Chapter 7: Friend Request

2 0 0
                                    

Kinagabihan, habang naghihintay na umuwi ang ama niya, nag-scroll na lang muna si Dylan sa kaniyang Facebook. Kasalukuyan siyang nasa kanilang sala.

Mayamaya ay naalala niya ang dalaga na bagong lipat.

"Macy," mahina niyang sambit. "Ay sayang hindi ko alam apelyido niya."

Sandali siyang natigilan. "Pwede ko namang i-search dito ngayon sa Facebook. Ma-try lang. Malay natin mahanap ko."

Nagpatango-tango pa siya sa sariling naisip at saka mabilis na nag-search sa Facebook. Tinype niya sa search bar ang pangalang 'Macy'.

Maraming lumabas na accounts na may pangalang Macy. Ini-scroll iyon ni Dylan at tinitingnan ang mga profile picture kung tama na ba.

Nakakailang accounts na ang nakita niya nang mapabuntonghinga siya.

'Baka iba ang pangalan niya sa Facebook,' isip niya habang patuloy lang sa pagi-scroll sa search results.

Napanguso na lang siya habang patuloy pa rin sa ginagawa. Babaka sakali lang na madaanan niya ang account ng dalaga.

Muli siyang nag-type sa search bar. Sa pagkakataong ito ay nilagay niya ang pangalan ni Macy at katabi nito ang pangalan ng city nila. Nang i-click niya ang search, panibagong search results ang lumabas. Marami pa rin ang nagngangalang Macy pero nakikita niya na nakasaad sa mga profile ng karamihan na nakatira ang mga ito around sa city nila.

Napaayos ng upo sa sofa si Dylan at muling tiningnan ang mga profile. Napapabuntonghinga siya minsan kapag akala niya tama na pero nang tingnan ng maigi ang profile picture ay hindi. Nahihirapan pa siya minsan dahil ang ilang profile picture are cartoon o anime character. Kaya minsan pati ang mga posts and reposts ay tinitingnan niya kung sa tingin ba niya ay ito nga o hindi.

Susuko na sana siya nang may isang account na nagngangalang Macy Miranda ang nakita niya. Halos maningkit na ang mga mata ni Dylan para ma-recognize ang profile picture. Picture ito ng isang babae na naka-selfie habang malapit sa mukha niya ang isang papel na tila certificate.

Pinindot ni Dylan ang account para mas makita pa ito. Sunod na pinindot ang pag-view sa profile picture.

Napatakip ng bibig si Dylan at napangiti nang makompirma na ito nga ang Macy na bagong lipat sa lugar nila.

Zinoom-in niya para makita ang nakasulat sa certificate.

"Dean's lister last year sa paaralan niya? Wow," komento niya nang mabasa ang nasa picture.

Tiningnan niya ang date kung kailan nai-post ang picture. Few months ago. Mukhang active niya itong ginagamit pa ngayon.

Tiningnan niya ang kabuuan ng profile picture ulit.

Pigil siya sa kaniyang nararamdamang saya habang pinagmamasdan ang larawan.

"Yes, yes, yes. Ikaw nga ito," mahina niyang sabi habang panay ang ngiti.

Sunod niyang tiningnan ang mga pictures. Kaso medyo na-disappoint siya na halos wala nang ibang laman ang albums nito. Mayroon naman ibang picture sa profile album nito kaso mga anime characters naman ito na mukhang ginamit lang noong bagong gawa ang account. Halos yun lang ang picture niya sa sarili.

Pero ayos na. At least alam niya na ito nga ang account ng dalaga.

"Ano yan, kuya? Nangi-stalk ka?"

Halos mapatalon sa pagkabigla si Dylan nang magsalita ang kapatid niya mula sa likuran niya.

"Jusmeyo! Dave."

Nasa likuran nga niya ang kapatid at mukhang nakita lahat ng pinaggagawa niya ngayon-ngayon lang.

"Sino yun? Crush mo?" Sunod na tanong ni Dave at tila hindi man lang naabala sa naging reaksiyon ng kuya niya.

"Ha? Hindi," agad na sagot ni Dylan.

Naningkit ang mga mata ni Dave.

"Weh? Parang babae ang nakita ko. Ini-stalk mo. Hmm... Ma! Si kuya—"

"Aish! Shh!" Agad na nabitawan ni Dylan ang cellphone at tinakpan ang bibig ni Dave.

Nagpumiglas agad si Dave at nakita ang nakabukas na cellphone ni Dylan. Naging alerto naman si Dylan at agad na pinulot ang sariling cellphone. Halong nakipag-unahan naman si Dave.

"Sino yun?" Tanong pa ni Dave.

"Wala."

"Anong wala. Ikaw ha. May crush ka na pala?"

"Sabing hindi nga."

Unti-unting natawa na lang si Dave at saka umupo sa tabi ng kuya niya.

"Ano? Hindi nga."

Tiningnan lang siya ni Dave ng makahulugan.

"Hay naku. Oo na. May tinitingnan nga akong account pero maraming pwedeng dahilan kung bakit gagawin ko yun o ng ibang tao."

"Kagaya ng?"

"Kagaya ng... kung may gusto akong itanong sa tao kaso hindi ko alam ang Facebook account nila. Oo. Tama ganun nga. Kailangan kong i-confirm nga muna kung sa kanya ba talaga yung nakita kong account," patuloy na pagdepensa ni Dylan na parang masama ang ginagawa kanina.

Naningkit lang ulit ang mga mata ni Dave kay Dylan.

"Aish. Bahala ka na nga," nasabi na lang ni Dylan at saka ibinulsa ang cellphone para hindi na makita ni Dave.

"Ano yang ingay niyo ha?" Rinig nilang tanong ng ina nila mula sa kusina.

"Wala, ma. Itong si Dave makulit lang," sagot ni Dylan habang nakatingin kay Dave.

Narinig nilang mahinang natawa ang ina nila sandali. "Hay naku. Patulong na lang dito sa kusina, nak."

"Sige po."

Saka agad na tumayo si Dylan. Bago pa siya umalis ay ginulo muna niya ang buhok ng kapatid.

***

Nang nasa sariling kuwarto na si Dylan at handa na para matulog, muli niyang tiningnan ang kaniyang cellphone. Pagka-open niya ay bumungad ulit sa kaniya ang naiwan niyang pangi-stalk kay Macy kanina.

Napangiti ulit siya. Nag-scroll pa siya ng kaunti sa account nito. Wala masyadong post or reposts. Mostly mga tagged posts lang. Pero mga medyo recents ang tagged posts na ito. Mga kaibigan at classmates nito siguro ang mga nagta-tag sa kaniya.

Nag-scroll up siya ulit at pinindot agad ang "friend request".

Napatitig siya ulit sa profile picture nito. Tipid lang din itong nakangiti sa picture.

Napangiti lang si Dylan.

***

Kinabukasan, pumasok siya sa paaralan nila ng maaga para sa naka-schedule na enrollment nilang continuing students na 3rd year. Habang naghihintay sa iba niyang kaklase at magsimulang tumanggap ang enrollee adviser niya ay binuksan niya ang Facebook niya.

Agad na tiningnan niya ang Facebook account ni Macy. Napanguso siya nang makita na hindi pa ina-accept ng dalaga ang friend request niya.

'Baka hindi pa siya nago-open ng Facebook,' napakibit balikat na lang siya sa naisip niya.

Saka siya tumingin sa messenger niya para magtanong kung nasaan na mga kaklase niya na dapat kasabay niya ngayon na magpa-enroll.

*****

Charming HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon