"Jusko Oliver! Mixed signals ba 'yon!" Bigla kong nabitawan ang phone kakatalon. Nagpapanic ko naman itong kinuha.
"Kinsley! Akala ko ba gagala ka?" Biglang sumulpot si kuya Gio na kumakain ng pandesal at may kape sa kanang kamay niya.
"Papunta na kuya, naghahanap lang ng kasama."
"Si Mika? Siya nalang ayain mo."
"Nasa simbahan, ayaw kong maka abala."
"Edi mag simba ka ulit." Pinagniningkitan ko naman siya ng mata.
"Bahala ka kuya! Pupunta na ako, MAG-ISA! Kaya wala kang girlfriend eh." Pagmamaktol ko habang naglalakad papunta sa pinto.
"Narinig ko 'yon!" Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ng bahay. Hindi na ako nagpa hatid kay kuya, baka nabulunan na siya doon sa loob.
Nag-abang nalang ako ng traysikel. Pupunta ako sa mall ngayon para mag shopping- magpapahangin lang talaga ako.
At ilang minuto ay nandito na rin. Sa wakas! Ang init pa naman, bakit ba kasi ang hot k- Ay putek!
Tiningnan ko ng masama ang bumusina sa 'kin. Ano ba kuya! Wag kang mang gulat!
Wala akong nagawa kundi pumasok na. Ang malas ko naman ngayon. . . Malas nga lalo't nat halos nakikita ng mga mata ko ay magj-jowa. Halatang bitter tayo eh.
Doon muna ako pumunta sa mga stuff toy kahit hindi naman talaga bibili. Wala lang, baka may magustohan.
"Hi, Ma'am. May hinahanap po ka 'yo?" Biglang may lumapit sa 'kin na staff."Ahh, may iba pa bang kulay ang bluey?" Tumango naman ang babae at tinuro sa 'kin kong saan makikita si bluey, syempre kulay blue.
Dali-dali akong pumunta doon at nakipag unahan sa mga bata. Syempre biro lang.
"Ate, can you hand me the brown dog po?" Napabaling ang tingin ko sa batang lalake na katabi ko lang pala. Tumingin ako sa tinuturo niya at hindi ito aso.
Kinuha ko ito at binigay ko sa kanya.
"Siya si bingo, at pusa siya. Mukha lang siyang aso." Paliwanag ko sa kanya."Sino palang kasama mo?" Agaran kong tanong.
"My Tito po, but I lost him kanina." Nanlaki ang dalawa kong magagandang mga mata. Ano?! Buti nalang hindi siya umiyak at naghanap?
"Hala, hali ka nga. Hahanapin natin ang Tito mo." Pag-anyaya ko dito. Buti nalang at hindi matigas ang ulo niya at sumama sa 'kin.
Buti nalang ako ang nakakita sa kanya eh, baka na kidnap na siya.
Dala-dala niya ang stuff toy na bingo at sa 'kin naman ang bluey. Ako na ang nagbayad para sa kanya since mukhang gusto na gusto niya talaga ang pusa.
"Anong mukha ng Tito mo? I mean, pwede mo ba siyang i describe? Like, anong kulay ng suot niyang damit?" Tumango naman ang batang lalake at tinuro ang suot ko. Oh okay, naka white siya.
"His face po is grumpy but he's handsome po." Napatango ako sa sinabi ng bata. Ini-imagine ko tuloy. . .parang si Raven? Grumpy pero handso- no it's ugly.
"Ano palang pangalan mo?"
"I'm Rey, po." Tumango ulit ako. Mabait na bata itong si Rey at ang cute-cute pa.
"Eh, anong pangalan ng Tito mo? Ipapa broadcast natin."
"He's Tito Even." Wait, Even? Anong klaseng pangalan 'yon?
"Rey! Anak ng pating! Nandito ka lang pala! Mamamatay ako kakahanap sa 'yo- Ay chaka doll!" Nagulat si Raven ng makita ako.
Teka, wag mong sabihing. . . Pamangkin niya 'to?
"Tito!" Lumapit si Rey sa kanya at hinihila ang shorts niya.
"Naiwala mo ang bata, buti nalang at nakita ko. Sa susunod mag-iingat ka." Paalala ko sa kanya.
"Raven? Nakikinig ka ba?" Winayway ko ang kamay sa harapan niya kaya bigla itong nabalik sa ulirat. Napakurap-kurap ito bago tumingin sa pamangkin.
"Salamat, si Rey kasi bumibili lang naman ako n-"
"Shhhh, bata pa 'yan syempre wala 'yang alam." Napatulala ulit siya at tinaasan ako ng kilay.
"Tsk. Oo na! Bakit ka ba nandito?"
"Obviously?" Mahinahon kong sambit na parang ayaw kong mai-stress.
"Tito, kain na po tayo ng ice cream. I want to eat po." Biglang nagsalita ang bata kaya tumigil na kami sa pataasan ng pasensiya.
Tiningnan muna ako ni Raven bago tumango sa pamangkin.
"Tara na-""Kasama po si ate." Tinuro ako bigla ng bata. "She buy me a cat po." Sabay pakita ng stuff toy.
"Binilhan mo? Babayaran nalang kita mamaya."
"Okay lang, regalo ko lang sa kanya." Ngumiti ako ng matamis. Hindi ko alam pero nakaka-asar ang ngiti ko base sa mukhang pinapakita niya ngayon. Umirap siya bigla sa 'kin. Hmpp. Kala niya ha.
Walang nagawa si Raven kundi isama ako sa gala nila. Hindi naman sa ayaw ko pero buti na 'to at may kasama ako diba? At friends na kami ni Rey, Tita na niya ako. HAHAHAHA mas gusto ako ni Rey kesa sa Tito niyang grumpy.
BINABASA MO ANG
Dear Diary: Diary Ng Babaeng Walang Karapatan
Teen Fiction"Nagseselos ako, pero wala akong karapatan." -Gwendolyn Kinsley Fortana.