08

106 3 0
                                    

8.

Kinabukasan, wala na akong sinayang na oras at kaagad na tinungo ang address kung saan nakatira ang pamilyang pagtatrabahuan ko. Ang sabi naman ni Alin Tessie ay mukhang mababait ang magiging amo ko, which is ang mga magulang ng batang aalagaan ko.

'Yong bata lang daw ang hindi.

Kaya wala raw nagtatagal na babysitter sa bata ay dahil sa mal0ko raw ito at pinagti-tripan ang mga naging babysitter nito. Kagaya nalang ng anak ni Aling Tessie na siyang huling naging babysitter daw ng bata.

Napabuntong hininga ako.

Kailangan na kailangan ko ang trabahong ito kaya sana naman makisama sa akin ang batang iyon dahil kung hindi baka isako ko siya.

The Babysitter [COMPLETED]Where stories live. Discover now