02

262 3 0
                                    

2.

"Ate, oras na po para uminom ng gamot si Cheska. Ang kaso, wala pang laman ang tiyan niya. Kailangan niya munang kumain bago uminom ng mga gamot niya." Ani Charlotte sa 'kin pagkarating ko galing sa trabaho. "At tungkol naman sa mga gamot ni Cheska, paubos na rin, Ate..." Kuwento pa nito.

Si Cheska ay ang kakambal ni Charlotte na mismong inaalagaan niya kapag wala kami ni Nanay sa bahay para mag-trabaho.

Bale, tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay.

Sa kasamaang palad, may sakit sa kidney si Cheska. Kaya nasa kwarto lang siya palagi. Hindi na rin namin siya napagtingnan pa sa Doctor dahil sa walang sapat na pera at panggastos. Umaasa na lang kami sa milagrong baka isang araw mawala na lang bigla ang sakit niya pero alam naman naming hindi iyon basta-basta mangyayari.

The Babysitter [COMPLETED]Where stories live. Discover now