Chapter 23: Opportunity

2 1 0
                                    

"Nagawa ko na yung dalawang title nai-pro-propose natin. Paki-double check na lang Dylan," sabi ni Reynard.

"Natapos ko na rin yung isa. Pagkatapos, ako na bahala sa powerpoint natin," sabi naman ni Roldan.

Tumango si Dylan. "Nice. Sige mamayang gabi ko titingnan. I-grab na rin natin opportunity na may malaki pa tayong time para makapag-prepare tayo sa pagsasalita sa harap ng panelists."

Naginat-inat si Roldan. "Haay. Tama. Buti na lang talaga advance ka, Dylan. At least hindi tayo masyadong bugbog sarado sa kakaisip ngayon."

"Syempre naman. Lowkey lang na nangunguna sa buong batch natin itong si Dylan," proud na saad ni Reynard na sinang-ayunan ni Roldan.

"Tss. Hindi naman. Sakto lang na nakakapasa," tanggi ni Dylan.

"Sus. Pa-humble ka pa eh. Pero sa mga exams nangunguna."—Reynard.

"Alam mo, naalala ko talaga itong si Dylan nung highscool na tinanong ko siya kung kumusta exam. Sagot niya, hindi siya nakapag-study at marami siyang hindi nasagutan. Pero nang maglabas ng result, palong-palo nasa top."—Roldan.

"Kaya hindi na niya tayo maloloko ngayon."—Reynard.

Napailing na lang si Dylan. "Alam niyo, pare-pareho tayong tapos na ang klase ngayong araw. Umuwi na tayo," pag-iiba na lang niya ng usapan.

"Ay teka. Daan muna tayo sa IT building."—Roldan.

"IT building? Yung department ng Information Technology? Bakit? Anong meron?" sunod-sunod na tanong ni Reynard.

"Magkakaroon kasi ng IT Days sa kanila next week. 3days. May mga activities and booths sila doon. Gusto ko tingnan kung ano-anong mga prene-prepare nila. Ayain ko girlfriend ko dun kapag may vacant time siya."—Roldan.

"Yiee. Nice nice. Pwede nga. Sige tara."—Reynard.

"Dalhin mo na rin yang matagal mo nang nililigawan doon. Baka sagutin ka na."—Roldan.

"Eh ikaw naman, Dylan? Ayain mo si Macy dun. Baka maging kayo."—Reynard.

Napatawa ang dalawa nang umiwas ng tingin si Dylan.

"Hala! Oo nga no? What if umamin ka kay Macy na cru—-" hindi na natapos ni Roldan ang sasabihin nang agad na nagsalita si Dylan.

"Hep! Hep! Tama na. Quota na kayong dalawa. Napilit na ninyo na umamin ako sa inyo tungkol sa kaniya. Hayaan niyo na ako. Patahimikin niyo muna ako ha."

Natawa ang dalawa niyang kaibigan.

"Oo na. Masaya lang kami na sa wakas hindi ka puro aral."—Roldan.

"So, tara sa IT building?"—Reynard.

Sama-sama na silang pumunta sa nasabing building. May iilan ring estudyante na mula sa iba't ibang department ang nandito para tumingin kung ano-ano ang mga activities sa paparating na IT Days.

Sa isang board, nandoroon nakapaskil lahat ng mga activities na inihahanda. Maliban sa iba't ibang booths, may mga competition din sila. Lahat ng ito ay open para sa lahat ng gustong sumali kahit mula sa ibang department pa.

"Roldan, marriage booth oh. Kayo ng GF mo," rinig ni Dylan na sabi ni Reynard.

"Ay oo nga. Pero what if... sila Macy at Dylan," bahagyang hininaan ni Roldan ang boses niya pero narinig pa rin iyon ni Dylan.

Tumikhim siya. "Wag niyong subukan."

"Alam mo kasi Dylan—"

"Alam mo kasi Roldan, mahiyain siya. Tsaka ang tagal muna bago ko siya naa-approach kagaya ng ngayon. Baka kapag ginawa niyo yang nababalakan ninyo na booth ay hindi na siya maging komportable sa akin at umiwas."

Charming HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon