Nagmamadali si Anna na pumasok sa trabaho dahil alam nya ng late sya, at nararamdaman nya na kung ano yung pwedeng mangyari, dahil ayaw na ayaw ng Doctora na nalelate sya or kahit sino man.
"Bilis, bilis, open" Sunod sunod nyang pindot sa elevator at tila nagpapanic na ito.
Pagkabukas naman ay agad syang pumasok at nagsisimula na syang magdasal at mag isip na kung anong sasabihin nyang paliwanag sa Doctora dahil naiimagine nya na yung magiging reaksyon nito.
Agad syang dumeretso sa canteen ng hospital at bumili sya ng black coffee ng Doctora
"Uy magdahan dahan ka nga, baka mas lalong magalit sayo si Doctora"
Agad namang suway ng staff ng canteen dahil nakita nya si Anna na di mapakali sa pagkuha sa kanya ng kape ng Doctora."Ikaw kasi, bakit ka ba late" Curious na tanong sa kanya
"Ahmm... Ano kasi, sige na dyan ka na." Nagmamadaling alis ni Anna.
Pagpasok nya sa office ng Doctora ay nakita nya itong nakaupo at nakapikit, parang natutulog ang Doctora, dahan dahan naman syang lumapit dito at bahagya naman syang nagising dahil sa amoy ng kape
Pagbukas nang mata ng Doctora ay nanlisik na agad syang tumingin sa kanyang secretary.
"Doc, pasensya na po kung late ako, hindi po pala ako nakapag alarm" Natataranta na sinabi ng secretary
Seryoso na lamang nakatingin ang Doctora sa kanya at bahagya syang napakapit sa kanyang sintido dahil nakakaramdam ng sakit ng ulo dahil sa hangover
"Doc ok lang po kayo" Bahagya naman syang nagsenyas ng kamay na wag lumapit ang kanyang secretary
"Leave" Plain na sagot ng Doctora
Pero bahagya pa ding lumapit ang kanyang secretary para tingnan sya
"I said leave" Inis na sinabi nito
Kung ang secretary ng Doctora ay kabado na pumasok sa trabaho dahil sya ay late. Sa kabilang banda naman nahihiya namn ang secretary ng Atty sa kanya dahil late ito.
"Atty pasensya na late po ako" Nahihiyang sagot nito
"It's ok, this is your first time naman, bat ka ba na late?"
"Hindi po kasi ako nakapag alarm"
Ngumiti na lamang ang Atty
"Hayaan mo na, basta wag magiging madalas to"
"Opo, Atty pasensya na po talaga" Nahihiya pa ding sagot nito, ilang segundo lang ang lumipas ay may biglang kumatok sa pinto
"Ay naku! Atty nalimutan ko palang banggitin sa inyo" Hindi mapakaling sinabi nya sa Atty
"May nalimutan po akong gawan ng appointment,mukang sila na po ata yun" Medyo napakunot ang Atty
"Wala na tayong magagawa, papasukin mo nalang sila, nakakahiya naman"
"Sorry po Atty" Sabay bukas naman nya ng pinto
"Good morning Atty Margareth"
"Mr Lopez" Nagtataka namang sagot ng Atty
"Good morning Atty" Kasunod namang bati ni Misis Lopez
Nahihiya na lamang ngumiti ang secretary sa Atty while she doing a peace sign
Let's back to the hospital, while the Doctor is very sleepy dahil sa hangover.
Mas mabilis syang makaramdam ng inis kaya naman ang kanyang secretary minsan ay di na din magkanda ugaga sa pinapagawa ng Doctora sa kanya
BINABASA MO ANG
Hate Me Till You Love Me
Historia Corta𝚂𝚒 𝙳𝚘𝚌𝚝𝚘𝚛 𝙵𝚛𝚊𝚗𝚗𝚒𝚎 𝙻𝚘𝚙𝚎𝚣 𝚊𝚢 𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚋𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐, 𝚙𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐𝚒𝚝𝚒, 𝚖𝚊𝚋𝚊𝚒𝚝, 𝚜𝚘𝚏𝚝𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝𝚎𝚍 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚗𝚊𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚕𝚊𝚑𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚐𝚕𝚊𝚙 𝚜𝚒𝚖𝚞𝚕𝚊 𝚗𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚖𝚊𝚝𝚊𝚢 �...