ngumingiti na ito sa kaniya sa tuwing nagkikita sila.

*****

Charming HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon