Sa tuwing papasok ang Doctora sa hospital ay palagi syang binabati ng mga staff na nakakasalubong nya pero kahit anong response ay walang ginagawa ang Doctora,
Hindi kagaya ng dati na yung Doctora pa ang unang bumabati sa kanila at bubungad ng napagandang ngiti sa kanilang lahat.
Pero kahit ganon hindi pa din sila nawawalan ng pag-asa na babatiin din sila ng Doctora, na babalik sya sa dating Doctora na kilala nila yung masiyahin, palabati, soft hearted na halos lahat ng magandang katangian ay nasa kanya
Iniintindi na lang nila si Doctora dahil sa sakit na nararamdaman nito simula nung mamatay ang kanyang girlfriend
"Good Morning Doctora" Ngiting bati ng isa sa mga security guard pero hindi sya ito pinansin
"Sabi ko naman sayo hindi ka pa din papansinin" Sagot naman ng kasamahan nyang security sa kanya
"Hi Doctora" Energetic na bungad naman ng isang nurse pero dahan dahan din namang nawala ang kanyang mga ngiti sa labi ng seryoso syang tingnan ng Doctora
"Excuse me!" Mataray na sinabi ng Doctora sa nurse dahil nakaharang ito sa kanyang dadaanan
"Sorry Doctora" Sabay alis nito sa harapan at yumuko pa ito sa Doctora habang humihingi ng sorry tila kinabahan ang nurse sa titig nito sa kanya at hindi na lang sya tumingin pa sa Doctora hanggang sa makaalis ito
"Good morning" Pang-gugulat na bati ni Doctor Adrian sa nurse na nakatungo na bumati naman sa Doctora si Dr. Adrian ay kaibigan ng Doctora simula nung nag aaral palang sila sa med school
"Sorry, mukang nagulat kita" Agad naman nyang sinabi sa nurse ng makita nyang napahawak ito sa dibdib dahil sa gulat nito.
"Don't worry kahit ako hindi pa nya binabati ng good morning" Pabiro nyang sagot sa nurse at sabay haplos sa braso para i comfort ito bago sya umalis
Mabilis namang sinundan ni Dr. Adrian ang Doctora.
"Good morning" Agad na bati nya pero hindi sya pinansin.
"Good morning" Sabay kaway nito sa harapan ng muka ng Doctora
"Gooo....d morning..." Pabiro nyang bati sa malagong na boses at nakaramdam na sya ng kaba ng pumikit ang Doctora kasabay ng pagbuntong hininga nito
Pagmulat naman nito ay mataray nyang tiningnan si Dr. Adrian kaya naman bahagya syang napalunok dahil sa kaba
"Ahmmm.. S-sorry" Nauutal nyang sagot dahil sa kaba ilang segundo lang ang lumipas ay may sinusugod na pasyente sa emergency room at mabilis na umalis ang Doctora papunta sa E.R
"Now it make sense kung bakit di good ang morning" Sabay sunod nito
Habang papunta sila sa E.R ay agad na silang inasikaso ng mga nurses para isuot ang uniform at ihanda ang mga kailangan nila sa E.R
Ilang oras ang lumipas ay nakahinga na silang lahat ng maluwag matapos maging stable ang pasyente. Agad ng dumiretso ang Doctora sa kanyang office para magpahinga
Pagpasok nya ng office ay agad na pumukaw ng attention ng Doctora ang flowers at food na nasa ibabaw ng lamesa kahit na nalaman nya kung kanino galing ang mga iyon ay di pa din nagbago ang mood ng Doctora ganun pa din sya, nakakunot at seryoso dahil na din sa pagod
Agad na lumabas ang Doctora dala ang flowers at pagkain pagkalabas naman nya ay saktong may nadaan na nurse sa harapan nya nang magkakatitigan sila ng Doctora ay nagmadaling naglakad ang nurse dahil nakita nya ang muka ng Doctora na wala sa mood
"You!" Seryoso nyang tawag sa nurse at dahan dahan namang napalingon ito sa Doctora na tila kabado na ito
"Ako po?" Malumanay na sagot nito
BINABASA MO ANG
Hate Me Till You Love Me
Historia Corta𝚂𝚒 𝙳𝚘𝚌𝚝𝚘𝚛 𝙵𝚛𝚊𝚗𝚗𝚒𝚎 𝙻𝚘𝚙𝚎𝚣 𝚊𝚢 𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚋𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐, 𝚙𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐𝚒𝚝𝚒, 𝚖𝚊𝚋𝚊𝚒𝚝, 𝚜𝚘𝚏𝚝𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝𝚎𝚍 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚗𝚊𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚑𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚐𝚕𝚊𝚙 𝚜𝚒𝚖𝚞𝚕𝚊 𝚗𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚖𝚊𝚝𝚊𝚢 �...