All of them are hating me!

84 4 0
                                    

Pagkauwi naman ng Atty sa kanyang bahay ay di pa din nya napigilan ang kanyang sarili na uminom ng alak, habang naisipan naman nyang maligo sa swimming pool para mag relax.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating naman si Charles at bigla naman syang nag panic ng makita nya ang bote ng alak na malapit sa swimming pool at nakita nyang nakalublob ang Atty

"Marga! Marga!" Panic nyang tawag sa Atty ilang segundo lang ang lumipas ay umahon ang Atty mula sa pagkakalublob

"Marga" Kasabay ng paghinga nya ng maluwag ng makita ng umahon ang Atty

"Did I scared you?" Natatawa nyang tanong

"Nagawa mo pang mag-biro, i thought gagawin mo ulit yun" Ngumiti lang ang Atty sa kanya at bahagya naman syang napatitig sa mala angel na muka nito,

"Anyway anong ginagawa mo dito?"

"Nabalitaan ko kasi yung nangyari kanina"

"Sinabi nya sayo?"

"No, but your secretary told me"

"Well she will, Si Ynah talaga kahit kailan pasaway"

di din naman nagtagal ay umahon na ang Atty at di napigilan ni Charles na tumingin sa makikinis at mapuputing balat nito at mala hour glass na katawan ng Atty

Habang nakatingin si Charles ay may kung anong espiya ang nagpicture sa kanilang dalawa.

"Suotin mo na to, gabing gabi na yang paliligo mo, baka magka pnuemonia ka pa" Sabay hagis  nya sa Atty ng bathrobe

"Ano bang nangyari? At ganun na lamang ang galit nya sakin" Curious na tanong ng Atty

"Masyado na syang oa, hindi ko na gusto yung pagseselos nya, nakakasakal na sya" Kunot noo nyang sagot sa Atty

"Sakin sya nagseselos"

"I don't know why, maybe masyado na syang nag overthink"

"I think Hindi masyado, literal na syang overthinker" Pabiro na sagot ng Atty

"Mas mabuti pa wag nalang natin syang pag-usapan"

"That's the good idea at mas mabuti pa sabayan mo nalang akong uminom" Sabay abot ng Atty ng bote ng alak kay Charles

Nagtanggal naman ng sapatos si Charles at umupo sa sahig sabay lublob nya ng paa nya sa swimming pool at ganun din ang ginawa ng Atty

Ilang minuto pa lang ang lumilipas sa kanilang pag uusap ay may bigla silang di inaasahan na bisita

"Sinasabi ko na ba, may ginagawa talaga kayong dalawa" Galit na sugod ng ex girlfriend ni Charles na si Karen na sya ding sumugod kanina sa Atty

Agad namang napatayo si Charles para awatin ang kanyang galit na galit na ex girlfriend

"Karen please stop, kung ano man yang iniisip mo ay nagkakamali ka!" Galit na sinabi ni Charles sa kanyang ex girlfriend

"Pano ako di mag iisip na kung ano, eh palagi nalang kayo magkasama nyang Atty na yan, tapos ano to ha, ayan tingnan mo" Sabay hagis ng picture na ang nakalagay sa litrato ay kung paano tingnan ni Charles ang Atty.

"Grabe ka naman makatitig sa Atty, sexy ba ha" Inis na sagot nito kay Charles

"Bakit hindi ka ba tinititigan nya ng ganyan ha, or baka wala namang matitigan sayo!" Pang aasar ng Atty

"Marga" Agad na pigil ni Charles

"Alam mo Charles buti nga hiniwalayan mo yan, napaka oa" Inis naman nyang sinabi kay Karen

Hate Me Till You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon