Chapter 2

54 10 13
                                    

Dimples' Point of View



Tagaktak ang pawis sa pag-upo sa bench nang bigyan kami ni coach ng break. Diretso court ako para sa volleyball practice after class. Hindi alintana kahit aminadong ramdam ang pagod galing sa klase, kasi nag-e-enjoy ako.

Kukunin ko na sana sa bag ang dalang bimpo para punasan ang sarili, nag-angat ng tingin dahil napansin ang iilang kalalakihang nagkumpulan sa harap ko.

"A-a, umm, hi. Hi, Dimples," umabante ang isa sa kanila, tila nagdadalawang-isip iabot ang hawak na panyo.

"Hi. Is it for me?" Hinihintay ko siyang sumagot.

"O-oo," he nervously chuckled. Nanginginig ang kamay nito. Umatras pa ng kaunti kaya hindi ko nahawakan agad ang pamunas.

"Akin na, gagamitin ko," I gently smiled. Made sure to soften my voice to make him comfortable. Tumayo ako at nilapitan siya, "It's okay, akin na."

He's a bit shorter than me. Cheeks are tomato red. Marahan kong hinawakan ang kamay nito para kunin dito ang panyo. His hands are shaking cold, a bit sweaty, sa kaba siguro. Hindi ito nakapagsalita. Umatras ng tuluyan saka nagtatatakbo palabas ng court.

"Teka lang..." I didn't even thanked him yet. Bumalik ako sa upuan at dinampi sa noo ang panyo. It smells good. Sighing, I whispered, "Thanks." 

Pumalibot ang iba pa. Bumalot sa puwestong inuupuan ang kabadong paghinga, mahihinang papuri, at bahagyang tulakan nila kung sino ang unang lalapit.

"Ang ganda mo na, ang galing mo pang mag-spike, Dimples!" 

"Sobrang ganda mo. Sulit talagang panoorin ang practice ninyo, lalo na ang game! Susuportahan ka namin sa darating na selection!"

"Best player, Dimples!"

"Dimples, maiinom para sayo. Sana tagggapin mo."

"Dimples, para sayo rin 'to..."


Hindi mawala ang masayang kurba ng labi sa ko kasalukuyang natatanggap na mga komento nang muli nila akong palibutan. I'm flattered that aside from looks, they're also in observance of my playing skills, and are willing to give support.

They're blushing as I took a quick glance to each of them. Nahihiyang nag-abot ang iba pang estudyanteng nakapaligid sa 'kin. Isa-isa kong tinanggap ang mga bottled water, iilang energy drink, at canned coffee na bigay nila. 

"You don't have to. But, thank you, guys. Thank you so much," I warmly smiled, naglaan ng mga segundo para tingnan silang lahat at paulit-ulit na pasalamatan.

Natawa ako nang magtulakan sila. Nudging each shoulders and teasing each other. Some acted like fainting, wide smiles plastered in their lips.

"Guys, practice na ulit!" Lumingon ako, rinig na nagsalita si captain.

"See y'all," I jogged towards the my team and had stretches, getting ready. Isang ngiti ang lumitaw sa labi sa sigawan nila at pagche-cheer para sa 'kin.

Hyping them up, I nailed another good spike for the guys.

Alas-siyete na matapos kaming mag-practice. Gamit pa rin ang panyong bigay sa akin, dinampi-dampi ko ito sa noo at batok. Binitbit ko ang bag papuntang locker room para makapagbihis. Habang naglalakad, hinahalukay ang bag at hinanap ang phone ko.



MESSAGES
From Avveroz: 'Avveroz sent a photo.'
From Avveroz: 'Pandesal, baby. Mainit-init pa.'

Bottle in the SandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon