24

80 2 0
                                    

24.

Kahit nasa biyahe na papunta kung saan isinugod si Sir Blake na hospital ay hindi pa rin tumitigil si Blaster sa pag-iyak. Kaya ako naman itong panay ang pagpapa-tahan sa kanya.

"K-kuya ko..." Paulit-ulit nitong sambit habang umiiyak pa rin.

Talagang malapit siya sa Kuya niya. Kaya siguro siya ngayon ganito. Hindi siya iiyak basta-basta ng ganito kung hindi mahalaga sa kanya ang Kuya niya at hindi siya nag-aalala para sa kalagayan nito.

---

Nang makarating sa hospital kung saan daw isinugod si Sir Blake ay nasa isang pribadong kwarto na raw ito, mahimbing na nagpapahinga.

Mas lalo lamang naiyak si Blaster nang makita ang kalagayan ng Kuya niya.

Paano ba naman kasi, may benda ang isang binti nito habang may nakalagay na neck braces sa leeg at benda rin sa ulo nito. May iilang gasgas din ito sa ibang parte ng katawan.

"Tahan na, Blaster. Magiging okay din ang Kuya Blake mo, hmm?" Pagpapatahan ko pa rin sa kanya pero ayaw niya talaga. Tumigil lang siya sa pag-iyak nang dumating na rin sa wakas ang mga magulang nila at ito ang nagpatahan sa kanya hanggang sa makatulog siya mula sa pag-iyak.

The Babysitter [COMPLETED]Where stories live. Discover now