Si Atty Margareth o kilala bilang Atty Marga ay kababata at matalik na kaibigan ni Janice para ng magkapatid ang kanilang turingan, kaya sobrang sakit ang naramdaman nya nung mawala si Janice.May mga pinagbago din sya kagaya ng napapadalas na ang pag iinom nya, nagiging madalas ang pag iyak nya, di nyang maiwasan na maging malungkot kung minsan ay di na din sya makapag focus sa trabaho nya
Bago mawala si Janice ay kilala si Atty Marga na palangiti, mahilig makihalubilo sa tao at napaka confident sa trabaho na kahit anong klaseng kaso ay kinukuha nya, kaya kilala na din sya bilang magaling, matapang na Atty
Pero dahil nga sa nangyari sa kanyang kaibigan ay madalas na yung pagiging malungkot nya, gusto na lang nyang mapag isa, madalas syang mag overthink at nahihirapan na sya sa trabaho nya dahil sa sakit ng nararamdaman
Pero dahil nga pinalaki sya ng magulang nya na maging matatag ay nilalabanan naman nya yung kalungkutan at sakit ng nararamdaman nya. Pero minsan natatalo sya nito.
"Marga, Marga" Tawag sa kanya ni Charles na isa din nyang kaibigan, silang tatlo nila Janice ay magkakabata at matatalik na magka-kaibigan
"Marga, Marga, nasan ka ba" Sunod sunod pang tawag ni Charles habang nililibot ang bahay ng Atty na medyo may kadiliman dahil hindi ito sanay na sobrang liwanag ang bahay nya; at wala ding masyadong mga palamuti ang loob
sinubukan naman nyang tawagan ang cellphone ng Atty at naglibot libot pa sa bahay, sobrang tahimik din ang loob nito kaya nakarinig agad sya ng mahinang ringtone ng phone at sinundan nya kung saan nang-gagaling ang tunog hanggang sa makarating sya sa shower room agad naman nyang tinawag ang Atty pero hindi na sagot at hindi din binubuksan ang pinto
"Marga! Marga!" Sunod sunod naman nyang katok sa pinto hanggang sa nag alala na ito, dahil minsan na ding nagtangka ang Atty sa kanyang buhay.
Nilakasan pa din nya ang pagkatok "Marga! Please..! Marga" Sabay katok pa nya ng malakas pero hindi pa din sya pinagbuksan ng pinto, dahil sa malalakas na pagkatok ni Charles ay namula na ang kanyang mga kamay, at nag decide na din sya na sirain ang pinto.
"No.please, open it... Marga no!" Natataranta nyang sinasabi sa sarili habang sinisira ang pinto, pagbukas nya ng pinto ay dali dali agad syang pumasok at nakita nya ang ilang bote ng alak na nagkalat sa sahig
"Marga!!" Agad nyang tawag ng makita nyang nakalublob na ito sa bathub at walang malay
"Marga, wake up" Agad na ahon nya sa Atty mula sa pagkakalublob sa bathtub
"Ano bang ginagawa mo" Naiiyak na tanong nito sa Atty
Agad nyang binuhat ang Atty at mabilis nyang sinugod sa hospital, pagkadating nya sa hospital ay mabilis silang inasikaso ng mga nurse.
"Hanggang dito nalang po kayo" Agad na pigil sa kanya ng nurse at agad naman syang napahinto ng makita nya ang Doctor na sumalubong sa kanila at yun ay si Dr. Frannie
Agad namang tumingin ng seryoso ang Doctora kay Charles at bahagyang pumatak ang luha ng Doctora pero yung mga luha na yun ay dahil sa galit nung makita nya ang Atty na sinisisi nya kung bakit namatay ang kanyang Girlfriend
"Doctora" Agad na tawag sa kanya ng isa sa mga nurse
Di pa din maalis ng Doctora ang tingin kay Charles
"Doctora, kailangan na po kayo ng pasyente" Nagkorteng kamao ang kanyang mga kamay habang nakipag titigan pa kay Charles, at dahan dahan lang syang naglakad papuntang emergency room tila sinasadya ng takutin si Charles
"Please save her" Agad na sinabi ni Charles pero ang walang pakealam ang cold hearted na Doctora ngumisi lang ito bago pumasok sa E.R at nung susunod naman si Charles ay agad syang pinigilan ng nurse
BINABASA MO ANG
Hate Me Till You Love Me
Short Story𝚂𝚒 𝙳𝚘𝚌𝚝𝚘𝚛 𝙵𝚛𝚊𝚗𝚗𝚒𝚎 𝙻𝚘𝚙𝚎𝚣 𝚊𝚢 𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚋𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐, 𝚙𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐𝚒𝚝𝚒, 𝚖𝚊𝚋𝚊𝚒𝚝, 𝚜𝚘𝚏𝚝𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝𝚎𝚍 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚗𝚊𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚑𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚐𝚕𝚊𝚙 𝚜𝚒𝚖𝚞𝚕𝚊 𝚗𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚖𝚊𝚝𝚊𝚢 �...