Dear Diary,
Performance day na kaya maaga akong nagising pero wala naman akong ginawa. Noong nakarating ako sa school naghahanda na sila kaya tinawag na ako ni Mika. Nakita ko si Lalab Oliv at alam mo ba? ANG GANDA NIYA TINGNAN SA SUOT NIYA!!! LIKE I'M IN HEAVEN. . .
Pero. . . Ang ganda din ng partner niya. . . Nakaka-insecure.Kinakabahan din ako dahil matagal dumating si Raven, akala ko nga a-absent siya eh at handa na akong umiyak pero dumating naman siya at naka bihis na. Na guilty tuloy ako dahil sobrang tamlay ng mukha niya at namumutla siya. Tinanong ko naman siya na okay lang ba siya pero sabi niya ayos lang naman daw kaya sumang-ayon kami.
Nagsimula ang performance kaya nakarinig ako ng hiyawan pero mukhang hindi talaga maganda ang pakiramdam ni Raven kaya kinakausap ko siya habang sumayaw kami pero. . . . NAHIMATAY SIYA BIGLA PAGKATAPOS NAMING SUMAYAW! Nagkagulo kami buti nalang dumating si Lalab Oliv at alalayan ang kaibigan niya papunta sa clinic habang ako ay nakatulala lang.
Sana okay lang siya...
Nag-aalala,
ang magandang si Gwen.
BINABASA MO ANG
Dear Diary: Diary Ng Babaeng Walang Karapatan
Teen Fiction"Nagseselos ako, pero wala akong karapatan." -Gwendolyn Kinsley Fortana.