Chapter 20: Appreciate

2 1 0
                                    

"Tapos na quiz niyo?" Tanong ni Roldan kina Dylan at Reynard na kaka-dismiss pa lang ng kanilang klase.

Tumango ang dalawa.

"Hoo. Kami na ang susunod na magq-quiz ngayon. Kinakabahan pa ako. Hindi ko lahat na-review."

"Kaya mo yan. Basta kahit papaano ay nakapag-review ka," ani Reynard na sinang-ayunan naman ni Dylan.

Sandaling napasilip si Roldan sa loob ng room.

"Inaayos pa ni sir ang papers. Mayamaya ay papapasukin na kayo niyan sa loob," ani Dylan.

Tumango si Roldan. Dumungaw lang muna silang tatlo sa may railings sa lobby ng second floor. Sandali nilang pinagmasdan ang ilang estudyante na nakikita nila na nasa baba. Hihintayin lang nila Reynard at Dylan na papasukin na ang section nila Roldan bago umalis.

"Uy. Si Macy yun diba? Yung crush ni Dylan," ani Reynard sabay turo sa baba—sa kung saan may tambayan na halos katapat ng kanilang building.

Sabay-sabay naman na lumingon ang magkakaibigan. Nandoroon nga sa isang bench ang dalaga. Abala ito sa kaniyang ginagawa.

Naramdaman ni Dylan ang tingin sa kaniya ng kaniyang dalawang kaibigan. Nang dahan-dahan siyang napalingon sa dalawa ay nakatingin nga ang mga ito at nakangisi pa.

"Tsk. Anong mga tingin yan?" Tumalikod na lang si Dylan at saka kinuha mula sa bulsa ng kaniyang uniform ang sariling cellphone. Tiningnan na lang niya ang kaniyang schedule. At palihim na napangiti.

"Macy!" biglang sigaw ni Roldan.

Nawala bigla ang ngiti ni Dylan at napalingon sa kaniyang mga kaibigan at sa ibaba. Nakita niyang nahinto sa ginagawa si Macy at marahang napalingon sa kanilang gawi.

"Roldan, anong ginagawa mo?" kabadong tanong niya ngunit hindi siya pinansin ng kaibigan.

"Crush ka ni Dylan!" sunod na sigaw ni Roldan na halos umalingawngaw sa buong paligid.

Parang binagsakan ng malamig na tubig si Dylan at biglang lumakas ang tibok ng kaniyang puso.

"Hala! Huy." Nataranta siya.

Parehong tumawa ang kaniyang kaibigan at nag-apir pa.

Napalingon si Dylan sa paligid nang marinig niya ang ilang kumantyaw. "Yiee."

Naramdaman ni Dylan ang paginit ng kaniyang pisngi. Hindi niya alam ang gagawin kaya napatalikod na lang siya sa gawi ni Macy.

Mayamaya ay umakbay sa kaniya si Roldan.

"Ayan. Ako na gumawa ng 'the moves' para sayo para ngayong araw."

"Aish. Bahala ka nga diyan."

Tinukso pa nila Roldan at Reynard si Dylan na halos hindi na kumibo dahil sa nararamdaman nitong hiya.

Nang papasukin na ang klase nila Roldan sa silid ay saka lang sila ni Reynard na bumaba na. Doon lang medyo nakahinga si Dylan.

"Ayos lang yan. Totoong crush mo naman siya diba?" ani Reynard habang naglalakad sila palabas ng building.

"Aish. Nakakahiya kaya. Parang hindi naman kayo kaibigan eh," maktol ni Dylan.

Natawa si Reynard. "Hindi muna kita masasamahan ngayon ha. May pupuntahan lang ako."

"Tss. Kayo nga hindi ko brinoadcast mga crush niyo noon. Hanggang sa naging girlfriend na ni Roldan ang highschool crush niya. Tapos ikaw nililigawan mo na rin yung sayo. Ang daya niyo."

Umakbay si Reynard kay Dylan. "Sorry na. Gusto lang namin ni Roldan na mapalapit ka agad kay Macy. Baka mamaya maunahan ka pa eh. Single naman siya diba?"

Charming HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon