PAGE 019

4 1 0
                                    

Dear Diary,

Mamammahhhh! Kasalanan talaga 'to ni Mika eh. Kaya ayaw kong ibigay ang number ko sa kanya. Pero nagtataka ako kong bakit pumunta si Raven dito sa clinic na may dalang pagkain. Aanohin ko ang pagkain? Syempre kakainin.

Nagulat pa ako noong nag sorry siya ulit pero mukhang hindi sincere. Naka-taas kilay habang nag so-sorry sa akin! Walang hiya! Akala ko ba galit siya sa 'kin? Bakit pinuntahan pa ako dito? Kala ko nga pina-prank niya lang ako sa text eh.

Pero noong sinamahan niya ako hanggang hapon sa clinic biglang nawala ang galit at pagtatampo ko sa kanya pero naiinis parin ako dahil sa pagmumukha niyang hindi ngumingiti at puro asar ang lumalabas sa bibig. Ang hambog! Peke naman iyong abs niya- Ughhh! Bakit ko 'yon naaalala?!!

Hay basta, may abs siya.

Ang naiinis,
nasi Gwen.

Dear Diary: Diary Ng Babaeng Walang KarapatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon