25

85 2 0
                                    

25.

Ilang araw pa ang hinihintay namin bago tuluyang nagising si Sir Blake.

"Kuya! You're awake!"

Siyempre, ang kaagad na unang natuwa ay walang iba kundi si Blaster nang magising na nga ang Kuya niya.

Halos hindi na nga ito umuuwi sa mansion at palagi lamang kaming narito sa hospital, hinihintay na magising ang Kuya niya. Habang sa gabi naman ay dumadalaw ang mga magulang nila para sila naman ang mag-alaga sa panganay nila.

Naikuwento pa nga sa 'kin ni Ma'am Beatrice at naamin na talagang hindi na nila naaasikaso ang mga anak nila dahil sa trabaho pero para sa mga ito rin naman ang ginagawa nilang pagsusumikap para mas mabigyan ng magandang kinabukasan ang dalawang anak nilang lalaki.

Hindi ko rin sila masisisi lalo't hindi ko naman talaga sila kilala pero isa lang ang alam ko, they want to give the best for their sons.

Kaya siguro pinagti-tripan ni Blaster ang mga dating naging babysitter niya ay dahil ayaw niya sa mga ito at ayaw niyang magpaalala sa iba.

Maaaring nabibigay ng mga magulang nila ang mga literal na kailangan nila pero sadyang naging kulang sila pag-aaruga sa anak nila. Hindi nila ito masyadong napagtuunan ng pansin habang binibigay sa mga ito ang buhay na gusto nila para sa mga anak nila.

The Babysitter [COMPLETED]Where stories live. Discover now