05

134 3 0
                                    

5.

"Hayaan niyo na lang akong mam4tay, 'nay! Wala rin namana akong silbi sa inyo eh! Mas tumatagal, nagiging mas pabigat ako sa inyo! Dahil sa 'kin kaya tayo mas lalong naghihirap! Ayoko na! Gusto ko ng mam4tay! Hayaan niyo na lang akong kunin ng Diyos..." Nanghihinang sigaw ni Cheska kina Nanay at Charlotte na ngayo'y umiiyak.

"'Nay? Cheska? Charlotte? Anong nangyayari?" Kuha ko sa kanilang atensyon. "Teka, bitawan mo nga 'yang kutsily0, Cheska!" Kaagad kong agaw sa kanya ng kutsily0. Ngayon ko lang napansin na may hawak-hawak pala siyang patvlis at nakatapat sa may pala-pulsuhan niya.

Kaagad na niyakap ni Nanay at Charlotte si Cheska matapos kong mailayo sa kanya ang bagay na iyon.

"C-cheska naman, huwag mong isipin na pabigat ka. Hindi mo kasalanan kung bakit ganito ang sitwasyon natin ngayon, hmm? Mahal ka namin, anak. Huwag muna ulit gawin ang bagay na iyon, ha? May pag-asa pa, gagaling kapa. Huwag kang mawalan ng pag-asa, anak..." Humahagulgol na sabi ni Nanay kay Cheska na ngayo'y yakap-yakap din si Nanay habang umiiyak.

The Babysitter [COMPLETED]Where stories live. Discover now