Gwendolyn Kinsley Fortana

8 1 0
                                    

Bahagya kong kinatok ang medyo mataas nilang itim na gate. Nang tumahol ang isang aso ay alam kong nakaka-agaw pansin ito.

"May kailangan ka ba?" Biglang sumulpot ang isang magandang babae sa tabi ko. Mukhang galing ito sa labas upang bumili ng pangangailangan dahil may dala pa itong plastic bag.

Napatulala ako ng ilang saglit bago sumagot.
"Oh-opo, dito po ba nakatira si Raven Alvarez? Classmate po niya ako." Pagpapakilala ko dito. Bigla namang nagbago ang timpla ng mukha niya at agad akong hinahawakan sa magkabilang kamay.

"Hala! Bat di mo sinabi agad! Hali ka, pumasok ka." Pag-anyaya nito sa 'kin. Mukhang hindi naman siya nakakatakot at magkamukha sila ni Raven. Baka ate niya?

Binuksan nito ang gate kaya nahihiya akong pumasok do'n. Tumahol naman ang aso kaya sinuway ito ng babae.
"Pasensiya ka na, hindi naman galit si Gwenny sa 'yo. Sa totoo lang kapag tumahol yan ay gusto ka niya." Napatango naman ako sa sinabi niya at namamanghang tumingin sa maliit na puting aso.

O.M.G! Ka nickname ko siya!

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya nong nasa tapat na namin ang pinto.

"Ah, nalaman ko kasing nilalagnat si Raven. . . Kaya dinalhan ko siya ng gamot. Ako kasi ang dahilan ng lagnat niya." Nahihiya ko pang amin dito. Napatulala naman ang babae bago tumingin sa 'kin.

"Dinalhan mo siya ng gamot? Dahil may lagnat siya? Sa ganitong oras talaga?"

Nahihiya ko naman siyang tiningnan. Bawal ba?

"Gago! Imposible naman yatang girlfriend ka ng kapatid ko. Ang ganda mo at walang papatol do'n. Hay, kaibigan ka niya no?"

"Ah- parang gano'n na nga po." Tango-tango ko pa kaya napangiti siya. Binuksan niya ang pinto at hinila ako do'n.

Nakakahiya naman kasing pumasok. Ang ganda pa naman ng bahay nila.
"Wag kang mag-alala, nilagnat kapatid ko dahil naulanan no'ng isang araw. Hindi mo kasalanan." Paliwanag niya.

"Ma! Nandito na po ako!"

Tumahol ang isa pang maliit na aso habang patakbo itong pumunta sa babae at maririnig mo ingay ng yapak papunta dito. Mahigpit kong hinawakan ang dala. Tama ba 'tong ginagawa ko?

"Lyn-lyn! May bisita daddy mo." Kausap niya sa aso na nasa paanan niya. Tumingin naman ang aso sa 'kin at tumahol.

Ang cute! May dalawang aso pala sila? Si Gwenny at Lyn-lyn.

"Oh, anak. Buti naman at dumating ka na." Sumulpot ang may kaedarang babae. Mag kasing edad lang siguro sila ni Mama at pamilyar na pamilyar siya sa 'kin.

Bumaling ang tingin ng ginang sa 'kin.
"Good evening po," Mahina kong bati dito. Napatulala naman ang ginang.

"Magdadala ka pala ng kaibigan bakit hindi mo sinabi?" Tanong niya sa anak niya.

"Hindi Ma, classmate 'yan ni Anthony." Sagot naman ng ate ni Raven.

Nanlaki naman ang mga mata ng ginang.
"Anong pangalan mo, hija?" Agad nitong tanong. Mukhang hindi naman nakakatakot ang nanay niya, hindi katulad niya.

"Gwendolyn Kinsley Fortana, po." Mas lalo siyang nagulat sa isinagot ko.

"Fortana? Anak kaba ni Kaliyah Fortana at German Fortana?" Napatango ako sa sinabi niya. Alam ko naman na kilala nila ang mga magulang ko dahil sa kabilang barangay lang ang bahay namin at kilala si papa bilang mayor dati. . .pero, nasa kabilang buhay na siya.

"Kaya pala pamilyar ka, pasensiya ka na talaga hija dahil sa anak kong tarantado. Nasaktan ka pa dati dahil sa kanya."

Napatulala naman ako ng ilang sigundo bago nakuha ang sinabi niya. Putek! Nakakahiya 'to, nagkita na pala kami dati ng nanay ni Raven. Sa guidance office noong elementary. Kaya pala kilala niya ang mga magulang ko.

"Dati lang po 'yon at bata pa po kami." Napangiti ang babae sa narinig.

Pumunta ang ate ni Raven sa kusina at inihanda ang pinamili niya habang panay anyaya sa 'kin ang nanay ni Raven.

"Kumain ka muna hija, tatawagin ko lang ang bunso naming matigas ang ulo." Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko lang. Kawawang Raven.

Gusto kong tumanggi sa pagkain dahil nakakahiya pero noong makita ko kong ano ito ay biglang kumapal ang mukha ko. Bawal sayangin ang blessings.

"May kapatid ka ba?" Napatigil ako sa pagsubo ng magsalita ang ate ni Raven. Shocks! Nandito pa pala siya, nakakahiya.

"Opo, tatlo po kami at nakakatanda iyong dalawa sa 'kin." Sagot ko sa kanya.

"Ah, pareho pala tayo. Tatlo din kaming magkakapatid. Pangalawa ako." Nahihiya naman akong ngumiti kaya medyo natawa siya.

"Wag kang mahiya, ako lang 'to. Parang ate mo na ako since kaibigan ka naman ni Anthony." Tumango-tango lang ako sa kanya. Ang ganda kasi eh, nakakahiya naman kapag nang-feeling close ka.

Pagkatapos kong kumain ay doon din dumating ang nanay ni Raven.
"Anak, ikaw nga doon sa kapatid mo. Hindi naman nakikinig sa 'kin at masakit pa daw ulo niya. Ayaw bumaba." Parang naii-stress na ang nanay niya.

Tumango naman ang ate ni Raven at umalis sa kusina kaya naiwan kaming dalawa ng nanay niya na ina-asikaso ako.
"Doon tayo sa sala hija, hintayin mo lang si Anthony na bumaba." Ngumiti ako sa ginang at sumunod sa kanya. Sobrang linis ng sala nila at do'n ko na makikita ang naglalakihang picture frame sa pamilya nila.

"Maiwan muna kita dito, wag kang mahiya." Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Nawala ang ginang sa paningin ko kaya wala akong magawa at bumuntong hininga.

Anong oras na kaya?

Biglang sumulpot ang ate ni Raven na ikinagulat ko. May dala itong itak na mukhang kinuha niya pa sa labas ng bahay nila. Nanlaki ang mga mata ko, ngumiti ito sa 'kin bago umakyat sa hagdanan.

"RAVEN ANTHONY!!! KAKAIN KA O IKAW ANG GAGAWING PAGKAIN NG MGA ANAK MO?!!!" Umalingawngaw ang boses ng ate niya sa loob ng bahay kaya nakarinig din ako ng mga tahol ng aso at mukhang nagulat din ito katulad ko.

Teka, tama ba itong ginagawa ko?

Bumalik ang nanay ni Raven na dala iyong aso kanina.
"Wag kang mag-alala hija, ganyan lang talaga sila." Ngiti ng ginang bago inilapag ang aso sa sahig at pumasok sa kusina.

Napatitig ako sa aso habang nakikinig sa ingay na parang nasisira sa taas.
"Pinaghihintay mo ang bisita! Hindi ka ba nahihiya sa kaibigan mo?"

"Anong kaibigan? Bakit naman sila pupunta dito?!"

"Concern sa 'yo! Dinalhan ka ng gamot! Dapat magpasalamat ka!"

"Ate naman eh! Kailan pa magdadala ng gamot sina Rheylan at Carlo sa 'kin! Wala iyong pake-alam!"

"Sinong may sabi na lalaki? Babae!"

"Anong babae??!-"

Nakita ko ang isang lalake na pababa ng hagdan. Pareho kaming nasamento ng magtagpo ang mga mata namin, napatulala siya habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa 'kin.

Bigla naman akong napalunok ng bumaba ang tingin ko sa kabuuan niya. Gusto kong takpan ang mga mata pero parang ang oa naman kaya umiwas nalang ako ng tingin.

"HOY ANTHONY, SAAN KA PUPUNTA?!"

"A-te naman eh! Bakit hindi mo sinabi agad!"

"Aba malay ko sa 'yo! Bakit ka ba kasi naka hubad! May sakit ka diba!"

"Obvious ba! Gabi na!"




Dear Diary: Diary Ng Babaeng Walang KarapatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon