Pagpunta ng Doctora sa hospital ay sakto naman na nakita nya yung batang Janice kaya agad naman nya itong sinalubong
"Mam, Doctora" Ngiting bati ni Janice, kaya naman bahagya ding napangiti ang Doctora
"Ubos na agad yung paninda mo?"
"Opo Mam Doctora may bumili po ng lahat ng paninda ko" Masiglang sagot nito
"Ay, eh di wala ng natira para sakin" Pabirong sagot ng Doctora
"Ehh, pasensya na po Mam Doctora" Nahihiya naman nyang sagot
"It's ok"
"Next time po magpapasobra na ako para sa inyo, dahil special po kayo eh" Biglang sumingkit ang mga mata ng Doctora dahil sa kanyang pag-ngiti at dahil sa mga ngiti nya ay napukaw nya ang attention ng ibang staff ng hospital
"Ngumiti si Doctora"
"Sya na ba ulit yan"
"After many years"
"Sino kaya yung bata na yun"
"Totoo ba to?" Tanong ng security guard at nagulat sya ng bigla syang hinampas ng kasamahan nyang security
"ARAY!"
"Eh d nalaman mong totoo" Pabiro nitong sagot
"Ang ganda nyo po palang ngumiti" Nakatulalang sinabi ni Janice dahil na aamaze sya sa kagandahan ng Doctora.
Bahagya namang napansin ng Doctora na may mga iilang tao na nakatingin sa kanya kaya naman unti unti na ulit naging seryoso ang kanyang muka
"Ahmm.. Anyway, hindi ko pa nga pala alam yung pangalan mo"
"Ay oo nga po pala, ako po si Janice" Agad namang natulala sa gulat ang Doctora nung nagpakilala ang bata sa kanya.
Bigla namang tumunog ang phone ng Doctora kaya agad naman nya itong sinagot.
"Hello Anna"
"Hello po Doctora, nandito po si Engr. Marcus, ehh.. Nahihiya naman po ako sa kanya kung papaalisin ko po sya"
"Sige pupunta na ako dyan."
"Mam, Doctora ok ka lang po" Worried na tanong ni Janice dahil medyo nag iba na ang expression ng muka ng Doctora.
"Yeah, I'm ok, by the way i need to go, baka ma late ako sa shift ko"
"Sige po, pero ngiti po muna ulit ako"
"Sige na, umuwi ka na, at magpahinga ka na, and mag iingat ka J-ja... Janice" Agad na ding pumasok ang Doctora at dumeretso sya sa kanyang office
Pagdating naman nya ay agad nyang pinapasok si Engr Marcus sa office..
"For you" Sabay abot nito ng pagkain sa Doctora
"Ahm.. I don't know kung hilig mo ba or nakain ka ba ng ganyang pagkain"
Napansin ng Doctora na isang uri ng kakanin yung binibigay ni Engr Marcus
"Binili ko lang yan dun sa bata na nagtitinda sa labas"
Agad namang pumasok sa isip nya yung batang Janice dahil yun lang naman ang alam nya na nagtitinda ng kakanin, kaya naman kinuha ng Doctora yung pagkain
Bahagya namang nagulat at napangiti ang Engr. nung kinuha ng Doctora ang pagkain
"Huwag mong bigyan ng malisya" Mataray na sinabi nito sa Engr.
"I'm happy lang na tinggap mo" Nakangiti naman nyang sagot
"Anong kailangan mo?"
"Well, uhmm it's hard to talk to you, sinabi sakin ng secretary mo na kailangan ko munang magpa appointment para lang makausap ka"
BINABASA MO ANG
Hate Me Till You Love Me
Short Story𝚂𝚒 𝙳𝚘𝚌𝚝𝚘𝚛 𝙵𝚛𝚊𝚗𝚗𝚒𝚎 𝙻𝚘𝚙𝚎𝚣 𝚊𝚢 𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚋𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐, 𝚙𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐𝚒𝚝𝚒, 𝚖𝚊𝚋𝚊𝚒𝚝, 𝚜𝚘𝚏𝚝𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝𝚎𝚍 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚗𝚊𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚑𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚐𝚕𝚊𝚙 𝚜𝚒𝚖𝚞𝚕𝚊 𝚗𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚖𝚊𝚝𝚊𝚢 �...